Chapter 1: Jessel's introduction
"KHAI, are you sure you don't want to come with me? You'll stay here alone, baby?" I asked my son. Zairyx Alkhairo. He's eleven years old now and turning twelve. Oh well, the next two month is his birthday. 12 years old na siya.
Grade six pa lamang siya and soon, Junior High School na ang anak ko. In the age of 34... turning 35 ay may anak na ako na malapit na ring magbinata. Ang sabi sa akin ni Dad ay hindi raw halata na may anak na ako. Because of my looks.
Madalas kaming pagkamalan ng mga tao na magkapatid lang kami ni Zairyx Alkhairo, Khai for short. Hindi isang sekreto ang relasyon naming mag-ina, sadyang wala lang talaga ang naniniwala sa bagay na iyon at iyon din ang pinaniniwalaan nilang lahat. Saka...hindi ko naman ikinakahiya na anak ko si Zairyx Alkhairo and I love him, so much. Hindi ko siya itatago sa mundo kung ano ko talaga siya. He's my everything.
Isa ako sa director ng Z.A's Firm na halatang nakuha ko ang initial na iyon sa pangalan ni Khai. Zairyx and Alkhairo, Z.A. Ilang taon ko na itong ipinatayo na halos kaedad na rin ni Khai. Soon, siya na ang magmamana nito bago ako...oh, mag-retired...
Sa ngayon kasi ay nag-aaral pa lamang siya at gusto ko na magkaroon naman ng magandang kinabukasan ang aking anak. Alam ko na willing naman siyang hawakan ito.
Papunta ako sa Cebu dahil may special interview ako sa TV ZR channel. Maliban sa pagiging direktor ko ay naging producer din ako sa mga malalaking entertainment sa bansa at ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagmomodelo. I work hard for my son.
Hindi naman hectic ang schedule ko at kaya ko pang pagsabayin ang trabaho ko at ang pag-aalaga kay Khai. Kahit ang totoo niyan ay halos ako na ang inaasikaso niya dahil madalas ay busy rin ako sa firm.
Matured ng mag-isip si Khai, kayang-kaya ko na ngang iwan sa condo namin dahil marunong na siyang magluto at lahat ng gawain sa bahay ay may alam na siya kung paano gawin ang mga ito. Ultimo pagdating ko sa condo namin ay nakapagluto na siya agad ng dinner namin at hihintayin pa niya ako para sabay-sabay kaming kumain.
He's sweet and carrying. Manang-mana siya sa... Pinilig ko ang ulo ko at bumuntonghininga.
"Are you okay, Mom?" he asked me.
"I'm fine, baby..." I replied with a smile.
Tapos na akong nag-impake ng mga gamit ko papuntang Cebu at pumasok lang ako sa loob ng kuwarto ng anak ko para tanungin ko siya ulit kung nagbago na ba ang isip niya at sasama na siya sa akin. Nasabi niya kasi noong una na baka maiwan na lang siya sa condo unit namin.
Sa mga nakalipas na taon ay sa mansion kami nananatili kasama sina Daddy at Mommy. Pero dahil malayo ang working place ko, ang firm na pinapatakbo ko ay pinili ko na lang din ang manatili sa condo ko na malapit din sa school ni Khai at para mas mabilis ang biyahe naming dalawa at hindi talaga nagpaiwan si Khai sa mansion namin.
Natawa nga si Daddy sa kanya dahil nagbibinata na ang kanyang apo ay Mommy's boy pa rin siya at natutuwa ako dahil doon. Kaya kung saan man ako nagpupunta ay dapat kasama ko siya at palaging nasa tabi ko lang. Ang kanyang dahilan ay para may kasama naman ako at aalagaan niya rin ako.
Naabutan ko naman siya sa kama niya na nakaupo at nakasandal ang likuran niya sa headboard, as usual ay may binabasa na naman siyang libro.
Hindi mahilig maki-social life si Khai. Introvert siya at mas gusto niya lang ang magbasa o mag-aral sa loob ng silid niya. Kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit palagi kaming umaakyat ni Dad sa itaas ng entablado taon-taon para isabit sa kanyang leeg ang kanyang medalya at may malaking handaan pa sa mansion namin na pinapangunahan naman ni Mommy.
Sa mura niyang edad ay marami na talaga siyang achievements na natatanggap. Ultimo sa loob ng klase nila ay siya ang nangunguna.
Kung titingnan nga siya ng ibang tao ay napakaseryoso niya at akala mo ay hindi man lang marunong ngumiti pero ganoon lang siya kung hindi naman niya kilala ang mga ito. Pagdating sa akin ay ibang-iba siya.
Palakuwento siya at maingay. Palagi ring nakangiti habang nagkukuwento siya tungkol sa mga bagay na nangyayari sa kanya sa school nila. Close na close rin siya sa mga grandparents niya. Madalas ay sumasama kay Dad sa Golf club para sabayan din sa paglalaro ang Lolo niya. Sa Lola naman niya ay sinasamahan niya itong manood ng movie sa entertainment room.
Inilapag ni Khai ang libro niya sa bedside table niya. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya.
Madaling araw ang flight namin sa Cebu at may extra ticket plane na siya na madalas namang gawin iyon ng secretary ko. Kasi alam niya na isinasama ko si Khai sa lugar na pinupuntahan ko.
Puting shirt at itim na shorts ang suot niya. Magulo ang buhok na humahaba na rin. Hindi ko alam kung bakit mahilig siyang magpahaba ng buhok. Namumungay ang mga matang tiningnan niya ako at may ngiti na sa labi, dahilan na sumilay na naman ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi niya.
Ang isa sa nagustuhan ko na mayroon siya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga alaala noong pinagbubuntis ko pa siya. Noong ipinanganak ko siya at inaalagaan ko habang baby pa.
Pero ngayon... Hindi ko na siya makikitang naglalaro pa lamang at palaging humihingi sa akin ng pasalubong na laruan kahit ang dami na ng mga toys niya. Na sina Dad and Mom ang mas maraming nagreregalo sa kanya ng mga iyon.
Hindi na siya makikiusap sa akin na gawan siya ng favorite pizza niya na madalas na kinakain namin for snack, paminsan-minsan ay ginagawa naming pang-dinner at ang pamamasyal namin sa Enchanted Kingdom at lahat-lahat ng iyon ay na-miss ko.
Kasi ngayon ay kaya na niyang mag-isa na gawin ang mga bagay na gusto niya. Ang bilis talaga niyang lumaki at hindi pa ako nagsasawang alagaan siya kaya maging hanggang ngayon naman ay bini-baby ko pa rin siya. He didn't complain naman.
"Humahaba na ang buhok mo, Khai. Hindi mo ba pagugupitan ito, baby?" malambing na tanong ko sa kanya habang masuyong sinusuklay ng mga daliri ko ang buhok niya. Napakalambot ng itim na itim niyang buhok. Natural ang kulay ng buhok niya.
"You want me to cut my hair, Mom?" he asked me. He's like this, palaging humihingi ng permission kahit alam kong may sarili na rin siyang desisyon sa buhay niya.
"Mas guwapo ka kung short hair ka lang, Khai," sagot ko na sinabayan pa nang pagtango. Mahinang humalakhak siya. Mas nakikita ko lang ang Daddy niya sa kanya.
Ang mga mata niyang may pagkasingkit na kung ngingiti ay tila nakapikit na lamang iyon. Ang mahaba at matangos niyang ilong, ang pisngi at panga niya. Nakuha niya talaga iyon sa...
Ang paraan nang pananalita niya, bawat kilos at galaw. Kung paano maglakad ay talaga namang magkatulad. Kung nakatalikod naman ay aakalain mo na hindi siya si Alkhairo. Kung ipagtatabi nga silang dalawa ay pagkakamalan mo naman na magkapatid lang sila at hindi rin halata na sa ganoong edad ay may anak na siya. Ako nga na walang naniniwala na anak ko nga si Zairyx Alkhairo.
Ang sabi pa nila ay kamukhang-kamukha ko ang anak ko pero ibang mukha naman ang nakikita ko sa tuwing tinititigan ko ang mga mata nito, may pagka-hazel green din. Siguro ang nagmana lang sa akin ay ang paraan ng pagngiti naman niya at ang color eyes niya.
"Then, I'll visit Ninang Zinky's parlor tomorrow," he replied.
His Ninang Zinky Kaye Aldelto is my best friend since high school. She's already married too at dalawa na ang anak niya.
"Magpapaiwan ka talaga rito?" tanong ko at tumango lang siya.
"Hindi ka naman po siguro magtatagal doon, Mom? May important activity po kasi kami sa Monday kaya hindi po talaga ako makakasama sa inyo," he reasoned out.
"I understand, baby. Basta palagi mo akong i-update. Nasa kabilang condo ang mga bodyguard mo," paalala ko.
Kung ibang bata lang si Khai ay baka kaiinisan niya ang magkaroon ng bodyguards na palaging nakabuntot sa likuran niya. Pero hindi naman siya spoiled at alam niya na mas mag-aalala kami ni Dad kapag umaalis siya ng walang kasama at nagbabantay sa kanya.
