CHAPTER 27

2376 Words
Chapter 27: San Francisco "EH?!" "I called my grandmother Mommy. What's wrong with that?" bored na bored na tanong sa kanila ng anak ko. Sa opinyon ng iba ay oo weird talaga, kasi kami ang mag-ina at pareho pa naming tinatawag na Mommy ang aking ina at lola naman niya ito. Hindi rin naman kasi siya nasanay na tawagin itong Lolo't Lola. Simula pagkabata ay iyon na ang tinatawag niya. Nahahawa rin naman talaga siya sa akin kasi hindi lang ako ang nag-alaga sa kanya noon, eh. "Pati ikaw ay ang weird din," komento pa nila. "Just like our Kuya." "Nakasanayan ko na kasi," sabi pa ni Khai. "Kaya naman pala na walang naniniwala sa inyo na hindi kayo magkapatid. Eh, kasi Mom and Dad ang tawag mo sa grandparents mo?" Zue asked him. "Ang galing talaga." "Nakasanayan ko na nga," Khai answered again. I chuckled at kumain na rin ako. Hinayaan ko silang mag-usap. Nang matapos ay muling umusad ang bus at mayamaya lang ay nakatulog na ang iilan naming kasama. Bagsak na bagsak ang mga ulo nila sa headrest ng upuan nila. Ang iba naman ay nagpindot-pindot lang sa phone nila. Nililibang lang ang mga sarili nila. "Ang hina ng signal dito, ah..." "Expected talaga kapag nasa probinsya ka na." "I'm sure na boring mag-stay rito. Walang internet, goodness..." narinig kong sambit nila. Trust me, kahit walang internet dito ay alam kong mag-e-enjoy kayo. Tumagal nga ako rito ng ilang taon. "Ryx, mga bodyguard niyo rin ba ang nasa likuran natin, ang itim na kotse? Kasi iyong kina Kuya ay puting van naman," out of nowhere na saad ni Zules. Napansin siguro nito na may bumubuntot sa amin. "Yeah," tipid na sagot lang ni Khai. Sumulyap ako sa likod ng bus na sinasakyan namin. May puting van nga at tatlong kotse pero may kalayuan ang distansya nila. Mayroon din naman sa unahan nito at ang iilan ay lumalagpas na sa amin. Hindi lang ako sure kung sila na ba iyong mga new hired na bodyguard ni Daddy. Bihira lang naman kasi ang pagdayo ng mga tao rito. Sa kalagitnaan ulit ng biyahe ay nararamdaman ko na ang pamilyar na pakiramdam habang nakikita ko ang mga matatayog na kahoy sa gilid lang ng kalsada. Nakikita ko na may mga mumunting bahay na rin ang nakatayo. May mga bata na naglalaro ang makikita at iilan na mga tao ang nakatambay sa tindahan. Ganitong-ganito talaga ang atmosphere kapag nasa probinsya ka na. I took a deep breath at pumikit na rin ako. Isinandal ko pa ang ulo ko sa bintana. Nakasara ito kasi air conditioner naman ang bus ng school nila. Kahit gusto kong umidlip ay hindi ko naman magawa. Hanggang sa nararamdaman ko na nagising na naman ang madaldal naming kasama. Hindi talaga sila nawawalan ng energy. Kaya hindi rin nakakaantok na kasama. "Wait! Hacienda iyon, right? Ang ganda! Parang nasa tuktok pa ng bundok!" Napadilat ako dahil sa boses ni Zules. Napasulyap tuloy ako sa labas ng bintana para makita rin ang tinutukoy niyang hacienda. Napangiti ako nang makita ko iyon. Ang hacienda ni Grandma. Hindi naman talaga iyon sa may bundok, eh. Mataas lang talaga ang lupain doon kaya nagmimistulang nakatayo siya sa gitna ng bundok. Ang malaki at mataas na gate lang naman ang makikita mula rito. Hindi ang hacienda. "Puntahan natin iyon. Try nating mangapit bahay. Tapos mag-blog tayo." I smiled bitterly. Dahil simula nang namatay si Grandma ay hindi na kami nakabisita pa roon. Maski ang matulog doon o magbakasyon ay hindi na namin talaga ginagawa pa. May caretaker naman ang hacienda at ang pinagkakatiwalaan lang ng abuela ko. Kung hindi ako nagkakamali ay si Mang Albeo ang caretaker ng hacienda ni Grandma na sa akin na nga ito napunta dahil iyon ang nakuha kong mana mula sa aking lola. May mga ricemill din siya at may pinapaupahan na lupain sa pagtatanim pero kung minsan ay hindi naman niya sinisingil ang mga ito. Mabait naman talaga siya pero naging masama rin sa ex-husband ko. "Wala ka talagang kahiya-hiya, Zules. Tumahimik ka." "Huwag mo na lang kasi ako intindihin pa, Kuya eh." Mayamaya lang ay bigla akong napaigtad sa gulat dahil sa pagsigaw nila. Maliban sa aking anak, tahimik na bata naman kasi siya, eh. "Welcome to San Francisco! Here we are community service!" magkasabay na sigaw pa nila. Sumimangot tuloy ang schoolmates nila at dumaing ang girls. Halatang hindi rin sila favor sa community service. Eh, `di sana hindi na sila gumawa pa ng gulo sa school. Hindi na sana nila inaway itong si Cevianna. Pero ang isang ito ay mukha namang palaban kaya hindi talaga ito aatras at ayaw rin nitong magpatalo. Huminto sa tapat ng orphanage ang bus. Hindi ko alam na may ganito na pala siya rito sa probinsya. Talaga namang hindi na kami updated sa mga nangyayari dito pero masaya naman akong bumalik dito. Kahit may iilan na malungkot na memorya akong naaalala. Isa-isa silang bumaba at hinintay ko lang din na mauna sila para hindi kami magsiksikan pa sa pinto. Tumayo na rin ako nang makita na paunti-unti na silang bumaba. Akmang kukunin ko na ang travelling bag ko nang may nauna na itong kumuha. "Wait. Kaya ko namang dalhin," agap ko kay Rykiel. Oo, siya itong kumuha ng bagahe ko. May pilay na nga siya, eh. Tapos tutulungan pa akong magdala. Si Khai ay pinagkasya niya lang sa backpack niya ang mga damit niya. Pilyong pinanood na naman kami ng mga kapatid niya pero kunot-noo at seryoso lang ding nakatingin sa amin si Khai. "Kaya ko rin siyang dalhin," matigas na saad niya. Hinila ng mga kapatid niya ang anak ko at nauna nang bumaba. Nilingon pa ulit ako ni Khai. Naguguluhan na talaga siya sa inaakto ng daddy niya. "May cast ka sa braso. Baka mabinat `yan," sabi ko at itinuro pa ang braso niyang napilayan nga siya kahapon. "Why? Are you worried?" he asked me. "I am not," mabilis kong sagot na ikina-smirk niya dahil nagmukha akong defensive dahil sa mabilis kong pagsagot. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nakakainis talaga kung minsan ang ugali niya. Parang ang yabang-yabang niya, ha. "That's enough, Eryx. Bumaba na rin kayo," sabi ni Coach Ryle at tumango lang din sa akin. I don't have any choice but to let him whatever he wants. Naging sunod-sunuran na lang din ako. Dala pa rin naman niya ang backpack niya at bitbit ang bag ko. Kung makikita kami ng fiancé niya ay alam kong magseselos talaga iyon sa amin. Ganito ba naman ang ugali nito at magmumukha lang siyang cheater. Pero sa pagkakaalala ko ay hindi rin siya ganoon. Dahil one man woman siya. Kaya kahit may mga dalaga na kasing edad niya ang nagpapansin noon sa kanya ay hindi niya ito binibigyan ng atensyon. Kahit sinabi ko na sa kanya na baka may matipuhan siya. Wala rin. Nahulog pa rin siya sa gurang. Yes, I'm referring to myself. Dahil siguro sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na napapansin pa ang tatapakan kong sahig ng bus. Muntik na akong dumausdos pababa kung hindi lang mabilis si Rykiel para saluhin ako. Pero narinig ko pa rin ang pagdaing niya. Hindi naman talaga na sinalo. Hinawakan niya lang ang siko ko para ipirmi ako sa puwesto ko pero ginamit pa rin niya ang braso niyang may pilay. Natatarantang umayos ako at napatingin sa kamay niya. "Bakit pa kasi ginawa mo iyon?" masungit na tanong ko sa kanya. Puwede naman niya ako na hindi sasaluhin kung gagamitin lang naman niya ang kaliwang braso niya. Ang tigas ng ulo, eh. "Hahayaan ba kitang mahulog na walang sumasalo sa `yo?" makahulugang sambit niya. Hindi ko na tuloy mahanap pa ang dila ko, nawalan ako ng sasabihin. Kung tutuusin ay wala naman talagang kahulugan iyon ako lang din ang nag-a-assume. "Hindi ko naman ikamamatay kapag nahulog ako riyan, ah," sabi ko sa kanya at tinanggal ko ang kamay niya sa siko ko. "Kapag tuluyan kang napilay ay bahala ka sa buhay mo," masungit na sambit ko pa. Tumaas lang din ang kanyang kilay. Bumaba na rin ako sa bus at nilagpasan siya. "Ang sungit, ah. Siya na itong tinulungan ko, tsk," narinig ko pang komento niya. I rolled my eyes. Epal niya talaga kung minsan. Lumapit ako sa kanila na halatang pumipila na dahil may tauhan yata ang principal na sumama sa amin. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Rykiel na hindi ko na lang pinansin. "Ganito ang mangyayari sa loob ng isang linggo habang nagco-community service tayo sa San Francisco. May feeding program tayo at magbo-volunteer sa pagtatanim ng mga gulay sa orphanage. There is also a cleaning offering in this barangay, so we are expecting you to come one by one. Habang nandito kayo sa loob ng mga araw na iyon ay sinisigurado namin na hindi naman kayo mahihirapan at mabo-bored dito. Pero dapat seryosohin natin ang community service, ah? Hindi ito isang pagbabanta pero kung hindi raw nagustuhan ng principal ang performance niyo ay may tendency na mabibigyan ng hindi magandang reputasyon ang mga anak o kapatid niyo. Hindi po namin hahatiin ang mga gawain niyo o kayo, basta sabay-sabay tayong magtatrabaho," mahabang paliwanag sa amin ng lalaki. "Saan po kami matutulog kung ganoon? Diyan po sa maliit na orphanage na `yan?" tanong ng isang estudyante na mabilis na sinita ng kanyang ina. "Magtatayo pa rin tayo ng tent sa labas. Sa mga nakikita niyo nga ay oo maliit lang itong orphanage. Hindi kasi ito na-renovate, maliit lang ang budget ng school kaya ito lang din ang na-afford ng principal na galing mismo sa sarili niyang sahod. Puwede rin naman po kayong maging sponsor nito if you want but no pressure," paliwanag pa niya. "I won't," narinig kong bulong ni Rykiel sa aking tabi. I looked at him. "And why is that? Bahay ito ng mga bata na wala ng mga magulang o inaabando na nila. This is home for angels," I told him. "Kung isa ka ba sa sponsor tapos every month ay required na pupunta ka sa lugar na ito ay bakit hindi ko rin subukan? Sabay makikisabay na rin?" utas niya. "Ano?" naguguluhang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nag-iwas na lang ng tingin. "Bukas pa naman tayo magsisimula. Kaya magiging 6 days na lang talaga ang community service natin. So, take your time para magpahinga at mamaya ay magtatayo na tayo ng tent natin," sabi pa niya at pumapalakpak. Iyong mga kasama lang niya sa school nila ang nagbigay ng mga pasalubong nila sa mga bata. Tuwang-tuwang ang mga ito. Kung alam ko lang na sa orphanage age ang pupuntahan namin, eh `di sana nakapaghanda rin ako ng pasalubong