Hindi ko akalain na labis na magdadamdam sa akin si Joyce dahil sa hindi ko agad pag-uwi dahil inihatid ko muna si Kristel sa airport. Kung hindi pa ako tinawagan ni Pareng Nathan ay hindi ko malalaman na nagtatampo na pala sa akin ang aking girlfriend. Kaya pagkahatid ba pagkahatid ko kay Kristel sa airport ay dumiretso agad ako pauwi rito sa Quezon kahit pa gabi na. Tinitigan ko si Joyce habang ang kanyang mga mata ay pupungay-pungay na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at nagsalita. “Hon, ito ang una’t huli na mag-iinom ka na hindi ako kasama.” Tumango si Joyce. “Opo, hindi na mauulit. Basta ipangako mo sa akin na magpapaalam ka sa akin kung hindi ka kasabay ng mga kaibigan mo pag-uwi,” tugon sa akin ni Joyce na mabilis kong sinang-ayunan. Inaamin ko, nakukunsensya ako sa ginagawa ko