Kilalang pinakamayaman sa mundo ang pamilya namin dahil na rin kay Dad at businessman siya. Diamente Real Estate Company, ang malaking main branch na ngayon ay si Daddy pa ang humahawak no'n. Hinihintay niya nga lang daw ang makapagtapos ang apo niya at gustong ipamana ni Dad kay Khai.
Marami talagang mamanahin ang anak ko. Na kung dati ay hindi ko na nagawa ang magtrabaho sa kompanya namin dahil iba ang misyon ko. Iba ang gusto ko na hindi naman hinadlangan ng parents ko. They let me do whatever I wants, my passion.
"Pero puwede kang umuwi pansamantala kina Dad. Alam mong mas matutuwa si Mommy niyan," nakangiting suggestion ko.
Daddy and Mommy din ang tawag niya sa mga Lolo't Lola niya. Nasanay na kasi siya sa ganoon ang tawag sa parents ko. Siguro dahil noong bata pa lamang siya ay naririnig na niya iyon sa akin at hindi rin naman ako ang nag-iisang nag-alaga sa kanya. My parents too.
Kaya sino ang maniniwala sa amin na anak ko si Khai at ako ang biological mother niya? Wala... Sasabihan lamang kami na mahilig kaming magbiro.
Minsan nabasa ko na rin sa internet, na nandoon lahat ang information tungkol sa family namin. Especially Dad at natawa nga ako nang mabasa ko na bunsong kapatid ko si Khai. Na ang tagal bago ako nagkaroon ng kapatid at nasundan ng parents ko. Nakikita ko rin nila ang closeness namin ng anak ko. Sa isang picture naming dalawa kasi ay matamis ang ngiti niya roon.
Bakas ng kasiyahan ang maamo niyang mukha at doon lang nila nakikita ang ngiting iyon. Sa family picture naman namin ay tipid na ngiti lang. Nag-iisang anak lang talaga ako.
Sa family picture namin ay magkatabing nakaupo sina Mommy at Daddy. Napagigitnaan naman namin ni Mom si Khai. Nakalingkis ang kamay ko sa braso ng anak ko. Si Dad na nakaakbay sa balikat ng aking ina.
May pangalawa pa kaming family picture na nakatayo naman at seryoso ang mga mukha namin, walang kangiti-ngiti. Doon lang nagkahiwalay ang pose namin ni Khai. Nasa tabi ko na kasi ang Daddy ko at sa tabi ng Mommy ko si Khai.
"I'll think about it, Mom. Just take care there," he said and kissed my cheek. I caressed his face and kissed his head too.
"Ako ang nagluto ng dinner natin. Come on, join me for early dinner, baby," I told him. Tumayo na ako.
"I'll like that, Mom," sabi naman niya at bumangon na rin.
"SEE YOU in three days, baby..." malambing na saad ko sa anak ko. Hinalikan ko ang noo niya at mahigpit na niyakap pa siya.
Hanggang balikat ko lang naman ang taas ni Khai pero kaunti na lang talaga ay mas tatangkad na siya kaysa sa akin. Nagkakalaman na lang din siya at kulang na lang ay ang mag-work out para mas lumaki lalo ang muscles niya.
"Keep safe, Mom. I'll behave here," sabi niya at sa pisngi naman niya ako hinalikan.
"I know... Hindi ka sutil na bata..." natatawang saad ko at nilingon ko naman ang mga bodyguard niya.
Anim din sila at ang team leader nila ay si Fred. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Daddy ko kaya mapapanatag din ang kalooban ko kung iiwan ko rito pansamantala si Khai. Wala nga talagang ina ang hindi mag-aalala para sa kanyang mga anak.
"Take care of my son, Fred."
"Yes, Ma'am," magalang na sagot naman niya. I glanced at my son and stared at his face for a long time.
"May pasalubong kang gusto from Cebu?" I asked him. Nalukot ang mukha niya.
"Ang umuwi ka lang ng safe, Mom. That's fine with me," sabi niya and I chuckled.
"Okay, I love you, son."
"I love you, too Mom."
"Ingat ka, okay?"
"Yes, Mom. I will."
Sa Airport pa lang ay tinawagan ko na ang anak ko at sinabi kong miss ko na siya agad kaya ang malakas na tawa niya lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
And thanks God, nakarating kami sa Cebu ng safe... I smiled at nag-reply ako sa message ng anak ko sa akin.
To: Khai baby
We're here, baby. Safe. I miss you already.