Andito kami ngayon sa labas ng unit ni Clarice at hinihintay na pagbuksan kami ng pintuan. Kung hindi ko pa siya tinawagan ay baka dito na kami sa labas matulog na magkakaibigan. “Bakit kaya ang tagal ni Clarice na pagbuksan tayo?” tanong ni Laya. “Hindi ko rin alam!” maarteng tugon ko kay Laya, dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihitay nang matagal. Kanina ko pa tinawagan si Clarice pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinagbubuksan. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa nito si Clarice na kung titingnan mo ay tila nagmadali na magsuot ng kanyang damit at gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Nagkatinginan kami nina Lorraine, Abby at Laya nang biglang lumabas si Alex sa kwarto ni Clarice na nakasuot lang ito ng boxer. “So alam n’yo na ang dahila

