CHAPTER 20

2319 Words
Chapter 20: Incident NATIIS ko ang mga ilang minutong lumilipas habang nakikipag-usap ako sa family ng daddy ni Khai at nang makahanap ng tiyempo ay agad akong nagpaalam na aalis na kami dahil tapos na rin naman ang pagkakape namin. Hindi na maganda ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang Barjo family. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Lalo na kung nakikita ko si Rykiel. Naaalala ko lang kasi ang ginawa ni Grandma sa kanya. Nasasaktan pa rin naman ako dahil sa nangyari sa kanya noon. "Okay, see you when I see you, Ms. Diamente," Mr. Barjo said and I nodded my head. After we got out of the golf cart, they immediately opened the backseat door. I rode first and Khai went around on the other side. Isasara na sana ng isang bodyguard namin ang pinto sa side ko nang may pumigil dito. Nagtataka akong napatingin sa maugat na kamay nito at nagulat pa ako nang makita si Rykiel. Humahangos pa ito at nagtataas baba ang kanyang dibdib. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin kahit mukhang mauubusan pa siya ng hininga. "Do you need anything else?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Nasaan na?" Sa halip na sagutin ako ay tinanong pa ako. "What is it?" I asked him back. Dahil hindi ko naman naintindihan o alam ang itinatanong niya na ano ang nasaan na? At bakit pa siya sumunod sa amin? "The fruits. Sa akin na iyon, 'di ba? Ibinigay mo na sa akin iyon kaya nasaan na?" iritadong tanong niya pero seryoso ang mukha. Umawang pa ang labi ko at ilang sandali akong nawalan ng salitang maisasagot sa kanya. Parang iyon lang ay humabol pa talaga siya sa amin? I turned to Khai as he picked up an apple and handed it to Rykiel without thinking. Naitikom niya ang kanyang bibig na kinuha naman iyon at hayan na naman ang kakaiba niyang pagtingin sa aking anak. His facial expression softened every time he looked at him, there's an amusement too. "Just one po?" inosenteng tanong pa ni Khai. Nasa lap niya kasi ang basket ng prutas at kanina pa niya iyon kinakain. "Uhm," he uttered at maski siya ay nawalan ng sasabihin. "Just give it to him, son," I said. "Oh, okay Mom... Here it is." Kinuha ko ito at iniharap sa kanya pero nakita ko na tila naninigas siya sa kinakatayuan niya at parang hindi na makagalaw pa. Kung kanina ay hindi nababakasan ng kahit na ano'ng emosyon ang mukha niya ay ngayon ay halo-halo na ang nakaguhit doon. "Here it is," giit ko sa kanya at parang wala pa sa sariling kinuha naman niya ito. Hawak na niya ang mga prutas at halatang nagmamadali pa talaga siyang sumunod sa amin para lamang makaabot dito. Tapos hindi pa rin siya dumidistansya. "May kailangan ka pa ba?" tanong ko. "Did you just... Did you just call your brother your son?" he asked in surprise. I wasn't even worried because that's what comes out of my mouth naturally, except when I call him baby. Because he's still my baby, my son. "It doesn't matter. Now, if you don't mind to step backward para makaalis na kami, hmm?" mahinahon kong saad. Ginawa naman niya pero nanatiling nakatitig pa rin sa akin hanggang sa isinara na ang pinto. Tinted ang bintana kaya alam kong hindi na niya kami makikita pa sa loob. Even though the car was moving, I didn't stop looking at him. Because I know... This is the last day I'll see him because I'll do everything to make sure our paths don't cross, never again. If you insist on things that cannot be done, it will only become more difficult. Everything will just get complicated. Even though I want Rykiel to remember me...I'd rather just walk away and not worry about everything. Our life is back to normal. I managed to avoid his family and on my son's birthday he didn't have any friends invited, because of me. Grumaduate din naman sila from elementary school. Simpleng congratulations lang din ang sinabi nila for Khai at alam kong nagtatampo sina Zue and Zules dahil wala sila sa birthday ng anak ko. Hindi rin naman dumating pa si Rykiel ng araw na iyon at wala akong idea kung bakit. I don't even care at all. Buhay niya iyon. Because what his father said was true that their engagement party would be moved and a week later, they were officially engaged, and I didn't come. Dahil hindi na iyon importante pa sa akin. Kasal na lang din ang kulang sa kanila. That issue also lasted almost a month because they were both well-known rich families, so the media celebrated them. I remembered the past... Just a simple wedding, a simple wedding occasion was enough for me. Because that was the happiest event in my life, marrying the man I love even though I know it's wrong for other people's eyes. Because I married a minor... *** "EXCITED for the first day of school, son?" I asked him. Ngayon kasi ang first day niya bilang Grade 7. He's now a teen at alam kong marami ng magbabago sa kanya. "Yes, Mom," sagot niya sa akin at inayos ko ang necktie niya na tila nahihirapan pa siyang itali ito. "Ayos lang kahit hindi na kayo same school ng mga kaibigan mo? They expected pa naman, 'di ba?" "It's fine, Mom. Maiintindihan din po nila soon," makahulugang sabi niya na hindi ko binigyan pa ng pansin. Nailagay ko na sa backpack niya ang lunch box niya. Alam kong hindi ko na dapat itong gawin pa sa kanya pero siya rin naman ang nag-suggest. Mas gusto niya raw ang luto ko. Kahit na masasarap naman ang mga pagkain sa cafeteria ng school nila. Excited din naman ako para sa araw na ito at tumawag din naman ang parents ko to cheer him up at i-goodluck siya. I'm back to my work too at nag-entertain na rin ako ng manliligaw. Isa na sa mga iyon si Arzeil. Alam kong malaki rin naman ang gap naming dalawa pero sinabihan niya ako na seryoso siya sa akin at wala siyang pakialam sa age gap. Natuwa sina Mommy at Dad, dahil sinusubukan ko na raw na makipag-interact sa ibang lalaki at nakikita nila ang unti-unti kong pagmo-move on sa first love ko. *** May commercial shoot ngayon si Arzeil kaya didiretso talaga siya sa company at natawa na lamang ako nang makita na may dala na naman siyang iced tea coffee and a cupcake na binibili niya sa Starbucks. "Second breakfast for the beautiful lady," he said, sweetly at hinalikan pa ang pisngi ko. Magiliw ko namang kinuha ang paper bag sa kamay niya. "Azz, palagi kang May dalang pa-Starbucks, ah. Hindi ka ba malulugi niyan? Sa lunch and even dinner ay libre mo palagi," natatawang sabi ko sa kanya at marahan kong hinampas ang dibdib niya. Ang lapad-lapad ng ngiti niya. "Hindi. Hindi pa naman mauubos ang pera ko dahil gagawa ulit ako ng kanta. Secure na secure ang future mo sa akin, babe," sabi niya na pareho naming ikinatawa. Bumaba ang kamay niya sa aking baywang at lumapit sa sofa. Inalalayan niya akong umupo roon. "Maghahanda muna ako para sa commercial shoot, Jess... Let's date later?" sabi niya at hinalikan pa ako sa noo. Tumango at ngumiti lamang ako sa kanya. Napatingin naman ako sa dala ni Arzeil. Inilabas ko iyon at tinawag si Sabel. Alam kong hindi rin talaga para sa akin ito dahil libre pati ang assistant ko. Ibinigay ko sa kanya ang isang iced tea coffee at inilabas din ang cupcakes. Na-appreciate ko naman ang pagbibigay nito sa akin ni Arzeil. Mas gusto niya raw sana na bigyan ako ng bulaklak kasi iyon din naman daw ang ginagawa ng mga manliligaw pero hindi niya magawa dahil sa allergy ko. Sure thing, na wala pa akong nararamdaman sa kanya. Kundi bilang kaibigan lang din pero sinusubukan ko. Susubukan ko na magustuhan siya para hindi ako mahirapan na mahalin siya. Dahil ang hirap din talaga na magmamahal ka ng bago kahit alam mong may nararamdaman ka pa sa first love mo. Na feeling mo ay pag-aari pa nito ang puso mo. Magagawa ko naman yata iyon. Kahit si Rykiel nga ay nagawa niya rin ang magmahal sa iba. Wala rin naman talaga siyang naaalala sa nakaraan niya kaya napakadali para sa kanya gawin ang bagay na iyon. Soon, mamahalin ko rin si Arzeil ng wala ng ibang iniisip kundi siya lang. *** Naging abala kami sa trabaho namin after that. But in the middle, tumunog naman ang ringtone ng phone ko at ang assistant principal nina Khai ang tumatawag sa akin. Ako ang nag-enroll sa aking anak kaya alam ko rin na hindi lang ako ang hiningian ng school ng number. Dahil lahat ng parents and guardians ay may contact din sila, in case na may emergency. "Hi, good morning," agaran kong sagot. "Is this Ms. Jessel Diamente?" narinig kong tanong mula sa kabilang linya. "Speaking. May kailangan po ba kayo?" I asked. "This is from the Principal's office, Ma'am. There was a small disturbance at school and Zairyx Alkhairo Diamente was involved. We request your presence, Ma'am," sabi niya at agad naman akong kinabahan. Maliit na kaguluhan at involve ang anak ko? "H-How is my son, Ma'am? D-Did something happen to him?" I asked worriedly and stood still in shock. My heart hurt dahil lang sa narinig ko. "He's fine, Ma'am. I hope you can come to discuss the arrangements at the other party," she said and I didn't hesitate to go. "What happened?" nag-aalala namang tanong sa akin ni Arzeil. Kanina ko pa napapansin ang mga tingin niya sa akin. Kaya hindi niya rin natiis na lapitan ako. "K-Kailangan kong puntahan si Khai sa school nila," mabilis kong sagot at nanginig pa ang aking boses. "What? Ano raw ang nangyari. Wait, ihahatid kita." Sa buong biyahe ay hindi ako napapakali dahil sa naiisip na nangyari sa anak ko. Hindi ko talaga maiwasan ang kabahan at mag-alala sa kanya. Nakasunod din sa amin sina Fred. Where's Khai'd bodyguard? Bakit hinayaan nilang ma-involve sa kaguluhan ang anak ko? "Calm down, babe. Ayos naman siguro si Alkhairo," pagpapakalma sa akin ni Arzeil at ginanap niya ang kamay ko. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa makarating kami sa school na pinapasukan ni Khai. Tinungo namin ang principal office at pagkabukas lang ni Arzeil ay kaagad na hinanap ng mga mata ko ang aking anak. Hindi naman ako nabigo at nakita ko siyang nakaupo lang, ni hindi ko pinansin ang katabi niya. "W-What happened, baby?" tanong ko at lumapit ako sa kanya. Napatayo siya dahil sa pagdating ko. Sinuri ko ang katawan niya kung may natamo ba siyang sugat o ano. Nanginig ang mga kamay ko na hinawakan ang mukha niya dahil sa nakita kong putok sa gilid ng labi niya. Tumulo ang luha ko. Ilang taon kong inalagaan ang anak ko, ni hindi ko pinagbuhatan ng kamay pero may ibang tao rin na gumawa nito sa kanya? Hinarap ko ang principal at ang assistant nito. Alam kong marami pang tao sa loob pero hindi ko binigyan iyon ng pansin. "What happened to my son? Who did this to him? You promised us that you would take good care of your students here... I didn't even let mosquitoes or insects land on his skin, but this is all what will I get too? What will I see in my son with a bump on his lip?" I couldn't control my emotions and I was able to blame them. "M-Mom, I'm fine..." "Babe, calm down..." Hinawakan ni Arzeil ang braso ko at hinila ako. Pero hindi ko pinutol ang titig ko sa principal. "First day of school pa naman po ngayon. Excited pa ang anak kong pumasok pero ito lang din ang sasalubong sa kanya?" sabi ko pa at nakita ko ang pagyuko ng assistant nito at napabuntonghininga ang principal. "We're sorry about that, Madam. Pero mapag-uusapan po natin 'yan ng maayos..." sabi niya sa akin sa mahinahon na boses. Naramdaman ko rin ang paghagod ni Arzeil sa likod ko na pinapakalma ako. Hindi naman ako nagtaas ng boses. Nag-aalala lang ako dahil ito ang unang beses na makikita kong may nananakit kay Khai. "Just calm down first, Mommy. Ayos naman po ako," ani Khai at hinila ako para paupuin sa kinauupuan niya kanina at parang doon lang din nag-sink in sa akin ang lahat. Hindi lang si Khai ang involved dito at nakita ko ang dalawang kaibigan niyang sina Zue and Zules. Nandoon din ang magkapatid na Ryle and Rykiel. May dalawa pang babae na hindi ko kilala pero estudyante rin ang isa. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa mga sinabi ko kanina. Narinig nila, nakita nila kung paano ako nag-burst out dahil lang sa nakita kong sugat sa labi ni Khai. Nakita nila ang panunumbat ko sa prinsipal at hindi lang iyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa mariin na pagtitig sa akin ni Rykiel. Alam kong nagulat din sila sa narinig. Ilang segundo kaming natahimik lahat at ang prinsipal agad ang unang bumasag sa katahimikan. "Eryx, Ryle." Nakipagbatian pa si Arzeil sa magkapatid at ako iniwasan ko na ang mapatingin sa gawi nila. Mariin akong napapikit. Hanggang dito ba naman ay pinagkukrus pa rin ang landas naming lahat. Lalong-lalo na si Rykiel. Hinawakan ni Khai ang kamay ko at pinisil iyon. "Mommy, I'm sorry po," hinging paumanhin sa akin ni Khai at muling pinisil ang ang aking kamay. "N-Nagamot na ba 'yan, baby? Hindi ba 'yan masakit? Sino ba ang may gawa niyan? Bakit ka niya sinaktan?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Ayos lang po talaga ako. Huwag na po kayong mag-alala," sabi niya lang sa akin. Niyakap ko pa siya para lang kumalma ako. "I was worried, Khai. Akala ko... Akala ko ay may nangyari na talaga sa 'yo na masama..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD