Chapter 34: His agony “SORRY,” hinging paumanhin niya sa akin at tanging pagbuntonghininga na lamang ang nagawa ko. Kasi ano pa nga ba ang magagawa ko sa kanya? Sobrang tigas ng ulo niya at wala na talaga siyang kinakatakutan pa. Ang Daddy niya, hindi na siya takot dito at wala na talaga sa kanya ang magiging consequences sa mga ginawa niya. Nagawa pa niyang makipag-deal dito dahil lang sa akin? Sa amin ni Khai? Dahil nasa kanila ito at ang daddy niya mismo ang kumuha sa anak ko. Parang ako nga ang dahilan kung bakit kinakalaban na niya ang tatay niyang makapal ang pagmumukha. “You know your father is going to be angry about what you did. Dahil sino talaga ang hindi magagalit, ‘di ba? You know what, Rykiel... Why don’t you just leave us alone? Huwag mo na kaming pakialamanan pa,” malam

