Andito kami ngayon sa condo nina Nathan, habang ako ay nakatanaw sa unit ng aking mag-ina. Tinapik ako ni Nathan. "Mamaya, panigurado na pupunta silang mag-ina rito," biglang sabi ni Nathan. Ngumiti ako. "Siguro, kapag nalaman niyang andito ako malamang na hindi siya pumunta rito," malungkot kong saad. Tahimik kaming nag-uusap ni Nathan nang biglang tumunog ang doorbell. Binuksan ni Nathan ang pintuan. "Mga, p're, mabuti dumating na kayo," bungad ni Nathan sa aming mga kaibigan. Narinig kong nagsalita si Alex. "P're, bakit ba bigla kang nag-aya na mag-inom? Anong mayroon?" tanong ni Alex. Tumingin sa akin si Nathan at tumango ako. "Pumasok muna kayo. Nang malaman ninyo," utos ni Nathan sa aming mga kaibigan. Nang makapasok silang tatlo ay nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nina
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


