Matapos mag-inuman ng magkakabigan ay nagkaayaan na silang magpahinga. Lumapit sa akin si Nathan. ‘‘Joyce, ang mabuti pa, pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na at mahimasmasan,’’ pag-aya sa akin ni Nathan. Umiling ako. ‘‘Salamat, pero dito na lang ako matutulog,” pagtanggi ko kay Nathan. Tila nagulat naman si Nathan sa naging tugon ko sa kanya. “Pero, Joyce, malamig dito sa labas at baka may ibang tao ang makakita sa ‘yo rito,” pagtutol ni Nathan sa sinabi ko. Tumingin ako kay Nathan. “Huwag kang mag-aalala. Walang magyayaring masama sa akin dito.’’ Ngumiti ako nang pilit. “At mas gusto ko sanang mapag-isa ngayon,” muling pagtanggi ko kay Nathan. Napabuntong-hininga na lang si Nathan at hindi na ako pinilit na pumunta sa loob ng kubo. Alam kong lahat sila’y nag-aalala sa a

