CHAPTER 35 - ABBY AND JOYCE'S POV

1440 Words

Kasabay nang pagtakwil sa akin ng aking mga magulang ay ang pagbuhay ng galit sa aking puso, para sa lalaking mahal ko. Hindi alam kung saan ako pupunta ngunit nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad. Tumulo ang luha ko kasabay nang pagsakit ng aking tiyan. Halos manigas ako nang may makita akong dugong dumadaloy sa aking hita. "Tulong, tulungan n'yo ako!" malakas kong sigaw. Tumingin ako sa paligid. "Tulong?" muli kong hingi ng saklolo. Hindi nagtagal ay may tumigil na sasakyan sa aking harapan. At nakita kong bumaba si Nathan. "Abby," tawag ni Nathan sa pangalan ko. "Nathan, tulungan mo ako." Sabay tingin ko sa aking mga hita. "f**k!" Narinig kong mura ni Nathan at mabilis akong kinalong at isinakay sa sasakyan. Kinuha niya ang dala kong maleta at inilagay sa sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD