Andito pa rin kami sa condo nina Clarice at patuloy pa rin sa pag-iinuman ay hindi pa rin dumarating si Carlo. “Joyce, wala ka bang balak na tumigil sa pag-inom?’’ tanong sa akin ni Laya nang ako mismo ang kumuha ng isang bote ng brandy. Umiling ako. “Wala! At masarap mag—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa nito si Carlo na tila bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok nito. Nagkatinginan ang lahat nang tuluyang makapasok si Carlo. “P’re, mabuti naman at dumating ka na,” sabi ni Alex. Tumago si Carlo. “Na traffic kasi ako,” mabilis na tugon ni Carlo at pagkatapos ay lumapit siya sa akin. “Hon, I’m sorry na late ako,” sabi niya sa akin na hindi ko pinansin dahil sobra akong naiinis sa kanya. “P’re, kanina pa nag-iinom ang girlfriend m

