MAKE YOU MISS ME Chapter 41: DNA test result “AT TEKA lang, anak. Ano ang nasa daliri mo? Singsing ba iyan?” tanong naman ni Mommy at napansin niya nga ang suot kong wedding ring namin dati ni Rykiel. Hindi ko matingnan iyon nang matagal dahil sa naaalala ko sa nakaraan. Totoong itinapon niya ito, siya mismo ang nagtanggal nito sa aking daliri at ibinato niya sa kung saan. Tinapon niya. Sinubukan kong hanapin ito noon pero hindi ko na nagawa pa, kaya ang singsing niya lang ang nakuha at nahanap ko at that time. Lumipat sa tabi ko si Mommy at hinawakan ang kaliwang kamay ko saka niya tinitigan ang singsing. “Looks familiar...” she said. “Parang nakita ko na rin siya dati, hindi kaya... Wait, yeah... Naalala ko na. Hindi ba ito ang wedding ring niyo ni Rykiel, anak? Nakita ko na suot mo

