CHARI Kabuwanan ko na ngayon at paminsan minsa ay sumasakit na din ang tiyan ko. Madalas na hindi na pumapasok sa opisina si Eli dahil binabantayan niya na ako. Naging maselan ang pagbubuntis ko kaya ang daming pinagbawal sa akin. Maging ang pakikipag make love sa asawa ko ay pinagbawal din ng doktor. "Babe, hindi ka paba mag bibihis may appointment tayo sa OB-GYNE mo ngayon?" malambing na sabi sa akin ng asawa ko. "Mahal, pwede bang maya maya lang sumasakit pa kasi ang tyan ko." mahina kong sabi. Nilpitan ako ni Eli at hinawakan ang tiyan ko. "Kambal, hu wag niyo masyado pahirapan ang mommy ninyo, ilang araw na lang lalabas na kayo. Behave lang kayo sa tyan ni Mommy mga magaganda kong babies." sabi ng asawa ko habang hinihimas niya ang tiyan ko. Dahil kambal ang anak namin ni Eli m