sa kanila. May kaliitan nga ang orphanage pero sa akin `sakto naman talaga ang laki niya, hindi lang siya malaki. O sadyang naliliitan at nasanay lang ang estudyante na iyon sa laki ng orphanage sa Manila? Umupo ako sa bench at nagsalubong ang kilay ko dahil sumunod talaga sa akin si Rykiel. Umupo rin siya sa tabi ko. Napapansin ko tuloy ang pag-iling ng kapatid niyang si Ryle. "Bakit dito ka umupo? Doon ka sa kabila," masungit na sabi ko sa kanya. Tukoy ko sa kabilang bench. Ibinaba niya sa gitna namin ang travelling bag ko at backpack. Tapos ay itinukod sa gilid niya ang kanang kamay niya. "Mas gusto ko rito, eh. Bakit ba?" parang batang laban niya sa akin. "Pinagtitinginan tuloy tayo ng mga kapatid mo, oh," saad ko at itinuro ko ang mga bata. "Ano naman?" naaasar niyang tanong. "Baka nakakalimutan mo na we're not in good terms with your father," paalala ko sa kanya. "Kayo lang ni Dad. Hindi tayo," sabi pa niya. Kaswal lang ang suot niya ngayon, plain shirt and maong na pants. Ganoon din ang suot ng Kuya Ryle niya. Maliban sa tatlong bata na halatang pinag-usapan pa kung ang ano isusuot nila para sa araw na ito. Naka-shorts pants kasi sila, snakers at naka-hoodie jacket pa kahit ang init-init ng panahon. Pero dahil nasa probinsya nga kami ay medyo malamig siya. Manipis na blouse rin kasi ang suot ko at brown jeans. "Kasali ka na. Gusto pa niyong makuha sa akin ang anak ko," malamig na saad ko. "Hindi na nga... Sa `yo na ang anak mo. Ang suwerte ng Daddy niya," sabi niya na sinadyang ibulong na lang ang huling katagang binigkas niya. "Did you cried?" "What?" tanong ko pabalik dahil sa tanong na naman niya. "What, ha? Bingi ka na?" nang-aasar na tanong niya sa akin. "Why did you asked me that?" "Dahil halatang umiyak ka, eh," sagot niya. "Eh, ikaw. Kung may gusto bang kumuha sa anak mo ay hindi mo iiyakan?" "Iiyakan ko, of course. Pero si Khai... Anak mo iyon at nang ginusto ni Dad na makuha niya ito dahil baka siya na ang nawawala naming kapatid ay bakit gusto ko ring ipagdamot siya? Bakit parang gusto kong suntukin ang tatay ko?" Matiim akong napatitig sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na tanungin ako no'n? Umiigting din ang panga niya, nandidilim pa ang mukha. "O baka guilty ka lang sa gagawin ng Daddy mo," sabi ko at muling tumingin sa side nina Khai. "Maybe," tumatangong wika niya. "Pero alam mo ba kung bakit dito ko gustong pumunta o sa lugar na ito sa mag-community service?" Curious din ako kung bakit nga ba pero hindi ako magtatanong sa kanya. Nanatili akong tahimik. Pero siya rin naman agad ang nagsalita. "Dahil sigurado ako na sa probinsyang ito tayo unang nagkita. Aminin mo man o hindi ay sa San Francisco una mo akong nakilala." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. Nanlaki pa ang mga mata ko na muli siyang nilingon. Paano naman niya nasabi? Hindi ba siya nag-o-overthink lang? "Impossible," malamig na sabi ko. Oo, tumatanggi ako. Dahil para saan pa na ikompirma ko iyon sa kanya? "Kahapon... May kaunti akong naalala. Alam kong hindi ako nagde-daydream lang. Nakita kita, same face but in a different place. Pero sigurado ako na ikaw talaga iyon at kilala mo ako. Hindi ko lang matandaan dahil sa trauma ko... I know I'm telling the truth because I have this guts and my instinct told me..." "Unbelievable," sabi ko lang at tumayo para iwanan na siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD