Pagkatapos naming mag-grocery ni Carlo ay nagdesisyon na kaming bumalik sa condo nina Nathan. "Hon, sa tingin mo magugustuhan ni Abby 'yong binili kong maternity dress para sa kanya?" tanong ko kay Carlo habang tinatahak namin ang kahabaan ng Edsa. "Oo, sigurado ako na magugustuhan niya 'yon," mabilis na tugon ni Carlo. Simula nang malaman ko na buntis si Abby ay excited na akong maging tita. Kaya naman kahit hindi pa Malaki ang tiyan ni Abby ay namili na ako ng mga maternity dress para sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami dito sa condo. "Sis, binilhan nga pala kita ng mga damit pangbuntis mo." Sabay abot ki kay Abby nang isang paper bag at pagkatapos ay inaayos ko na ang mga grocery na pinamili namin ni Carlo. Ngumiti si Abby. "Salamat, sis, ha!" matipid na tugon ni

