CHAPTER 28

2603 Words
Chapter 28: Lost direction SUSUNOD pa yata sa akin si Rykiel pero natigilan din siya nang makita ang dalawang tao na palapit sa side namin. Si Arzeil at kasama niya si Chrysler. Ano'ng ginagawa ng dalawang ito rito? Bitbit nila ang mga bagahe nila at nagmamadali pa silang lumapit sa amin. "Honey!" masayang bulalas ni Chrysler at lumapit kay Rykiel. Sinalubong naman siya nito at yumakap agad sa kanya ang fiancée niya. "Chrysler," malambing na sambit nito sa pangalan ng babae. Inilipat ko na lamang ang atensyon ko sa iba dahil masakit talaga sa paningin na makita silang dalawa. Hindi pa rin talaga ako sanay na makita si Rykiel na may kasamang ibang babae. "Jess," nakangiting sambit naman ni Arzeil sa pangalan ko at hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko naman siya pabalik. "Ano'ng ginagawa mo rito, Arzeil?" tanong ko sa kanya. "Makiki-community service rin kami," sagot niya sa akin at napatingin pa sa paligid. Simpleng v-neck shirt na brown lang ang suot niya at faded jeans. "Paano mo naman nalaman na rito mismo sa lugar na ito kami pupunta?" tanong ko pa sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Hinayaan ko siyang gawin iyon, dahil sanay na ako sa kanya. "Of course, alam ni Chrysler kaya sumabay na rin siya sa pagpunta rito. Muntik pa kaming maligaw," aniya. Mabuti na lamang ay hindi nagseselos si Rykiel na kasama nito ang kaibigan niya. "Pero bakit sumunod ka pa? One week lang kami rito at babalik kami agad sa Manila," ani ko at sumilay ang ngiti niya sa labi. "Maraming mangyayari sa loob ng isang linggo na ito, Jessel at gusto kong palaging nakikita ka," sabi niya at umaakto siya ngayon na clingy. "What about your work? Hindi ka puwedeng um-absent sa mga commercial shoot mo, Azz," paalala ko sa kanya. Mas kailangan talaga siya roon dahil siya ang asset namin sa kompanya. Malakas siyang manghakot ng mga fans niya, eh. "Binigyan ako ng break ng manager ko, kaya okay lang. Gusto kong maranasan ang community service," sabi niya na tinanguan ko na lamang. "Where's Alkhairo?" he asked at hinanap din ng mga mata ko si Khai pero napako lang iyon sa dalawang taong nakaupo sa bench. Nakahilig sa dibdib niya si Chrysler at nakaakbay naman siya rito. Magkahawak kamay pa sila. Hindi ko lang talaga maintindihan si Rykiel kung bakit gusto pa niyang maalala ang first meeting namin at bakit interesado pa siya. Wala naman yatang magiging problema sa kanila ni Chrysler dahil halatang mahal naman nila ang isa't isa pero bakit ganoon na lamang si Rykiel? Bakit lapit nang lapit siya sa akin at bakit pinili pa niya itong probinsya na ito kahit alam niyang dito niya nakuha ang trauma niya? Ang daming katanungan ang nabubuo sa utak ko na hindi ko naman magawang sagutin pa isa-isa ang mga iyon. Dahil wala akong maisip na puwedeng dahilan. "Sasabay sana kami sa bus ng school pero nakakahiya dahil hindi naman kami kasali talaga." Naibalik ko ang atensyon ko kay Arzeil nang magsalita siya ulit. "Eh, ngayon?" untag ko. "Volunteer kami," sagot niya lang at natawa ako. Iginiya niya ako papasok sa orphanage age at hindi lang pala mga bata ang kinukupkop nila. Pati mga matatanda na siguro wala ng mga anak na nag-aaruga o iniiwan na dahil ayaw naman talaga nila ang mag-alaga sa mga matatanda. Iyong mga bata nga ay pinapabayaan na nila. Paano pa kaya ang mga katulad nila na mas mahirap alagaan? Tumulong sina Khai sa pagbibigay ng mga pasalubong para sa mga bata at matatanda. Tuwang-tuwang pa sila sa ginagawa nila dahil maraming mga bata ang makikitang nakangiti at halatang masayang-masaya sa mga natatanggap nila. Panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanila. "Magpahinga ka muna rito, Jess. Tutulong ako sa kanila," aniya at dinala niya lang ako sa may sala. Tumango na lang ako at umupo sa malambot na couch. Sumandal ako sa headrest nito at nang makita na ni Arzeil ang posisyon ko ay saka niya ako iniwan. Ipinikit ko ang mga mata ko at parang nakararamdam na ako ng antok. Iidlip na lamang ako kaya inayos ko pagkakahiga ko. Hindi ko na nga namalayan pa na nakatulog na ako. Nagising lang ako nang makaramdam ako ng mabigat na presensiya sa tabi ko at parang matagal na rin akong pinapanood nito. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at nabigla ako nang makita ko si Rykiel. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kanya at bakit ang lapit ng mukha niya sa akin? Nasa tabi ko na rin siyang nakaupo. "Are you tired?" he asked me instead of answering my question. Umusog ako palayo sa kanya at sinundan pa niya nang tingin iyon saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko ulit. Halatang kanina pa siya rito, eh. "Binabantayan ka," sagot niya sa akin. My head knotted. "Bakit mo naman `yan gagawin?" masungit na tanong ko sa kanya. "Kanina pa kami kumain ng miryenda. Gutom ka na?" Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. Tinitigan ko pa iyon pero hindi ko inabot ang kamay niya. Kaya ko namang tumayo ng walang tulong niya. Isinuksok na lamang niya ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon at tumikhim. Naglakad ako palabas at nagulat ako ng makita na walang katao-tao sa labas. Nasaan na ang mga bata? Sina Khai? Ang makikita ko lang ay ang malaking tent sa labas at iyon lang. "Nasaan na sila?" tanong ko at nasa boses ang pagtataka. Dahil sa dami ng tao kanina ay bakit biglang nawala? Bakit kami lang iyong natira? Ang mga matatanda na naka-wheelchair ang iba, nasaan na? "Nasa garden silang lahat," sagot niya sa akin. "Nasaan iyon? At bakit nagpaiwan ka?" tanong ko sa kanya at binalingan ko siya ng tingin. "Nag-harvest lang sila ng mga gulay na tanim nila para sa feeding program bukas. Saka...wala kang kasama kapag sumama pa ako." "Ano? Bakit mo naman gagawin iyon?" kunot-noong tanong ko. "Ang dami mong tanong, Miss. Halika pakakainin kita," sabi niya at hinila ang siko ko pero nagpumiglas ako. Binawi ko ang kamay ko at umigting ang panga niya. "Hindi ako gutom," sabi ko sa kanya at iniwan ko siya roon. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Umupo ako sa loob ng tent, open naman siya. Para bukas yata ito. Maraming chairs and tables. Dalawang malaking tent siya at nasa dulo naman ang iilan, siguro iyon ang tutulugan namin mamaya. Binuksan ko ang cellphone ko at katulad ng inaasahan ko ay walang signal. Pick up lang siya. Baka hanggang text lang din. Hindi ko namalayan ang pagbalik ni Rykiel at tumabi pa siya sa akin. May inilapag siyang isang plato ng turon at may saging pa na binalutan din ng harina at prinito lang din. Isang tasang kape rin. Sinundan ko pa ng tingin ang pagkagat niya sa turon at sa akin din pala siya nakatingin. Napahawak ako sa tiyan ko dahil biglang namanhid iyon. Kumain naman kami kanina kaya hindi talaga ako gutom. Kaya nga ako tumanggi sa kanya. "Ayaw mo?" tanong niya sa akin. Inirapan ko siya. Sa dami ng taong maiiwan kasama ko ay siya pa talaga? Bakit hindi si Arzeil ang nagpaiwan? Bakit hindi na lang iyong anak ko ang kasama ko ngayon? Bakit siya pa talaga na iniiwasan ko? Napatalon ang balikat ko nang hinawakan niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang tinidor na may turon na. "Come on, try to eat this, Miss," he said. I don't have any choice but to accept na lang at dinala ko ito sa bibig ko. Kinagatan ko at wala sa sariling napatango ako nang matikman ko na ang lasa nito. Masarap siya, malambot at matamis-tamis. "See? Nagustuhan mo rin," nakangiting sabi pa niya. Hindi ko siya pinansin at kumain lang ako. Iniusog pa niya sa akin ang plato at tasa. Tahimik na pinapanood niya lamang ako habang kumakain. Marami na ang nakain ko at nang may natira pa na dalawa ay iniusog ko iyon ulit sa kanya. Tiningnan niya iyon. "Bakit? Ayaw mo na?" tanong niya sa akin. Tumango ako. "Busog na ako," sabi ko at kinuha ko ang mineral water saka uminom. Binalot niya ng tissue iyong dalawang turon saka siya tumayo. Hindi na ako nagreklamo pa nang alalayan niya ulit akong makatayo. "Tumulong tayo sa kanila," sabi niya at tumango lang ako. Nasa kamay ko pa ang mineral water at ibinalik ko lang ang takip niya. Magkasabay kaming naglalakad ni Rykiel at hindi na naman siya nagsalita. Malayo yata ang taniman nila dahil masukal na ang nilalakaran namin. May mga bato na rin kaming nadadaanan at madulas na talaga siya. Muntik na nga akong mawalan nang balanse kung hindi lang siya mabilis at nahahawakan ako agad sa braso ko. "Be careful," sabi niya. "W-Wait..." kinakabahan na sabi ko dahil dumudulas ang suot kong sapatos. Hindi ko magawang humakbang dahil nag-slide na siya sa putikan. "Rykiel..." tawag ko sa pangalan niya. Mas nauuna na kasi siyang maglakad, eh. Ang haba naman kasi ng mga biyas niya, hindi ko siya naaabutan. Binalikan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Sa kanya na ako kumuha ng suporta para hindi ako bumagsak. May namumuong pawis sa noo ko. Mabuti na lamang ay hindi tumitirik ang araw. Napatingin ako sa dinaraanan namin at umawang ang labi ko dahil pamilyar na sa akin ang mga ito. Hindi ako puwedeng magkamali. "Naliligaw ba tayo, Rykiel?" mariin na tanong ko sa kanya at matalim ko siyang tiningnan. Napakamot siya sa batok niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Naliligaw tayo, `no?" pag-uulit ko. Ni hindi na siya makatingin sa akin kaya tama ako. "Hindi ako sigurado kung dito ba talaga sila dumaan. Hindi ko alam kung saan," he reasoned out. "Akala ko ba alam mo kaya inaaya mo ako rito?" inis kong tanong sa kanya. "Tiningnan ko lang naman ang dinaanan nila kanina. Dito sa bandang ito, pero hindi ko talaga alam at paano mo nasabi na naliligaw tayo? Nandoon pa iyong dadaanin natin, oh," aniya at itinuro niya ang nasa tapat na iyon. "Ang tagal nating naglalakad dito pero hindi pa rin tayo nakakarating? Sigurado ako na mapapagod lang ang mga bata at ang mga matatanda," sabi ko at umismid pa. "Nagpapahinga na sa mga kuwarto nila ang matatanda, Miss. Saka hindi lang naman tayo ang naiwan doon, nandoon si Mother Superior. Iyong mga bata, staff ng school at iyong mga kasamahan pa natin ang sumama para mag-harvest," saad niya. Napahilot ako sa sentido ko. Sabi niya kanina kaya siya nagpaiwan ay para may kasama ako. Pero may tao naman pala roon! "Pero naliligaw na tayo!" asik ko sa kanya. Napanguso siya dahil sa biglaan kong pagsigaw. "Natatakot kang maligaw na kasama ako?" tanong niya sa akin. Mariin na napapikit ako. "Malamang! Hindi mo naman alam ang lugar na ito!" ani ko pero pinasadahan ng kamay niya ang daan. "Hindi ko lang alam ang lugar kung saan ba iyon but you can trust me, pamilyar pa ako sa dinaraanan natin kaya hindi ko masasabi na naliligaw na tayo kahit hindi tayo dumarating sa garden nila," paliwanag niya sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. Kasi bakit pamilyar sa kanya? Don't tell me may naaalala na naman siya? Kahit imposible iyon. "Bumalik na lang tayo sa dinaanan natin kanina," ani ko at pumihit ako patalikod pero mabilis niyang hinawakan ang siko ko. "Rykiel," I warned him. He shook his head. "Please, samahan mo muna ako," nakikiusap na sabi niya. "Umuwi na lang tayo," giit ko at hindi ko kayang bawiin ang kamay ko dahil humigpit ang hawak niya roon. "Rykiel. Isa, bitawan mo ako." "Come on, iuuwi naman niya. Puntahan lang natin iyon, may gusto lang akong patunayan," sabi niya. Napabuga ako ng hangin sa bibig. "Wala naman tayong mapapala riyan, Rykiel. Bumalik na lamang tayo at baka nakabalik na rin sila sa orphanage. Pagod na ako sa kalalakad--Rykiel." Lumuhod kasi siya sa tapat ko habang nakatalikod. Alam ko na ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang mag-piggy back ako sa kanya para sumama na talaga sa kanya. Wala naman kasi kaming gagawin doon at sasakit lang ang ulo niya kapag narating namin ang bandang iyon. "Please, I will carry you," seryosong sabi niya. Nagpapaawa talaga siya sa akin kasi ang boses niya. Bumuntonghininga ako at naglakad na sa unahan. Mabilis naman siyang sumunod sa akin at pumuwesto na lamang sa likuran ko. Masyadong mataas ang d**o at matatayog na punong kahoy lang talaga ang makikita mo. Maririnig din ang tuyong dahon sa lupa na naaapakan namin. Hindi iyon kanina na madulas at maputik pa. Dahil sigurado dinadaanan pa rin iyon ng tubig. Malutong ako napamura nang nadulas ako sa tuyong dahon. Hindi na kamay ko ang hinawakan ni Rykiel. Iyong baywang ko na. Doon lang ako nakaramdam ng pagod nang humilig ako sa dibdib niya. Nabasa iyong shirt ko sa pawis ko kaya umayos ako ng posisyon dahil baka kung ano pa ang maamoy niya sa akin. Mahirap na. "Pagod ka na? Bubuhatin na kita," sabi niya pero umiling ako. "Kaya ko pa," sabi ko at napatingin ako sa kanya. Nabasa na rin ng pawis niya ang kanyang buhok. Parang hindi naman siya napagod dahil wala naman sa hitsura niya. Ang daya talaga, pawisan na siya pero ang guwapo pa rin niya. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad ko. "Ano ba kasi ang gagawin natin? At ano ang patutunayan mo?" marahan na tanong ko sa kanya at sumabay na siya sa paglalakad ko. "Nakikita ko lang ito sa panaginip ko," kuwento niya sa akin. Napatingin ako sa kamay niya at ibinigay sa akin ang isang turon. Kinakain na niya ang isa. Kinuha ko na iyon at kinagatan "Ano'ng sa panaginip mo lang nakikita ang mga ito?" curious kong tanong sa kanya. "Ang sabi ng psychologist ko, lahat ng mga nakikita ko ay gawa-gawa lang ng imahinasyon ko. I don't believe it, dahil nararamdaman ko na hindi ko iyon gawa-gawa lang. Na totoong nangyari ang mga iyon sa akin. Hindi ko lang matandaan at wala lang talaga akong maalala," sabi niya. Hindi ko rin alam sa kanya na kung bakit ikukuwento pa niya sa akin iyon. "Baka tama ang doctor mo. Sundin mo na lamang," saad ko. "Kung sasabihin ko ba na pagkatapos ng masukal na gubat na ito ay may makikita tayong talon?" biglang tanong niya at parang gusto ko na lang bumalik sa pinanggalingan namin. Dahil alam na niya agad kung saan kami patutungo. Natigilan pa ako pero inilingan ko pa rin siya. Nagkunwaring walang alam. "Hindi," sagot ko. "May talon, alam ko. Sigurado ako," sabi niya at hinawakan na naman niya ako sa braso at hinila. Huminto lang kami nang marinig ang lagasgas ng tubig at ang malamig na hangin na tumatama sa aming balat. Hindi ako binitawan ni Rykiel at nang silipin ko ang mukha niya ay nakangiti na siya. "I still don't believe you," I told him. Hindi naglaho ang ngiti niya. "Ayos lang. Hindi naman kita pipilitin na maniwala sa akin pero sinamahan mo pa rin ako rito," saad niya. "Ano naman?" bored na saad ko. Makulit ka kasi. "Hindi ito ang unang beses kong nakapunta, Jessel," sabi niya. "Ewan ko sa `yo," balewalang sambit ko sa kanya at binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Maligo muna tayo?" pag-aaya niya pero inilingan ko siya. "Ayoko. Bumalik na tayo at baka nag-aalala na ang mga iyon. Ang anak ko, hahanapin ako no'n," sabi ko sa kanya. "Hindi." "Ano?" "Hindi ka no'n hahanapin dahil alam niyang hindi kita iiwan doon," mayabang na sabi niya. As if maniniwala ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD