CHAPTER 29

2776 Words
Chapter 29: Feeding program HINDI na kami nahirapan pa ni Rykiel nang makabalik kami sa orphanage age at ipinagpasalamat ko lang dahil `sakto ang pagdating naming lahat kaya hindi na rin nagtaka ang mga kasama namin. Baka kung ano-ano pa ang itatanong nila sa amin, na kung bakit magkasama kami ni Rykiel at kung sana kami nagpunta. Tss. Totoo nga na may tao pala sa loob. Nagsinungaling pa sa akin. Ang dalawang magkapatid na babae ang kasama ko sa tent at si Chrysler. Kaya noong pagabi na ay naghanda na kami pareho sa pagtulog namin. "Wala pala tayong maayos na introduction, `no? I'm Levianna De Tagle, 27 years old. I'm interior designer," pakilala sa akin ni Levianna. Interior designer. She must be talented. "Jessel de Leon Diamente, 35 years old," I said. "Nice meeting you, Levi," nakangiting dugtong ko pa sa kanya. "Same here, Jessel. Grabe, hindi naman halata na ilang taon ang gap natin. Parang same age lang kasi tayo, eh," namamanghang sabi niya at nginitian ko lang siya. "Cevianna po ang pangalan ko, Ate Jessel at talaga po bang kayo ang biological mother ni Ryx?" tanong naman sa akin ni Cevianna. Nagdududa pa yata siya. I nodded my head. "Yeah," I replied. "Grabe talaga... Akalain po ninyo... Sa ganyang edad niyo ay may anak na kayong teenager, ano? Nakakatuwa po talaga at super bait ng anak niyo, Ate," Cevianna blurted out. My smiled widened and I'm proud of him. Talagang mabait ang anak ko. "Uhm, yes," sagot ko na lamang dahil iyon lang naman ang kaya kong sabihin. Hindi ko naman sila pipilitin pa na maniwala talaga sa akin. Ang importante ay may idea na sila kung sino nga ba si Khai sa buhay ko, na hindi ko lang siya kapatid dahil totoong anak ko siya. Na ako mismo ang nagluwal sa mundong ito kay Alkhairo. Saka alam ko naman na mahirap talagang paniwalaan iyon. Dahil imposible raw, ika nila. *** Nagluto rin ang iba para sa dinner namin at sabay-sabay kaming kumain. Si Khai naman ay nagkasya silang tatlo sa tent. Hindi ako agad nakatulog dahil siguro ay namamahay pa ako pero sinubukan ko pa rin kahit magulo ako sa higaan ko. Si Cevianna ay kanina pa natutulog at nasa dulo naman siya. Katabi niya ang kapatid niya, malaki naman ang space at makakatabi ko naman sa pagtulog si Chrysler pero nasa labas pa siya. Siguro nakikipagkuwentuhan pa siya sa fiancée niya. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman kasi inaasahan na maliligaw kami ni Rykiel at ganito agad ang mararamdaman ko. Feeling ko kasi ay sinisira ko ang relasyon nilang dalawa at masyado kong ninanakaw ang atensyon ng lalaking mahal niya. Kahit hindi ko naman sinasadyang gawin iyon. Isa kaya ito sa dahilan kung bakit mas pinili ko ang manahimik at hindi na ako nag-try pang sabihin kay Rykiel ang lahat. Na palagi akong nagkukunwari na hindi ko siya kilala at wala akong kinalaman sa mga bagay na naaalala niya ng paunti-unti. Takot akong manakit ng damdamin ng iba because I've been there. Sobrang sakit ang umahon sa sakit at pighati kaya kung kinakailangan talaga ay dapat ko ng iwasan si Rykiel pero siya pa rin talaga ang gumagawa ng paraan para malapitan ako. Kahit ano pa ang gawin ko ay hinihila pa rin ako palapit sa kanya. Napabuntonghininga ako at mariin na pumikit na lamang. Hindi naman ako nabigo dahil bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at bago pa ako kainin ng kadiliman ay nakarinig pa ako ng pagsinghot na tila may umiiyak pero hindi ko na masyado pang nabigyan ng pansin dahil inaantok na talaga ako. Maaga pa rin ako nagising kinabukasan pero si Chrysler ay hindi ko na nadatnan pa. Mas nauna yatang nagising ang isang iyon. "Good morning, Mom," bati sa akin ni Khai at humalik pa sa pisngi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakaligo na siya agad at basang-basa pa ang buhok niya. Nanuot sa aking ilong ang gamit niyang sabon. Kinuha ko ang towel sa balikat niya at tinuyo ang kanyang buhok. "Saan kayo naligo, Khai? Ang aga pa, ah. Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sa kanya. Nakaharap siya sa akin at panay ang pagpikit ng mga mata niya. "Ang sweet naman ni Mommy J!" Nginitian ko si Zue dahil siya na naman itong nag-ingay umagang-umaga. "Masarap po ang tubig sa talon, Mom," sagot niya. "Pumunta kayo roon? Sino'ng kasama niyo? Paano niyo naman nalaman na may talon dito?" tanong ko sa kanya. "Si Dad," pabulong na sagot niya sa akin at may sinenyas sa kung saan. Tiningnan ko iyon at nakita ko si Rykiel. Kaya naman pala wala na si Chrysler sa higaan namin dahil magkasama na sila agad ng fiancé niya. Bago pa man magtama ang mga mata namin ni Rykiel ay nag-iwas na ako ng tingin. "Ganoon ba?" "May tubig naman po sa loob, Mommy. Kung maliligo kayo ay hindi na kailangan pumunta pa roon. Nag-aya lang po siya dahil may sinabi siya kay Coach Ryle. Sumama rin ang fiancé niya," Khai explained and I just nod my head. Sa buong araw ay iniwasan ko ang mapatingin sa gawi nina Rykiel habang nagsisimula na ang feeding program. Sina Cevianna at ang ibang parents ang nagsandok ng mga pagkain para sa mga bata at matatanda. Ako naman ay mas pinili ko ang subuan ang mga batang may sakit na hindi na kayang kumain ng mag-isa. May pinagkakaabalahan na rin ang iba at hindi ako sigurado kung ano naman ang ginagawa ng mag-fiancee pero sigurado ako na hindi sila naghiwalay simula pa kanina. Si Arzeil din ang kasama ko sa side na ito. Nalaman ko rin mula sa mga madre na last week pala ay nagkaroon din ng medical mission ang mga doctor sa Manila at lahat ng mga bata at matatanda rito ay nasuri nila ng libre. Tatlong araw lang daw ang tinagal ng mga iyon dahil may iba pang lugar ang pinuntahan nila. Nawiwili ako sa mga bata na subuan sila kaya hindi ko na rin namalayan ang oras at nakalimutan ko na rin ang kumain. I didn't feel the gutom naman kasi. Kung hindi lang ako inaya ni Arzeil na kakain na. Pero kaming dalawa na lang yata ang kakain at tapos na ang iba. I roamed my eyes around at hindi ko na nakita pa si Rykiel. Baka kasama niya si Chrysler. Napanguso ako dahil bakit ko pa siya hinahanap? Wala naman sa akin kung saan man siya magpunta. Wala akong karapatan. Pero mukhang nagkamali ako na kami na lang ni Arzeil ang hindi pa kumakain dahil umupo sa tapat namin si Rykiel. May dala siyang lunch pack at mineral water at inilapag iyon sa mesa. Nakasimangot pa siya at mukhang hindi maganda ang mood niya. "Hindi ka pa kumakain, Eryx?" tanong ni Arzeil sa kanya. Tumingin muna siya sa akin saglit bago niya binalingan ang katabi ko. "Oo, hindi pa," tipid na sagot niya lang. "Where's Chrysler by the way?" tanong ni Arzeil at napatingin pa siya sa paligid para sigurado hanapin si Chrysler. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at hindi ko na sila pinansin pa dahil gutom na gutom na talaga. Rice ball, chicken curry and fried tofu slices ang pagkain na nakahain ngayon sa table. Si Arzeil ang kumuha ng mga ito kanina at tubig lang din ang kinuha ko. "She's tired, nagpapahinga sa loob," sagot ni Rykiel. "Wala namang ginagawa si Chrysler kundi ang manood lang sa `yo, bakit siya napagod?" tanong ni Arzeil pero nasa boses pa rin niya ang pagbibiro. Baka ma-offend ang isang ito. Siyempre, hindi mo naman magugustuhan kapag may sinabi na hindi maganda ang isang tao tungkol sa mapapangasawa mo, `di ba? "Exactly," sabi lang nito. Silang dalawa lang ang nag-uusap and I remained silent but in the middle ay biglang tumunog ang phone ni Arzeil. Nag-aalangan pa ako nang magpaalam siya para sagutin ang tawag. Maiiwan na naman ako ng mag-isa kasama si Rykiel. Busy naman ang ibang kasamahan namin pero naisip ko na hindi pa rin talaga maganda kapag nakita kami ngayon ni Chrysler. Hindi ko naman magawang umalis agad dahil hindi pa ako tapos kumain. Hindi pa ako nabubusog kahit marami na akong nakain. Napagod kasi ako kanina. Nagulat naman ako nang nilagyan pa ni Rykiel ng kanin ang plato ko. Tapos dinamihan pa niya. Wala sa