MAKE YOU MISS ME Chapter 40: Kiss “DAHIL iisipin ko na rin na...ako ang Daddy niya...” he said and my heart skips a beat. Do I need to answer his question? Ito na nga ba ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa anak namin? Parang natatakot akong aminin sa kanya ang totoo... “P-Paano mo... Paano mo naman naisip iyon?” mahinang tanong ko. “That kid... There’s something with him that I can’t even explain...but seeing him always melting my heart... I don’t know why...” he muttered. Nag-angat ako ng ulo para matingnan ko siya at sinalubong niya rin ako nang tingin. Ang emosyon sa mga mata niya ay mababasa ang pagkadesperado na malaman ang tungkol doon. Hindi ko na nga rin alam kung paano niya naisip iyon. “Ano’ng gusto mong isagot ko sa ‘yo ngayon? Dahil sa nalaman mo kani

