Episode 8

3072 Words
Halos hindi ako natulog magdamag sa mag alala sa kanya. Sumasabay sa sama ng panahon ang halo halong nararamdaman ko. Kung gaano kasama ang lagay ni Bea ganoon din ang sama ng panahon sa labas ng bubong na ito. Palitan kaming tatlo sa pag aalaga kay Bea. Pero hindi pa din bumubuti ang lagay nito. Mag aalas singko na ng umaga panaka naka na din ang ulan. Nag pasya ana akong gisingin si Karl at Jane. Karl gising , Jane ihanda mo na ang gamit nyo, dadalhin na natin si Bea sa hospital, Hindi na bumababa ang lagnat nya. Po! Sir Luke opo Sir. tumango tango, Bumangon agad ito at nilagay sa isang bag na maliit ang konting gamit nila. Mag almusal muna tayo bago umalis medyo madilim pa naman. Sege Luke magpahanda na ako ng almusal at aayosin ko na din ang sasakyan. Habang nakatitig sa magandabg mukha ni Bea. Nag alala na ako ng subra subra tuyong tuyo na ito at namumula. Halos hatakin ko na ang oras para magliwanag na. Luke ayod na ang lahat pwede na tayo umalis. Buhat buhat ko si Bea papuntang sasakyan, nauna na si Jane at Karl. Sa likuran na kami Karl para maalalayan ko sya. Binuksan ni Jane ang pintuan dahan dahan akong umakyat habang buhat buhat pa din si Bea. Inilapag ko sya at pinasandal sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng paghinga nya na tumatagos sa damit ko. Nakapikit pa din ito ang hindi umiimik. Medyo dulas ang kalsada Luke hindi ako makapagpatakbo ng mabilis baka lalo tayong mapahamak. Malayo layo pa tayo sa hospital. Ayos lang Karl basta makarating tayo ng maayos. ,kahit medyo matagalan tayo. Mula ng isang araw pa ang pagbuhos ng ulan kaya madulas ang daan. Halos lahat ng makikita sa daraanan namin mga sanga sanga ng mga punong naputol, halos nahawi ang mga ito sa iisang derekseyon. Kita ang mamalakas na alon sa dagat. Makulimlum pa din ang kapaligiran. Parang matagalan pa ito bago bumuti ang panahon. Jane pakitawagan ang nanay mo at ipaalam ang setwasyon ni Bea. At kung pupwede na sumunod na sya doon. Opo Sir nag messege napo ako sa kanya kanina pero wala pang reply. Baka wala pa din maayos na signal sa manggahan po. Tatawagan ko nalang po sya maya maya o di kaya pagkadating natin mamaya sa hospital. Bea? ayos ka lang ba. Ano ang nararamdama mo? may masakit ba sayo? sunod sunod kong tanong sa kanya. Pero umiling lang ito. Panay ang himas ko ng likod nya habang papalapit na kami sa hospital. Nawala wala na ang pakamba ko ng makita ang logo ng emergency room ng hodpital. hindi ko na inantay na pagbukas ako ng pinto, Hinila ko na ito at binuhat pababa si Bea. Sir dito po! agad nag bukas ang pinto at tinuro sakin ng guard ang isang straight chair. Nilapag ko si Bea na naghihina na. Agad na lumapit ang isang nurse. Sir na paano po ang patient? Pakisulatan po itong form para sa complete datails ng patient po. Napatingin ako kay Jane at sumensya na sya na ang magsulat dahol hindi ko naman alam ang imporsyon nito. Akin na po Sir. Ako na bahala dito balikan mo na doon si ate baka may kaelangan pa sya. Ibibigay ko nalang ito sa nurse po. Maya maya may isang doctor na lumapit kay Bea. At nag check sa kanya. Sir ano po ang nagyari sa patient? Dehydrated na sya tuyo na ang labi. May mataas na lagnat din. Ilang araw na syang ganito? May sugat din sya sa pagitan ng dalawang mata nya? ilang araw na din itong sugat nya? Pang three days na syang nilalagnat doc. Then four times na sya nagsuka. At yong lagnat nya halos di na wawala kahit na pinapaimon na sya ng gamot. At yong sugat na yan doc halos kasabay ng lagnat nya. Ok nurse saan na ang information ng patient? Agad naman inabot ng nurse. Bea Montejo. Tweenty four years old. Ok Sir ipapalaboratory natin ang urine at dugo nya bago tayo magbigay ng reseta para sa gamot nya. At pakibili nalang ito para maikabit na sa kanya para di na sya madehydrate. Inabot ko ang resetang sinulat ng doc. At pinabili na agad kay Karl. Kinuhanan na sya ng dugo para sa test. Pero paano na ang urine nito? Nurse pwede bang isusunod nalang ang urine? Hindi pa nya kayang tumayo para mag CR. Opo Sir pwede naman pero mas maganda kong makaihi na sya para pagbalik ni doc may result na. Pwede naman po sir na samahan nyo po sya magcollect ng urine para di po sya mahirapan. Lalong mahirap Sir pagnaikabit na mamaya ang swero nyan. Napabuntong hininga ako sa narinig. Hindi ko lubos maisip kung papaano gagawin yon? Lalaki at babae sya ne hindi pa kami matagal na magkakilala, tapos tapos ganito ang mangyayari sa amin. Bahala na mamaya. Sege nurse aanrayin ko lang na medyo ok na sya ihahabol ko nalang ang urine nya. Tumalikod na ang nurse at bumalik sa pwesto nya at inaayos ang record ni Bea. Bea? kaya mo na bang tumayo para maka ihi kelangan maitest na agad para maresetahan kana ng gamot. Kung gusto mo samahan na kita sa loob ng CR.? Di ko pa kaya Luke, ayaw ko din na makasama ka sa loob ng CR. Nasaan ba si Jane sya nalang isasama ko sa loob ng banyo. Kinawayan ko si Jane. at nangmakita ako agad naman sya lumapit. Jane ikaw nalang tumulong kay Bea sa loob ng cr. Keilangan na ang ihi nya. Sege Sir pero di ko sya kayang buhatin. Ako na bahala basta maidala sya sa loob. Ate gusto mo na bang umihi? tanong nya kay Bea. Tumango naman ito. Binuhat ko sya ng dahan dahan at dinalada sa loob ng banyo. Jane ito yong lagyan tawagin mo nalang ako sa labas kapag tapos na. Inalalayan ko syang tumayo. Ano kaya mo ba? sabihin mo lang kung di mo kaya para alalayan kita. Lumabas kana Luke dito naman si Jane, kaya na namin to. Sege na po sir ako na bahala kay Ate. Ate okay lang ba na ako na ang mag sasahod para di kana mahirapan pa. Ako na Jane nakakahiya baka mabasa pa ng ihi ko ang kamay mo. Okay lang ate ihi lang naman yan at pareho naman tayong babae eh. Maghuhugas nalang ako ng kamay. Ako nalang Jane kaya ko na. Basta alalayan mo nalang ako nahihilo pa ako eh. Sege po ate. Sir Luke! tapos na pwede kanang pumasok. Pinihit ko ang hawakan ng pinto at pumasok. Binuhat ko ulit si Bea para ibalik sa higaan nya. Nakakita ko na din si Karl na kalatayo sa tapat ng higaan ni Bea na bitbit ang pinamili nito. Tinawag nya na din ang nurse upang magkabit ng swero ni Bea. Nailipat na si Bea sa regural room ng dumating ang result nito. Mr may dengue ang patient kaya mataas ang lagnat nya at may uti din sya. Uunahin na muna natin ang dengue pababa ng pababa ang platelate count., para maiwasan ang pag bleeding ng gums. Saka na ang uti kapag stayble na ang platelate nya. Magrequest na din ako ng blood typing for preparation in case na kailangan ng patient. Yes po doc gawin nyo na kung ako ang nararapat gawin para gumaling sya agad. Okay Mr ipapasabi ko nalang sa nusre kung ano pa ang kailangan ng patient. Wag kayong mag alala ilang araw lang gagaling na yan. Lumalikod na ang doctor at lumabas na ng room. Nagkatingan kaming tatlo. Dungue? san nya nakuha yon. Baka naman nang na trap kayo doon sa kubo ng magdamag. Or baka naman bago pa sya napunta sa water falls my nakakagat na sa kanya. Pero by the way na dyan na yan di naman natin alam kung saan galing. Ang