Chapter 2: Presence of someone
BARJO's Hotel, ang napili naming hotel na tutuluyan namin pansamantala sa Cebu. Ang secretary ko ang umasikaso ng lahat habang hinihintay ko lang siya na makipag-usap sa babaeng nasa information desk.
I have six bodyguard, nakatayo lang din sila sa likuran ko at palaging alerto. Nasa lobby kami ng hotel at nakaupo ako sa sofa rito.
Inilabas ko ang cellphone ko mula sa loob ng leather bag ko at nakita kong may reply na sa akin si Khai.
From: Khai baby
That's good to know, Mom. Don't forget to eat your breakfast, please.
Ang sweet talaga ng anak ko kaya ang suwerte kong ina na binigyan ako ng anak na katulad ni Zairyx Alkhairo.
To: Khai baby
Ikaw rin, anak. I call you, later. I need to take a nap first. Hindi ako
makatulog sa eroplano. Hindi ako sanay na hindi ka kasama.
I hit the send button and after a seconds ay may reply na siya agad.
From: Kai baby
I will, Mom. Sorry about that. Okay, take a rest.
Tumayo na ako nang makita ko ang secretary ko na papalapit na sa puwesto namin. Tapos na rin siguro siya makipag-usap.
Since eight kami ay limang rooms lang ang kinuha namin. Sa akin ang isang hotel room, ang pangalawa ay kay Sabel naman, my secretary. Ang tatlo ay para sa mga bodyguards ko. Ayon din sa kahilingan nila, mas mabuting mag-share na lang daw sila sa isang kuwarto.
Sa exclusive hotel room kami naka-check in. Special guest na raw iyon para sa hotel na ito.
"You may take your rest for now, guys. I will tell you kung lalabas ako. Sabel," I told them. Sabel nodded her head for respond.
Naiwan ako sa hotel room ko at hindi ko na pinag-abala pa si Sabel na ayusin ang mga bagahe ko sa closet nito. Kaya ko namang ayusin, maybe later. Pareho kaming pagod sa biyahe namin kaya kailangan din nilang magpahinga. Pinaiwan ko lang sa paanan ng malambot na kama ang maleta ko.
Tinanggal ko ang suot kong puting coat at naiwan ang white cotton sleeveless ko. Naka-tuck in ito sa loose pants ko.
Hinagod ng mga daliri ko ang buhok ko na hanggang baywang ang haba. Napatingin ako sa isang sliding door. May terrace ang hotel kaya naglakad ako patungo roon.
Napangiti ako dahil tama ang hinala ko. Tumambay ako sa terrace at sumandal sa railings. Ang ganda ng view mula rito sa taas. Nasa 12th floor ang hotel room namin kaya kitang-kita talaga ang magandang view mula rito.
May terrace rin pala sa kabila. Siguro iyon ang silid ni Sabel. Iyong pagod ko sa biyahe ay kahit papaano ay napapawi dahil sa magandang tanawin.
"I'm sorry, hon. I will visit you in Manila. I just check my schedule kung kailan ako puwedeng lumuwas." I heard the man's said.
Hindi ako lumingon at tiningnan ko rin ang cellphone ko. Tinawagan ko ang phone ni Mommy. Tatlong rings lang ay sinagot na niya agad.
"Jessel, hija? Safe ka rin bang nakarating sa Cebu?" agad na tanong sa akin ng Mommy ko from the other line. I chuckled.
Alam niya rin na pupunta ako sa Cebu. Ganito talaga ang Mommy ko. Maalalahanin din siya.
"Yeah. Naiwan po sa condo namin si Khai. May activity raw kasi sila kaya hindi nakasama sa amin dito sa Cebu. Pakitingnan na lang po ang baby ko, Mommy," I told her.
"You know what, you don't need to worry about my grandson. He's just like you noong ganyang edad ka pa. He knows everything, anak" she said and I nodded my head.
"I know Mom. Pero ikaw nga po ay sobrang nag-aalala sa akin. You know the feeling already, Mom," I said at siya naman ang humalakhak.
"Oh, yes... But I will. Pakikiusapan ko na mag-stay na muna siya sa mansion habang wala ka pa, anak. Para hindi ka na mas mag-aalala. Baka makauwi ka nang wala sa oras kung nagkataon," biro niya na alam kong posibleng gawin ko rin.
"Thank you, so much Mom. I love you," I uttered.
"Always welcome, hija. I love you, too."
"Is that Mom, Mommy?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng anak ko.
Tumalikod pa ako sa railings at nararamdaman ko pa rin ang presensiya ng isang tao sa kabila. Nakikinig ba siya? O baka nagkamali lang ako ng hinala?
"Yes, apo. It's your Mom," narinig kong sagot ni Mommy.
"Can I talk to her, Mommy?"
"Sure, baby."
Hinintay ko na magsalita pa ang anak ko. Ang bilis naman niyang nakarating sa mansion namin.
Siguro maaga rin siyang lumabas sa condo namin? Kasama naman niya siguro sina Fread at ang mga team, 'no?
"Mom? Hindi po ba ay magpapahinga na kayo?" he asked me. I smiled.
"Tinawagan ko lang si Mommy para matingnan ka sa condo natin. Hindi ko alam na maaga ka rin palang nakapunta riyan. Kasama mo naman ba ang mga bodyguard mo, baby? Hindi puwedeng umaalis ka ng walang kasama," mahabang saad ko.
"I won't forget that, Mom. I'm fine. Tinawagan ko na po agad sina Fread para sa pagpunta namin sa mansion, and Mommy, gawin niyo na lang po na short vacation ang pagpunta niyo sa Cebu para kahit papaano po ako makapag-rest kayo. Don't work too much. Don't worry about me at para mas hindi na po kayong mag-aalala sa akin ay sa mansion na muna po ako mag-stay. How's that, Mom?" he asked me. Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa suggestion niya. Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Khai. Natutuwa ako, eh.
Mas panatag nga ako kung nasa poder siya ng grandparents niya habang nandito pa ako sa Cebu. Hindi naman sa nagdududa ako sa kakayahan ng mga bodyguards niya. Nag-aalala lang talaga ako para sa anak ko.
"Good idea, baby... Makatutulog ako nang mahimbing mamayang gabi." After that ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.
Wala sa sariling napatingin naman ako sa kabilang terrace. Kanina ko pa nararamdaman ang tila dalawang pares ng mga matang nakamasid sa akin pero baka guni-guni ko lamang iyon dahil wala namang tao roon.
Ang naabutan ko lang ay ang puting kurtina na bahagyang isinasayaw ng hangin. Nakabukas ang sliding door nito, nakalimutan din yata ng lalaking iyon na isarado ang sliding door niya.
Paano ko nga ba nasasabi na lalaki ang nasa kabilang kuwarto? Malamang narinig ko kanina ang boses niya na may kausap din yata sa phone niya. Hindi ko lang binigyan ng atensyon kaya hindi ko nakita ang mukha. Pinilig ko na lang ang ulo dahil sa nararamdaman na kaba?
I shrugged my shoulder at pumasok na lang din ako sa loob. Bakit nga ba ako kakabahan?
Humiga ako sa kama at humugot nang malalim na hininga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakatingin sa kisame.
***
NAALIMPUNGATAN lang ako nang marinig na may kumakatok sa pintuan ng hotel room ko. Napahikab pa ako at napatingin sa digital clock na nakasabit sa pader.
It's already 12 in the afternoon. Ang haba nang tulog ko, kung ganoon? Makatutulog nga ako nang mahimbing. Paano naman kaya mamaya?
Light cream and brown ang kulay ng mga furniture sa loob. Maganda sa mata dahil hindi naman siya nakasisilaw sa paningin. Malaki nga rin siya at may isang brown na pintuan sa left side ko baka ay iyon na ang banyo at sa right side ang closet na malapit din doon ang sliding door na nakalimutan ko rin yatang isara iyon kanina.
Napailing na lamang ako bago ako bumangon at nagtungo sa pintuan.
"Hi, Sabel," nakangiting bati ko kay Sabel nang siya ang mabungaran ko sa pintuan. Siya pala ang kumakatok kanina pa.
Mabuti pa siya ay nakapagpalit na. Eh, ako iyon pa rin ang kanina na suot ko sa biyahe. Nakatulog nga kasi ako, eh.
"Lunch time na po, Ms. Jessel. Sa restaurant po ba kayo kakain o magpapatawag na lang po ng service crew?" magalang na tanong niya sa akin na mabilis ko na ring tinanguan.
Tinatamad na akong lumabas at mas gusto kong dito na lang sa room ko na kumain.
"Puwede na rin kayong kumain sa restaurant kung gusto niyo, Sabel," sabi ko at tumango naman siya.
Isinara ko ulit ang pintuan nang magpaalam na siya at lumapit ako sa bedside table para kunin ang cellphone ko.
Bumalik ako sa terrace habang malapad ang ngiti ko. May dalawang message ang anak ko.
From: Khai baby
It's already lunch time, Mom. Kumain na rin po kayo.
I typed the keyboard.
To: Khai baby
Yes, baby. Kagigising ko lang din, by the way.
From: Khai baby
Nasa school po ako, Mom. Practice po para sa swimming competition namin next month.
Hilig din ng anak ko ang sports na iyon, eh. Nag-aalala nga ako dahil delikado ang sports na sinalinan niya pero dahil ayokong maging strict na ina sa kanya ay sinang-ayunan ko ang gusto niya.
Nakikita ko naman na masaya naman siya sa ganoon kaya susuportahan ko na lamang siya. Katulad din ng pagsuporta niya sa akin ngayon.
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko and at the same time ay naramdaman ko na naman ang presensiya ng isang tao kanina.
Napatingin ako sa kabilang terrace at wala namang tao roon. Weird. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinagot ko na lang ang tawag ng anak ko.
"Khai, baby... Nasa school ka pa rin ba until now?" agad na tanong ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.
"Yes po, Ma'am. Kaliligo ko lang po dahil tapos na kami sa practice at pauwi na kami mamaya. Tapos na po ba kayong nag-lunch, Mom?" tanong niya.
"How about you, baby? Si Sabel na ang umasikaso para sa lunch namin. Maybe later. Ikaw ba? Huwag mong kalimutan iyon, hmm? Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom," paalala ko sa kanya.
"Tapos na rin naman kami, Mom. I'm with the team po, kasama na si Fred. Mom, I'll call you later, okay? Pauwi na po kami sa mansion."
"Okay, baby. Take care. I love you..."
"I love you, too Mom."
Itinaas ko ang cellphone ko para kumuha ng litrato. Kalahati lang ng mukha ko ang kinuha ko at para mas makita ang magandang view. Nang makontento ako ay huminto rin ako.
Saka ako pumasok sa room ko at hindi ko na pinansin pa ang kanina. 'Sakto na bumalik si Sabel kasama ang service crew at may dala ng foods at parang doon lang ako nakaramdam ng gutom ng makita ang mga ito.
Mag-isa lang akong kumain habang nasa kamay ko ang phone ko. Kunot na kunot ang noo ko dahil nakita ko sa i********: ang new post ni Azreil.
Nasa Cebu pala siya?
I posted my pictures too at nasa hashtag nito ang Cebu.
Active si Azreil kaya nakipag-communicate agad sa akin nang makita ang new upload kong pictures at sinabing magkita kami rito sa Cebu. May business meeting daw siya rito at isang linggo na siyang nananatili. Next week pa raw ang balik niya sa Manila.
Sa amin ang araw na ito nina Sabel kaya halos wala naman kaming ginagawa kundi ang maghanda para sa interview ko bukas nang gabi.
Special guest ako ng TV ZR channel at kanina lang din hinahanda ni Sabel ang susuotin ko bukas. Habang ako ay nakatutok sa dala kong laptop.
Ang picture namin ni Khai ang wallpaper nito. Ang ganda-ganda talaga ng ngiti niya. Sobrang lalim ng dimples niya. Kaya mas guwapo siyang tingnan.
Tulog kain lang ang ginawa namin buong maghapon at kinabukasan din.
Paminsan-minsan ay lumalabas ako sa terrace at sobrang weird din dahil sa tuwing nasa terrace ako ay nararamdaman ko talaga ang presensiya ng isang tao pero sa tuwing tumitingin ako sa paligid ay wala naman akong nakikitang ibang tao. Kundi ako lang na mag-isa. Baka pagod lang ako kaya ganoon. Kaya hindi ko na ring binigyan pa ng pansin.
Nag-o-overthink lang ako. As if naman ay may makakakilala sa akin dito.
DUMATING ang takdang oras para sa interview ko. Tinulungan ako ni Sabel na magsuot ng damit ko. Emerald maxi gown ang suot ko na hanggang paa ko ang haba nito, may mga maliliit na diamonds sa gilid ng tela nito kaya maganda talaga siya at kumikinang ang dress ko.
Mataas na nakatali ang mahaba kong buhok na hindi naman naging sagabal sa balikat ko. Three inches ang taas ng heels ko na kasing kulay rin ng gown ko. Light make-up, ayon din sa gusto ko.
Tumawag pa ako kanina kina Mom at sinabi kong naghahanda na kami para sa pagpunta sa location ng TV ZR channel mamaya. Manonood daw sila. Dahil hindi raw puwede na ma-miss nila iyon.
Todo suporta rin sila sa akin. Si Dad nga na sinabi ni Mommy, na maagang nag-out sa work niya sa company para hindi raw siya mahuli mamaya. Napangiti ako.
"You ready, Ms. Jessel?" Sabel asked me at inabot niya sa akin ang pouch ko.
"Thanks you. Let's go, Sabel. I'm ready," I said and smiled at her.
Nauna akong lumabas at handa na rin ang mga bodyguard ko sa labas. Nang makita ako ay naging alerto na sila agad.