LOS ANGELES, CALIFORNIA Kinabukasan ay nagising ako malalakas na katok sa pintuan. "Charles," narinig kong tawag mula sa labas ng aking silid. Hindi ako kumilos, sa halip ay kinuha ko ang aking maleta at inilagay ang aking mga damit. Buo na ang desisyon ko, babalikan ko na si Abby. Muling kumatok at nagsalita ang aking ina. "Charles, buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo. Kailangan mong pakasalan si Cathy." Mga salitang ikinainis ko. Mabilis kong binuksan ang pintuan at nilabas ko ang aking ina. Nagtagis ang aking panga at diniliman ko siya ng tingin. "Ano na naman ba— ang kailangan mo sa akin?!" inis at walang galang kong tugon. Isang malakas na sampal ang binigay niya sa akin. "Bakit mo ginawa kay Cathy, 'yon?!" galit na tanong sa akin ng aking ina. "Ano bang pinagsasabi mo?!" inis k

