Hindi nagtagal ay dumating na sina Nathan. Ngunit hindi nila kasama si Carlo kaya nakaramdam ako ng lungkot sa aking puso. “Mga p’re, mabuti naman at dumating na kayo. Kanina pa ako naghihintay sa inyo,” bati ni Alex sa kanyang mga kaibigan. “Pasensya na, ngayon lang kami dumating. Medyo traffic sa Edsa,” tugon ni Nathan kay Alex. Tumango si Alex at tumingin siya sa may pintuan. “Teka lang! Nasaan pala si Pareng Carlo?” takang tanong ni Alex sa mga kaibigan. Nagkatinginan muna sina Nathan, Charles at Rigor bago may isang nagsalita. “Su—susunod siya, p’re, may pinuntahan lang,” nauutal na wika ni Rigor habang nakatingin sa akin. Hindi man ako nagsasalita ay may tila kaba akong nararamdaman sa aking dibdib. Dahil parang may pinagtatakpan ang tatlo kung bakit wala si Carlo. Nagkibit n

