ELIJAH Dahil sa pag tulak ni Cassy kay Chari ay biglang sumakit ang tiyan niya, nataranta ako ng may nakita akong umaagos na dugo sa may binti niya. Nataranta na ako kaya binuhat ko na si Chari papunta sa sasakyan para itakbo siya siya sa ospital. Panay na ang dainfg ng asawa ko dahil sa sakit ng kanyang tyan kaya kahit alam kong over speeding na ako ay wala akong pakialam. Bahala na kung mawalan ako ng lisensya basta ang mahalaga maitakbo ko sa ospital ang asawa ko. Malapit na ako sa ospital ng habulin ako ng mga pulis at pinapatigil nila ako. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo dahil si Chari ang inaalala ko. Tinawagan ko na din ang doctor niya at sinabi ko kung saan ospital ko siya dadalahin. Dumiretso ako sa emergency at nakita ko nang naghihintay ang OB ni Chari. Mablis a

