Chapter 33: Found him HABOL-HABOL ko pa ang sariling hininga ko at napapikit ako nang marinig ko ang mabilis na t***k ng puso ng taong nakayakap ngayon sa akin. Hindi isang bagay o poste ang nabangga ko kundi isang tao at sa amoy pa lang niya, sa presensiya pa lamang niya ay alam ko na kung sino siya. Kilalang-kilala ko na kahit hindi ko lilingunin pa. “What the fvck are you doing?” malamig na tanong niya at alam ko na hindi ako ang kinakausap niya. Humigpit naman ang hawak niya sa baywang ko at ang isa ay nasa likod na ng ulo ko. Napasandal ako sa dibdib niya at heto na naman ang pagiging kalmado ko sa tuwing nandiyan lang siya sa paligid ko. Iyong pagod ko kanina sa pagtakbo ay biglang nawala na parang bula. Iyong pag-aalala ko at ang bigat sa dibdib ay nabawasan nang kaunti. “S-Sir