sariling inilagay ko iyon sa plato niya, kalahati lang naman iyon. "Hindi ko iyan mauubos," sabi ko sa kanya at hindi naman siya umimik pa nang ibalik ko ang kalahati ng kanin. Kakainin ko naman ang ilan. "Kumakain ka ng grilled sardinas?" tanong niya kapagkuwan. Napatango ako dahil nauubos na ang ulam namin. "Stay here, kukuha lang ako." Sumimsim lang ako ng tubig at sinundan siya ng tingin. Bakit ba nakiki-share ng upuan ang isang iyon? At inaasikaso na naman ako sa pagkain. Hindi ba siya nababahala na baka makita siya ng fiancé niya? Ano na lang ang sasabihin nito kapag nakita nito na mas inaasikaso niya ako? Hindi naman siya ganito sa akin dati, ah. Bumalik siya sa upuan niya na may dala ng grilled sardinas and raw egg. Inilapag niya ang mga iyon malapit sa plato ko. Tahimik lang kaming kumakain nang si Arzeil naman ang bumalik. "Babe, Jess. I need to go back to Manila," malungkot na sabi niya sa akin. Napatingin ako sa foods niya. Hindi pa tapos iyon. "Bakit daw?" I asked him. "Babalik na sa bansa ang kapatid kong babae at ako pa ang nautusan ni Dad na sumundo sa airport. Kailangan bukas ng umaga ay nandoon na ako. Mainitin pa naman kasi ang isang iyon," mahabang sagot niya sa akin. Si Ishie ang tinutukoy niyang kapatid niya. Nasa ibang bansa nga ito at matagal nang hindi umuuwi rito sa bansa kaya talaga namang uutusan siya ng Daddy niya para sunduin ito. "Ayos lang naman," ani ko sa kanya. Tumango siya at humalik sa pisngi ko. "Magkita na lang tayo roon, okay?" sambit niya at tumango na lamang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung pabor ba sa akin ang tadhana dahil sumama sa pagbalik niya si Chrysler. May emergency rin ito sa Manila. Ipinagpasalamat ko iyon dahil hindi ko na sila makikita ni Rykiel na magkasama. Iba kasi ang dating no'n sa akin. Tsk. Hapon na nang matapos ang feeding program pero sa mga sumunod na araw pa ay nagsimula ulit iyon. Dalawang araw na lamang ang natitira para sa amin. Natapos ang feeding program at ang paglilinis na naman sa lugar nila ang gagawin namin at sa loob ng mga araw ring iyon ay wala yatang oras na hindi lumalapit sa akin si Rykiel. Tahimik lang siyang tatabi sa akin at kahit madalas na napapansin kami ng mga kapatid niya ay hindi na lamang umiimik pa ang mga ito. Pero kapansin-pansin talaga ang pagsalubong ng kilay ni Khai at madalas niyang sinasamaan ng tingin ang daddy niya. Kahit din napapansin ng isa ay ngumingiti lang siya. Mag-iiwas na lamang ng tingin ang anak ko. Hindi naman niya kayang pagsabihan ito. Kumakain kami ng miryenda nang biglang lumapit sa amin ang staff ng school at mukhang problemado ito. "What is it?" mahinahon na tanong ni Rykiel sa lalaki. "Nagpaalam sa akin ang mga bata na pupunta lang sa talon. Kung saan sila naliligo, pero lima lang ang bumalik at nagtungo raw sa kabila ang apat," sabi nito sa amin at nabitin sa ere ang kinakain ko. Nagkatinginan pa kami ni Rykiel dahil saan naman pupunta ang apat na bata na iyon? Alam kong sina Khai iyon dahil kami ang nilapitan nila. Nakita ko ang paghilot niya sa sentido niya. "Walang sinabi ang mga natira at kung saan ba talaga patutungo ang mga iyon. Hindi lang sila sumama dahil hindi naman sila pamilyar sa lugar na ito pero ang mga kapatid niyo..." "We will take care of them," sabi lang ni Rykiel at lumapit naman sa amin si Ryle. "Ang mga batang iyon," problemadong sabi nito. "Bakit kasi hindi mo sinamahan kanina, Kuya? Alam mong malilikot ang dalawang iyon at isinama pa ang dalawa," ani Rykiel. Maging si Levianna ay nilapitan na kami at tutok na tutok agad siya sa cellphone niya. "Ang hina ng signal! Hindi ko ma-contact si Cevi." Nag-alala na silang tatlo. Kahit hindi naman kailangan. Safe ang probinsya na ito kung tutuusin. Pero aligaga na silang lahat. Na para bang maliligaw o may mangyayaring hindi maganda sa mga ito. "Hanapin na lamang natin ang mga bata. Wala namang masamang mangyayari sa kanila," sabi ko. "Huwag tayong maging kampante. Mas ayos ang sabay-sabay talaga tayo rito. Hindi kami pamilyar sa lugar na ito at isa ito sa ipinagbabawal ni Dad na puntahan namin pero matigas ang ulo ng isang ito," malamig na sabi ni Ryle at itinuro pa niya ang sentido ni Rykiel. Hinawi lang ang kamay niya at hindi siya nito pinansin. "Hindi naman lalayo ang mga iyon at safe ang lugar na ito, Kuya," he reasoned out. His brother hissed him. "Nakalimutan mo na yata na itong lugar na--" "Wala nga akong naaalala, at dito ko napili dahil sinabi ko na sa inyo ang iilan kong naaalala," sabi niya. "Eryx, sinabi na namin sa `yo kung bakit may naaalala ka. Hindi iyon totoo," walang emosyon na sabi nito. Bakit ba kasi pinapaniwala nila si Rykiel na isang gawa-gawa lang iyon ng isip ng kapatid nila? Ayaw talaga nilang makaalala ito, sa halip na tulungan nila. "Pareho tayong malalagot kay Dad," pahabol pa na sabi nito. "Let's go. Hanapin na lang natin sila," aniya at tumayo na siya. Akala ko ay wala na siyang balak na isama pa ako pero hayan na naman ang paglalahad niya ng kamay sa akin. Napatitig tuloy roon ang Kuya niya at si Levianna. Halos malaglag pa ang panga nito. "What the hell, Eryx?" Nakagat ko ang bottom lip ko dahil sa lamig ng boses ni Ryle. Naguguluhan siya sa inaasal ng kanyang kapatid. Tumayo naman ako ng hindi ko na tinatanggap pa ang kamay niya. Palagi siyang ganito, eh. "Shut up, Kuya," sabi lang ni Rykiel. Nagpaalam muna kami sa punong madre at sa kasamahan pa namin. Magkasabay kaming naglalakad ni Levianna at nasa unahan naman namin ang magkapatid. Hinawakan ako ni Levi sa kamay at bahagyang bumagal ang aming paglalakad. Napatingin tuloy ako sa kanya. Sinadya niya kasi iyon. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kung hindi ko lang alam na walang fiancé si Eyrx ay iisipin ko na boyfriend mo siya," nakangising sabi niya. Napahawak naman ako sa braso ko dahil biglang tumaas ang balahibo ko sa naisip na boyfriend ko si Rykiel? Hindi kaya at napakaimposible pang mangyari. "H-Hindi ah," sabi ko at lumapad ang ngisi niya sa labi. "Madalas ko kasi kayong napapansin. Lalo na si Eryx, palaging lumalapit sa `yo at nakikita ko ang pag-aasikaso niya sa `yo. Pansin mo ba? May chemistry kayo and everytime na nakikita ko kayong dalawa ay nahuhuli ko ang palihim na pagtingin sa `yo ni Eryx. Napapangiti mo siya without effort," kuwento niya. I shook my head. "Wala. Baka nagkakamali ka lang, Levianna," pagtanggi ko. "Feeling ko nga ay may nararamdaman din sa `yo si Eryx. Bagay na bagay kayong dalawa. Hindi mo ba talaga nakikita iyon? Hindi lang ako ang nakakapansin sa inyo. Iyong parents ng mga bata na kasama natin ngayon. Nagtatanong din sila sa akin kung sino ang babaeng kasama niya ng araw na iyon. Sinabi kong fiancé nito pero hindi sila naniniwala," sabi niya. Hindi ko alam na ganoon na pala ang napapansin ng mga tao sa paligid namin. Hindi kasi umiiwas ang lalaking iyon sa akin at sa mga araw na lumilipas ay hindi ko nararamdaman ang presensiya ng mga bodyguard namin. Ni hindi namin nakikita sina Fred. Baka nasa malayo lang ang mga ito nagmamasid. Baka alam na rin sila kung nasaan ang apat na batang iyon. Kaya pala isa rin ito sa hindi ko ikinabahala. Dahil alam kong may nagbabantay sa kanila. "Saan pala ang punta natin?" tanong ni Levianna sa dalawa. Sumulyap sa amin ang mga ito. "Baka...nasa hacienda. Iyong nakita nila ng araw na iyon? Curious sila kung ano ang hitsura no'n kaya baka nandoon sila," sagot ni Ryle. "Alam niyo ba ang daan? Hindi ako pamilyar, eh," ani Levi at napatingin sa paligid. Nasa gilid na kami ng daan. "Alam daw ni Eryx. Hindi ko alam sa kanya," Ryle stated. I glanced at Rykiel. Hindi naman talaga niya alam, pero pamilyar na naman sa kanya ang lugar. Sinusunod niya lang ang instinct niya. Alam ko na ganito ang ginagawa niya. Malakas lang talaga ang loob niya at wala siyang kinakatakutan na sundin ang sinabi ng instinct niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD