Episode 7

3017 Words
Jane, low batt ako nakakainip na dito sa loob ng room, walang magawa. Pwede mo ba akong mahiraman ng charger? Opo ate kay sir Karl ako nakahiram ng charger kanina. Lumabas na ng room si Jane para manghiram ng charger. Kakainip nakakulong na naman ako. Kakainis itong si Luke malapit lang naman ang bahay ayaw pa nya kami ihatid. Hay! buhay kahit saan talaga ako mapunta hindi pa din malaya. Tok! Tok! Pasok, sagot ko habang nakaharap sa malaking bintana at hindi manlang nilingon ang pinto. Narinig kong bumukas ang pinto kaya alam kong nakapasok na ang kumakatok. Pero hindi ito nagsasalita, patuloy pa din ako nanonood ng mga dahon na sumasayaw habang hinahampas hapas ito ng hangin. Sa pag aakala kong si Jane ang pumasok kaya hindi na akong nag abalang tingnan. Jane pakicharge nalang ng phone ko nandyan lang sa kama. Habang sa kasarapan ng panonood ko may isang malaking kamay ang humawak sa braso ko. Napalingon agad ako. Hoy! ano kaba pwede naman na magsalita ka ah., Hindi yong gugulatin mo ako Luke! Hawak hawak ko ang dibdib at mabilis ang t***k nito sa gulat. Sorry, lalagyan ko lang ng gamot yang sugat mo. Ako na kaya ko na yan! May kamay naman ako ang dumudilat na din ang mata ko kaya ako na. Ako na baka masundot mo pa ang mo mas lalong delikado. Ako na nga kaya ko na! Agad nya itong tinago sa likuran ang kamay nyang may hawak na gamot, para hindi ko maagaw. Sege pagnakuha mo itong gamot kaya mo na nga maglagay, pero kung hindi ako ang maglalagay sa sugat mo. Luke! ano ba ako naiinis na sa ginagawa mo ha! Hindi mo obligasyon na alagaan ako kaya ko na ang sarili ko, Humakbang ako papalayo at naupo nalang sa kama. Hinanap ko ang phone ngunit naka charge na ito. Ngumiti nalang ako. Tumayo ako at lalabas na sana. Nakikita mo bang ang lakas ng ulan tapos lalabas ka, paalala nya sakin. Binuksan ko pa din ang pinto, Agad naman itong sinarado ng malakas na hangin. Kaya na tawa na din sya,, sege matigas ulo mo hindi ka naniniwala ha! Naupo nalang ako ulit sa kama habang nakasimangot. Kahit ang kalikasan hindi umaayon sa kagustohan ko.. Lumapit sya at hinawakan ang baba ko. Tinitigan nya ako ng hindi kumukurap ang mga mata. Habang ramdam ko ang t***k ng puso ko at hindi kumikilos. Parang hindi ako makahinga sa mga titig nya. Sh***t ang gwapo nito. Bago pa ako mawala sa sarili ko naghanap na ako ng paraan para makawala sa mga titig nya. Bakit? may dumi ba ako sa mukha ko? makatitig ka wagas eh. Yumuko ako ulit dahil sa ngawit na ang leeg ko sa katingala sa kanya. Wala naman tinitingnan ko lang ang sugat mo. Namumula pa kelangan pa ng gamot. Agad nya itong binuksan ang oinment pinisil at nilagay sa cotton buds at pinahid sa dalawang ko sugat na nasa pagitan ng dalawang mata. Nagpa ubaya nalang ako sa kilos nya., wala akong ganang makipagtalo sa kanya. Mula kahapon hindi pa ako nagkapag masalamat sa kanya. Naiinis ako sa kanya pero parang makiramdam ko safe ako pag sya ang kasama ko. Pumikit nalang ako habang nilalagyan nya ng gamat ang sugat ko. Napakagaan ng kamay nya halos di ko nararamdaman ang pagpahid nito. Hinihipan pa nya habang pinapahid. Ano ako batang paslit na kelangan pang hipan ang sugat. Para akong nalunod sa ginagawa nya na walang pakialam sa paligid. Hoy! baka makatulog ka na nakaupo dumilat kana dyan. Dumilat ako at nakita ko na sya galing ng banyo upang magtapon ng cotton buds na ginamit nya At nag hugas ng kamay. Tumalikod nalang ako para hindi halata na nahiya ako. Tanaw tanaw ko ang labas mula sa malaking bintana, Malakas pa din ang ulan at hangin. Pano kami makakauwi nito parang walang balak talagang tumigil. Maya maya may dumapo na naman na palad sa noo at leeg ko. Napabuntong hininga nalang ako. May lagnat ka pa din. Magpahatid nalang tayo ng pagkain dito para makainom kana ng gamot para sa lagnat mo. Wag na lalabas nalang ako nakakahiya , hindi nalang ako lumpo para dalhan ng pagkain dito, Mataray ko pang sabi sa kanya. Oo nga sino ba may sabi na lumpo, hindi ka lumpo may lagnat naman. Nakita mo na nga na malakas ang ulan at hangin ipipilit mo pang lalabas ka para magpunta pa sa Mamboo,, Mababasa ka ng ulan at lalagnatin ka lalo. Makulit ka talaga eh. bakit ganyan kayong mga babae ang tigas ng ulo. Pareho kayo ng mommy ko, Hindi ba pwede palipasin muna ang sama ng panahon bago ka lumabas ng pintong yan? Hoy! wag mo akong sermonan.! hindi mo ako anak at lalong hindi kita kaano ano. Kahapon kapa ayaw mo kaming pauwiin at hindi ko din hiniling sayo na alagaan mo ako. Kaya wag kang sermon ng sermon. Kakainis kana! Lalabas ako sa ayaw at sa gusto mo, wala kang pakialam kung magkasakit ako. Lumapit ako sa pinto at hahawakan na sana ang doornop nito. Pero naunahan ako at hinarang nya ang katawan nya sa pinto an. Umalis ka dyan! Nagpapadyak ako sa inis. Luke! ano ba! umalis ka sabi eh. Hinila hila ko sya dahil sa kaling tao sya kaya walang nagawa ang lakas ko animoy nakadikit sya sa pinto na kahit anong hatak ko hindi na titinag sa kakatayo nito. Pinipilit ko pa din syang umalis. Pero lalong lang akong napagod. Pinindot pa nya ang lock botton nito. Luke! ano ba! ibang klase ka talaga eh. Hindi ka nga pwedeng lumabas paano kung may mga punong matumba dyan paglabas at tatamaan ka,.mababasa ka din bago makarating ng Mamboo Dito nalang tayo. magpapahatid na lang ako ng makakain natin dito. Okay lang na ikulong kita kesa naman mapapahamak ka Bea. Wag na matigas ang ulo mo. Nagpipilit pa din akong makalabas kahit anong pilit nya sakin. Pinagpapalo ko ang kamay nyang nakahawak sa pihitan ng pinto. Luke! palabasin mo na ako! Bigla nya akong binuhat at dinadala sa kama. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Nag iisip na baka may masama syang gawin sakin. Luke! Luke! bitawan mo ako! ano ba! ang bastos mo! talaga ibaba mo ako! nagpupumiglas ako nagbabasakaling makawala sa kanya. Ang kulit mo Bea. Binababa nya ako sa kama ng pahiga hinawakan ang dalawang kamay pataas at tinitigan. Nilakihan ko sya ng aking mata. Luke! bitawan mo ako! Lalo pa nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Kaya pumikit nalang ako ang iniwas ang mukha. Luke please bitawan mo na ako. Bulong ko sa kanya. Pero lalo pa nyang nilapit ang mukha nya sa leeg ko, ramdam ko ang init ng hininga nya, may naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa buong katawan. Hindi na ako nakagalaw sa ganun sitwasyon. Bea ang kulit mo ang sabi ko hindi ka pwedeng lumabas hanggang may sakit ka. Kapag magpumilit kang lumabas sa pintong iyan hahalikan kita. Bulong nito sakin naramdaman ko ang paghila nya ng bluse ko pababa.. Lumuwag ang pagkahawak nya ng mga kamay ko. Subukan mo lumabas at makikita mo kung gaano akong kaseryoso sa sinasabi kong hahalikan kita. Bulong nyan mapangkaakit na boses. Halos di ko na mapigil ang.puso kong nagwawala na sa subrang kaba. Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumayo na sya sakin. Tahimik lang ako at nakiramdam sa mga kilos nya.. Bahagya kong dinilat ang akin mata upang hanapin sya. Nakaharap ito sa malaking bintana na nakalagay ang dalwang kamay sa likod. Natatakot na akong sumuway sa kanya. Halos magdikit na ang mga pisngi kanina. Gasinulid nalang ang pagitan ng aming mga balat. Kinapa ko ang dibdib kong parang tabol kung tumibok. Medyo nakataas pa ang bandang kanan ng aking bluse at bahagyang nakasilip ang damit pangloob ko. Kinapa kapa ko ang kumot upang takpan ang aking katawan.Nagtalokbong ng komot at piniling manahimik nalang. Jane Sir Karl ang lakas ng ulan at hangin. Hindi pa nakakain si ate at sir Luke. Kelangan na ni ate maka imon ng gamot. Wag kang mag alala papahatiran ko nalang sila ng magkain doon. Nag aalala na ako baka ano ang gagawin ni Sir Luke kay ate sila lang doon sa loob ng kwarto. Mapapagalitan ako ni nanay kung may masamang manyari kay ate. Nakung! bata ito. wag kang mag alala walang masamang mangyayari sa ate mo mabait si Luke hindi yon namamantala sa mga babae. Kaya relax ka lang. Binata pa yon si Luke. kung may gagawin sya sa ate mo kaya nyang mapapagutan yon. Kahit na Sir magagalit pa din sakin ang mga magulang ko., ang bilin sa akin ni nanay hindi ako lalayo kay ate. At hindi pwedeng may ibang tao na makipagkilaka kay ate. Pag nalaman ito ni nanay magagalit yon. Ako na bahala magpaliwanag sa nanay mo kung kinakailangan. Paano namin kayo ihatid malakas pa ang ulan at hangin. May papasok na bagyo kaya ilang araw pang ganito ang panahon. Kamusta pala sila nanay mo. Okay naman daw sila doon sa manggahan po Sir Karl. May bahay naman po kami doon na pwede nila matuloyan habang nasa manggahan sila. Pag maayos na ang panahon uuwi dw sila agad. Buti naman kung ganoon. Di ba alam naman nila na dito kayo sa Mamboo? Opo Sir pero nag alala sila kay ate. Hindi ko pa nasabi ang buong pangyayari paputol putol po kasi ang signal. Saka nalang po seguro kapag nakauwi na kami. Matagalan pa ang ganitong panahon dalawang bagyo ang magkasunod eh. Totoo po Sir? Gulat ni Jane sa narinig mula kay Karl. Hala wala kaming maraming damit Sir at nakakahiya naman sa inyo po lebre nyo po kaming pinapakain at binigyan nyo pa kami ng matutulogan. Sus! maliit na bagay lang iyan Jane at si Luke din ang gumagastos sa mga pagkain nyo dito. Ganun talaga yang si Luke mapagkalinga at maalaga sa mga na ngangailangan. Luto na ang haponan kumain na tayo. Papahatid ko na din ang pagkaain nila Luke. Dito kana kumain para hindi maestorbo ang dalawa. Hala! si Sir Karl baka hinahanap na ako ni ate. Ako nalang ang maghahatid ng pagkain nila. Malakas ang ulan Jane mababasa ka. Baka ikaw naman ang magkakasakit lalo lang kayong matatagalang umuwi. Wala ka ng papalitang damit pag nabasa ka. Pag alala nya kay Jane. Luke Agad ko na binuksan ni Luke ang pintoan ng marinig ang ilang katok. Good evening Sir ito na po ang dinner nyo. Kinuha nya ito at nilapag sa mesa. Umuusok pa ito ng kanyang buksan. Pinuntahan nya si Bea na nakatalokbong ng komot at gising. Bea gising na dumating na ang dinner. Dahan dahan nya itong binaba ang komot upang makita ang mukha ni Bea. Ngunit tulog pa din ito. Pinagmamasdan ang magandang mukha ni Bea. Hindi ito kumurap sa pagtitig. Halos ayaw na nyan mawala sa paningin nya ang ganitong kagandang babae. Pero kailangan na nya gising para makakain na sya upang makainom ng gamot. Nilagay ang palad sa noo at naramdaman na naman nya mas mainit ito kesa kanina. Bea, Bea gising na mainit ka na naman. Dumilat ang mata ng dalaga at medyo namumula ang pisngi nito dahil sa may lagnat. Inalalayan sya ni Luke para makaupo. Hinila ni Luke ang mesang maliit papalapit sa kama. Upo ito sa harapan ni Bea kinuha ang mangkok na umuusok, nagsalok ng kutsara sa sabay at hinipan bago sinubo kay Be. Luke ako na. malumanay nitong hiling. Ako na mainit ang sabaw baka mapaso ka. Luke naman eh,, ako na kasi,, malaki na ako hindi ako batang maliit. Mataas na naman ang lagnat mo, Upo ka lang ako na bahala sayo aalagaan kita. Ayan ka na naman Luke Baka magkakautang na naman ako nyan. Ngumiti lang si Luke kay Bea. Lebre na ito basta kumain ka lang at gumaling hindi kita sisingilin. Kumuha ng konting kanin at nilagyan ng sabaw at muling sinusubo kay Bea. Pero nakasara ang bibig nito. Bea,, sege na kumain kana para makainom kana ng gamot. Ehhhh ako na kasi kaya ko naman eh. Wag kang makulit gusto mo talagang eh noh? Kusang bimukas ang bibig ko. Dahil takot akong mahalikan. Hindi na ako nanglaban pa dahil wala din naman akong magawa. Nang matapos na akong uminom ng gamot sya naman ang kumain, pero hindi nya inaalis ang paningin sa akin. Nakahiga lang ako at may tapal pang bempo sa noo. Pinapahanga nya ako sa galing nyang mag alaga ng taong may sakit. Maalaga at maalalahanin nya. Nakakahiya man aminin sa sarili ko pero onti onti na akong nahuhumaling sa kanya. Sinasabay nya ang pagkain at pagbabasa ng bimpo. Hindi pa din ako kumikibo. pinapanood ko lang syang kilos ng kilos ng ayon sa gusto nyang mangyari. Niligpit nya ang pinagkainan at inilagay sa isang tabi. Tumayo ako upang magbanyo. Pero nakaramdam ako ng hilo kaya umupo muna ako. At hawak hawak ang ulo. Bakit kasi bumangon kana. May lagnat kapa eh. Mahinga ka muna. Ano ba ang gagawin mo? sunod sunod ang tanong nya. Wala eh gusto ko lang magbanyo eh. Pero nahihilo ako. Maya maya nalang seguro dito na muna ako. Nakalipat na sya agad sa kinauupoan ko. Napapapikit ako sa hilong nararamdaman at medyo na susuka na din. Luke? nasusuka ako. Agad nya akong binuhat upang dalhin sa banyo. Inalalayan sa pag upo sa harapan ng toilet bowl para. Lumabas ka muna., mahinang kong sabi. Pilit kong pinipigil ang pagduduwal dahil na hihiya ako sa kanya. Pero parang wala syang naririnig. Hinihimas himas pa din nya ang likod ko. Luke! tawag ko sa kanya at tinutulak ko syang papalayo. Pero talagang matigas sya. Hindi ko na kayang pigilin kaya sumambulat na ang bibig ko. Ngunit nagkalat ito mula bibig ng toilet bowl at sahig ng banyo. Lalo akong nahiya sa kanya. Tuloy tuloy ang suka ko at halos hindi na ako makahinga sa subrang sakit sa dibdib. Hindi sya tumiligil sa paghimas himas ng likod hanggang hindi ako naginhawaan. Are you okay Bea? masama pa talaga ang pakiramdam mo, Buti nalang hindi pa ako lumabas. Paano nalang kung wala kang kasama ano nalang ang mangyayari sayo. Daldal pa din sya habang pinupunasan ang mukha kong may luha na. Nahihiyan man ako pero hinahayaan ko nalang syang linisin ang mukha ko. Lahat ng kinain mo nilabas mo na din., ano nasusuka ka pa din ba? Okay lang yan para mahimasmasan ka. Nandito lang ako sa tabi mo. Pinusod pa nya ang buhok kong mahaba. Para makalanghap ako ng hangin. Inaabotan nya din ako ng tubig pangmomog upang malinisan ang loob ng bibig ko. Lumabas ka muna saglit Luke, ako na bahala sa sarili ko. Lalabas! tingnan mo nga ang setwasyon mo. Kanina kapa palabas ng palabas. Ne hindi mo nga kayang tumayo dyan. Ano ba Luke naiihi ako!, Ano alalayan mo din ba ako. Pagsusungit ko sa kanya. Pwede ba iwanan mo ako saglit lang? Ah okay sandali lang lilinisin ko muna yan, hindi naman pwede na uupoan mo yang suka mong naghalat. Kumuha sya ng maraming tessue at pinunasan ang bibig ng bowl pati na dinang sahig. Hindi man lang sya nandiri sa suka ko. ilang beses nya itong pinunasan at nag spray pa ng kinting alcohol para mawala onti ang mabahong amoy ng suka. Agad syang lumalikod at lumabas ng banyo. Dahan dahan akong tumukod ang dalawang kamay upang kumuha ng pwersa. Sa awa ng Dios naka upo ako ng maayos at nairaos ang pag ihi. Pero hindi pa man din ako nakatayo bumulwak ulit ang bibig ko. Hilong hilo pa din ako, nagpasya akong manatiling umupo pa sa bowl. Luke Bae! tawag ko sa kanya. Tapos kana ba. Pwede na akong pumasok? Hindi ako mapakali habang naghihintay ng sagot nya. Hindi naman ako pweding pumasok para tingnan sya. Baka hindi pa sya tapos. Naupo ako sa labas ng pinto ng banyo. Katok ako ng katok pero walang sumasagot tanging pagsusuka lamang ang naririnig ko mula sa loob. Gustong gusto ko ng pumasok pero paano kung hindi pa sya tapos umihi. Ilang minuto pa ang nakalipas na akong nakiramdam sa labas pero tuloy tuloy pa din ang pagsusuka nya. Nagpasya na akong pasukin sya sa loob. Sorry,, Bea pumasok na ako. Hindi ko na matiis ang mga naririnig ko. Namilog ang mga mata ko sa nakitang kong sitwasyon nya. Nakaupo pa din sya at hindi pa nya naitaas ang damit pang ibaba. Tumalikod ako at lalabas na ng banyo. Pero hinawakan nya ang mga kamay ko. Kinakabahan ako baka ano ang magagawa ko sa kanya. Sempre lalaki ako. Baka hindi ako makapagpigil sa sarili ko. Lalo pa akong hinabahan ng onti onti nya akong hinihila papalapit sa kanya. Kusang sumonod ang katawan ko sa paghila nya. Hinakbang ko ang mga paa papalapit habang nakatalikod. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, gusto kong tumingin sa kanya pero paano. Ayaw kong matukso sa ganitong sitwasyon. Luke,, di ko na kaya nanghihina na talaga ako.. Mahinang boses nito at nakikiusap. Pinikit ko ang mga mata saka humarap sa kanya. Agad naman sya yumakap sa hita ko. Tinayo ko sya inilagay ang dalawang kamay nya sa leeg ko, Upang makakapit sya habang inaayos ko suot suot nya. kinapa ang damit pangbaba at itinaas ito. Saka palang ako nakahinga ng maluwag at dinilat ang dalawang mata. Binuhat ko sya at dinala sa kama. Nakapikit pa din sya halos hindi na sya kumikilos at nagpapaubaya sa mga ginagawa ko. Pinunasan ko sya ng basang bimpo, Mula sa mukha hanggang paa nagkalat suka nya. Halos buong katawan na nya ang nahawakan ko. Kung ano ano na ang tunatakbo sa isipan ko. Pilit kong nilalabanan ang tukso sa aking isipan. Kinapa ko ang kanyang noo. Mainit pa din sya nararamdaman ko na din na nanginginig na ito. Hinatak ko ang kumot at binalot ko sa kanya. Binasa ko ang bimpo at dinampi dampi sa noo at leeg nito. Nag alala na ako ng subra subra bakit hindi pa sya gumagaling kung simpleng lagnat lang ito. Luke, wag mo akong iwan, tawag nya sakin habang nakakapit ito sa kamay ko. Wag kang mag alala dito lang ako sa tabi mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD