Chapter 21: The lost brother
AT DOON nagpaliwanag ang principal sa nangyaring kaguluhan. Maliban kina Zue, Zules, Khai at sa kaedad pa nilang batang babae ay apat naman sa kabilang party ang involved. Tatlong lalaki at dalawa rin ang babae, kasama rin ang parents nila na nanatiling tahimik at kalmado.
Hindi lang pala si Khai ang may sugat. May pasa at putok din ang mga labi nila. Ang mga babae naman ay magugulo ang buhok nila.
Doon ko rin naintindihan ang lahat. Tumulong lang sina Zue and Zules sa kaklase nila na binu-bully dahil nag-iisa lang naman ito at may nag-rescue rin pala sa dalawang batang babae, iyon ay ang tatlo. Hindi na rin nagdalawang isip pa ang anak ko at tinulungan naman ang mga kaibigan.
Hindi naman nagalit ang parents nila at pinangaralan pa ang kanilang mga anak na iwasan ang pakikipagbasag ulo nila. Humanga naman ako dahil hindi sila katulad ng ibang mga magulang na mas kinakampihan ang mga anak nila na unang nagkaroon ng kasalanan.
Kanya-kanya rin kami na humingi ng paumanhin at na-settle na makikipag-community service na lang ang both parents at suspended ang estudyante nila na gumawa ng kaguluhan. Ayos naman iyon sa amin dahil maganda pa rin naman ang reputasyon nila sa school kahit na first day of school pa rin nila.
Halos hindi ako makatingin ng diretso sa Barjo family at gusto ko sanang huwag na lamang silang pansinin pa pero lumapit pa rin silang lahat.
"Malayo sa bituka! First time kong masuntok!" narinig ko pang sigaw ni Zules na mukhang natuwa pa siya sa nangyari.
"Shut up, Zules! Makakarating ito kay Dad," banta naman ni Ryle. Na hindi naman natakot ang kapatid.
"Walang kaso po iyon sa amin, Kuya Ryle. Basta alam namin pareho na hindi pala kami kinalimutan ng best friend namin," ani Zue at doon lang ako napatingin sa kanila.
Inipit nila sa pagitan nila si Khai na ngumiwi lang ito.
"Nangako kami sa isa't isa na iisa lang ang school namin pero pagkatapos ng graduation day namin sa elementary school ay hindi na siya nagparamdam pa. Ni hindi niya kami in-invite sa birthday party niya," paliwanag ni Zue na may tunog na pagtatampo sa boses.
"At kanina sa may parking, hindi niya kami pinansin. Hinarangan pa kami ng mga bodyguard niya na as if may gagawin kaming hindi maganda sa kanya," si Zules naman ang nagpaliwanag.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa narinig. Dahil sa ginawa ko ring pag-iwas kay Rykiel ay iyon din ang ginagawa ng anak namin, ang iwasan din ang mga kaibigan niya.
Hindi sinasadyang magtagpo ang mga mata namin ni Rykiel at kakaiba na naman ang tingin niya sa akin.
"Can I talk to her?" Nagulat naman ako dahil sa biglaan niyang pagtanong.
"Eryx?"
"Can I talk to her?" pag-uulit niya na hindi man lang nag-abalang tumingin kay Arzeil. Dahil hindi rin talaga niya pinutol ang pagtitig sa akin.
Ano naman ang pag-uusapan naming dalawa? Wala naman, ah...
Nagtataka man si Arzeil ay nagpaubaya na lamang. Lumapit sila sa may waiting area at si Khai naman ay nagdadalawang isip pa kung iiwan niya kami rito na kaming dalawa lang ng daddy niya.
"Ryx, iwan na muna natin sila!" sigaw ni Zue.
"Ayoko, I want to stay with my Mom," mariin na sabi ni Khai.
"Hindi naman kakainin ng Kuya ko ang Mommy mo, Ryx!" ani naman ni Zules na agad na sinuway ni Rykiel.
"Shut up, Zules. Kanina ka pa," malamig na sabi niya rito. Napakamot sa ulo niya si Zules.
"Kuya, wala naman akong ginagawa, ah. Hindi mo naman kasi kakainin ang Mommy ni Ryx, 'no? Iyon lang po." Mariin akong napapikit dahil sa ibang kahulugan ang naisip kong kakainin nito. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at bumilis lalo ang t***k ng puso ko.
"Go with them, Zules!" asik niya at agad naman itong sumunod sa kanya. Hinila niya rin ang anak ko na sumimangot lang.
"Ano... Ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko muna pinairal ang kaba ko.
Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras din ako. Nag-igting ang panga niya dahil sa aking ginawa.
"Kilala mo ba ako?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.
"Ano?" balik kong tanong.
"Kilala mo ako, 'di ba?" walang pag-aalinlangan na tanong niya ulit sa akin. Umiling naman ako pero mas lalong naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya.
"Nang gabing iyon... Naalala kong umiiyak ka sa banyo... Naalala ko rin na sinadya kong sundan ka..." Mariin kong naitikom ang bibig ko dahil sa biglaan niyang pag-amin. Naalala niya?
"What a pervert..." sabi ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
"Interesado akong makilala ka, Ms. Jessel De Leon Diamente..." sambit niya sa buong pangalan ko.
"Well, hindi rin ako interesado na makilala ka, Mr. Barjo," sabi ko at matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. Nakita ko ang pagkaaliw na iyon. "May fiancé ka na. You already have a fiancé. So, you should also focus on your upcoming wedding," I told him coldly. I was about to turn away from him when he quickly grabbed my elbow and pulled me somewhere.
Hindi ba siya aware na baka may makakakita sa amin ngayon at ma-issue pa kaming dalawa?!
"Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Pinipilit ko naman na maging kalmado at akala mo ay walang problema dahil napapatingin sa amin ang mga estudyante.
Nagpaubaya ako sa kanya hanggang sa huminto na siya at malayo na ito mula sa kinaroroonan ng mga kapatid niya.
"Nahihibang ka na ba?! Bakit mo ako dinala rito?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Anak mo ba siya? Anak mo si Khai?" tanong na naman niya.
"Pakialam mo ba sa bagay na iyon?!" asik ko at pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko pero hindi niya ako binibitawan, humihigpit iyon.
"I checked your family background, Miss," sabi niya na dahilan na tumindig ang balahibo ko sa katawan. Ano? Ano naman ang nalaman niya?
"Ano ngayon? Napaghahalataan kang stalker sa lagay na 'yan, Mr. Barjo," nakangising sabi ko.
"No. Nagsisimula na rin naman na sa investigation si Dad. May alam ka ba na may hinahanap pa kaming nawawala naming kapatid?" tanong niya at hindi ko nagustuhan iyon.
Dahil kung hahayaan niya ang kanyang ama sa investigation nila tungkol sa family history namin ay may iba pa silang makukuha na information. Mabubunyag ang sekreto na ginawa ng lola ko sa kanya at ang tungkol sa...
"Ano ang ipinupunto ng mga pinagsasabi mo?" matapang ko pa ring tanong.
"Hinihingi ni Dad ang DNA test ng kapatid mo, na ngayon ay inaangkin mong anak mo..." Nasampal ko siya sa puntong iyon. Hindi ko kapatid si Alkhairo at anak ko siya. Galing siya sa akin.
Ni hindi siya nag-react sa ginawa ko at nanatili pa rin ang tingin sa akin. Namula ang pisngi niya na sinampal ko at nag-iwan ng bakas ang aking palad.
"Wala akong pakialam kung ano man ang malalaman niyo tungkol sa pamilya namin, Mr. Barjo. Pero hinding-hindi mo rin magugustuhan kapag nalaman mo rin ang bagay na iyon."
"What was that? Malakas ang kutob ni Dad na pamilya namin ang bata. Just with his looks... Alam kong may dugo siyang Barjo," seryosong saad niya, "And your parents. Isang bata lang naman ang isinilang nila ng araw na iyon at ikaw lang iyon... Wala kang kapatid," dagdag pa niya. Gusto ko siyang pagtawanan dahil sa kanyang sinabi.
"Dahil sino ang maniniwala na anak ko si Khai?" nanghahamon kong tanong sa kanya. Kaya natigilan na naman siya. "At isa kayong tanga para pagkamalan mong kapatid ang anak ko, Mr. Barjo," sabi ko pa at nagtatagis na ang bagang niya.
"Damn it," mura niya at saka niya lamang akong binitawan. Magsasalita pa sana ulit siya nang tumunog ang cellphone niya at parang ayaw pa niyang sagutin ito kung hindi lang makulit ang caller.
"Yes?"
Bumalik ako kina Khai at hindi na ako napigilan pa ni Rykiel kahit masama na ang tingin niya sa akin.
Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. Interesado siyang makilala ako? Para saan pa? Eh, gusto rin nila ipa-DNA test ang aking anak at iyon ang hinding-hindi ko hahayaan na gawin nila.
"Jessel," tawag sa akin ni Arzeil at mabilis na lumapit sa akin.
"Ano ang pinag-usapan niyo ni Eryx? Maliban ba sa ipinakilala ko kayo sa Cebu ay na-meet mo na rin siya rito?" curious na tanong sa akin ni Arzeil. Umiling ako. Itatanggi ko ang bagay na matagal ko ng kilala si Rykiel.
Dahil ipapangako ko sa sarili ko na wala ng makakaalam pa sa bagay na iyon.
"They want a DNA test for my son," diretsong sabi ko at nagulat naman si Ryle. Natahimik sina Zue and Zules, habang si Khai naman ay hindi na maipinta ang mukha niya. Nalilito namang tiningnan kami ng dalawang babae na kasama nila.
"Miss Jessel, that's a family matter," sabi ni Ryle. Hayan na naman siya sa familiar matters nila.
"What's wrong with that? Alam kong family matters ito. Involved din kami. I don't like your idea, Mr. Barjo," walang emosyon na sabi ko. "Para sa kaalaman niyo. Wala kaming inaangkin na hindi namin pagmamay-ari at Diamente pa rin si Alkhairo."
"Ryle. Ano ito? Sinasabi niyo ba na si Alkhairo ay isa sa mga kapatid niyo na matagal na ninyong hinahanap?" tanong ni Arzeil.
"It was Dad's idea, Arzeil," kalmadong sagot naman ni Coach Ryle.
"Pero paano niyo naman nasasabi na siya na nga ang kapatid niyo?"
"Hindi ko alam kung bulag ka ba o sadyang tanga lang, Arzeil?" sabat naman ni Rykiel mula sa aming likuran. Nag-init ang ulo ni Arzeil dahil sa sinabi nito sa kanya kaya bago pa siya tuluyang mainis dito ay hinawakan ko na ang braso niya at hinila palapit sa akin.
"Pag-usapan natin ito ng maayos, Ms. Jessel," sabi ni Ryle na inilingan ko lang.
"Napakaimposible ng bagay na 'yan. Wala kaming kinalaman sa pagkawala ng kapatid niyo at hindi si Alkhairo ang hinahanap niyo," mariin kong saad.
"Bakit hindi mo kami hayaan na ipa-DNA test ang bata? May kinakatakutan ka ba?" nanunuyang tanong sa akin ni Rykiel. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong dagdagan ang namumula niyang pisngi.
"Parang kami ang iniinsulto niyo, Mr. Barjo. Ang pamilya namin ay iginigiit niyo na kami ang may kasalanan kung bakit napalayo sa inyo ang kapatid niyo?" laban ko.
"Mom, please... Umalis na lang po tayo," ani Khai.
"Ayaw mo bang malaman ang totoo mong pamilya, Ryx?" tanong ni Ryle sa aking anak.
"Hindi ako ampon, Coach Ryle. Anak lang ako ng Mommy ko at kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang pamilya ko na baka ibang tao sila... Na baka hindi ko sila totoong pamilya. Alam ko sa sarili ko, sa puso ko na kadugo ko sila at totoo kong pamilya. Ayokong magpa-DNA test at hindi niyo magagawa iyon dahil magsasampa ng kaso ang lolo ko against your family," walang emosyon na saad ni Khai. Parang gusto ko siyang palakpakan sa mga oras na iyon.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila dahil sa seryoso ng mukha ng aking anak.
"Kuya, please. Spare this day. Ayokong lalayo na naman ang loob ni Ryx sa amin ni Zue. We can't lose our friend. Baka hindi siya... Baka hindi siya ang hinahanap natin," mahinahong saad ni Zules sa kanila. Natahimik na lamang silang dalawa.
"Excuse me lang, ha... Mawalang galang," sabi ng babae na hindi na napigilan na pumagitna sa amin. "Alam kong hindi ko pa alam ang pakiramdam na magkaroon ng isang anak...pero... hindi natin dapat pagdudahan ang isang tao na baka hindi siya ang totoong ina nito... Nakita niyo naman, hindi ba? Pareho nating nasaksihan ang pagdating niya kanina. Kung talagang kapatid niya ang bata ay hindi ganoon ang reaksyon niya. Oo, nag-aalala tayo para sa mga kapatid natin pero hindi katulad nang ginawa niya kanina. Natural na lumabas lang sa bibig niya ang salitang anak na isa pa... Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal sa bata hindi bilang kapatid, kundi bilang ina nito... Kaya baka imposible rin ang mga hula niyo na baka siya nga ang nawawala niyong kapatid," mahabang paliwanag niya. Parang siya lang ang bukod tanging naniwala na anak ko nga si Khai at hindi kapatid.
"Ate, ilang taon ka na po ba?" tanong naman sa akin ng batang babae na hindi naglalayo ang edad nito kina Zules.
"T-Thirty five," nauutal ko pang sagot.
"Akala ko po 21. Baka po isa sa kanila ang daddy ni Ryx? Baka si Coach Ryle? O baka si...iyong isa pang mama na kamukha rin ni Ryx. Mas malaki po ang similarity nila sa isa't isa."
"But Kuya Rykiel is only 18 years old nang ipinanganak si Ryx. 26 daw noon si Ate J, and that's very impossible..." agad na sabat ni Zue.
"Kahit minor lang po siya ay kaya na niyang buntisin ang babae." Umawang ang labi ko sa diretsong sinabi nito.
"Cevianna!"