CHARI Dahil sa inis ko nang marinig kong may naghahanap kay Eli na babae ay hindi ko siya pinatulog dito sa aming silid. Naiinis ako na kkatapos lang nang aming kasal pero may umaaligid na naman na ibang babae. Hindi na talaga ako naubusan ng kaagaw. Kakatapos lang kay Cindy meron na namang bago. "Babe, papasukin muna ako." naririnig kong sabi niya sa labas ng pinto ng aming silid. "Manigas ka jan Eliah, kahit anong gwin mo hindi kapwedeng tumabi sa akin! Doon ka sa babaeng naghahanap sayo, sa kanya ka mag inarte huwag sa akin!" malakas na sigaw ko sa kanya. "Babe, wala naman akong kinalaman doon magkasama tayo kaya hindi ko alam kung sino man yung babaeng pumunta dito sa bahay. Maniwala ka naman, babe." "Sa guest room ka matulog, wala akong pakialam sa sinasabi mo!" sigaw ko pang mu