importante nandito na tayo sa hospital. Mabuti nalaman natin kung bakit mataas ang lagnan nya. Sir Luke di pa daw sila ni nanay makakatawid malakas pa din daw ang alon di pa kaya ng bangka. Bukas pa din daw po darating ang malaking barko. Baka daw bukas pa ng gabi makarating dito si nanay. Okay,, wag na kamo sya mag alala nandito na tayo sa hospital. Nakaswero na si Bea magpapalakas nalang sya para gumaling na. Ikaw na muna bahala kay Bea may bibilhin lang kami ni Karl. Opo sir, ako na muna ang magbantay kay ate. Luke, magsabi ka nga ng totoo? hehhe mukhang iba ang pakiramdam ko, na iinlove kana ata Bro! Iba ang pag alalaga mo? at ayaw mong nawawala sa paningin mo itong si Bea. Iba ka magmahal tol! Sira ulo ka Karl may sakit ang tao natural lang na aalgaan ko. Tao ako Karl hindi hayop. natural lang na mag alala ako sa kanya. Natural! ngekngek mo Luke! alam na alam ko ang ganyang kilos. Lalaki din ako tol.. ano naman masama doon binata ka at dalaga naman si Bea. Hindi kapa kasal Luke pwede ka pang manghanap ng nagugustohan mo, Walang magagawa si Tito kung may gusto ka iba. Kung ano ano naiisip mi Karl. Tara bumili nalang tayo ng gamit nila at makakain. Nang makabalik tayo agad baka may kailangan pang ipagawang test. Tumutulong lang ako dahil may sakit sya yon lang yon walang ibang ibig sabihin. Umiling iling nalang na sununod sa si Karl akin. Dami mong sinasabi tara na. Itikom mo yang bibig mo Karl lalo na kung sa harapan nila Jane at Bea baka ano ang sasabihin ng mga iyon. Wow! tol ang defensive mo naman. Hahahaha inlove kana talaga tol... Tara na nga baka ma unsyame pa yang pagtibok ng pusok mo. Namili ako ng damit pang babae damit pangloob at pangbaba, Nakatitig lang itong si Karl sa mga pinamimili ko. Bumili din ako ng para sakin dahil ko alam kung kelan pa ako makakabalik ng Cebu. Maam Bea! kamusta kana? Bakit anong nangyari sayo. Pasensya kana din agad ako nakauwi hindi maganda ang panahon at delikado sa bangka. Kung gusto mo tawagan ko ang mommy po para makapunta sya dito. No! Yaya wag na mag alala lang iyon. Okay na ako hindi naman malala ito bukas makalawa lang pwede na ako makakauwi. Hay! nakung bata.. pinag alala ko ako ng todo. Buti nalang may mga taong mababait at tinulongan kayong maidala dito. Opo Yaya.. hindi na din sila umuuwi. Sinasamahan nila kami dito. Nakakahiya na nga Ya. Ayaw naman nila kami iwan hanggang hindi ka dumadating. Lumabas lang sila at bumili ng makakain. Ah ganoon ba ang babait talaga ng mga tumulong sa inyo. Opo Ya mula pa ng nasa Mamboo kami di nila kami pinabayaan. Yong may ari ba ng Mamboo ang nagdala sayo dito? Oo mabait talaga yang si Karl. Opo Ya at yong si Luke ang pinsan nya. Kaso medyo masungit sya at seryoso ang mukha. Mabait naman at guwapo matangkad din pero mas gwapo sya kesa kay Karl. hehehe. Naku Maam Bea mabait talaga at gwapo ang lahi ni Sir Karl. Luke Hello! Miss Karen babalik na ako mamaya ng Cebu. Naayos mo na bang venue ng party bukas ng gabi? At yong mga bunos ng empleyado na naibigay mo na ba? Opo Sir Luke areglado na po ang lahat. Sege maaga na kayo magsiuwian mamaya para makapaghanda para bukas. Sabihan mo na din si Yaya na uuwi ako. Jane aleng Len di ko na gigising si Bea para magpaalam babalik na ako ng Cebu. Hindi ko alam kung kelam ako makakabalik dito. Binayaran ko na din ang bills dito advance yon tapos tawagan nyo nalang si Karl kung kulang pa at baka may kailangan pa si Bea, wag kayong mahiya tumawag kay Karl. Maraming salamat po Sir Luke pero sana kami nalang ang magbayad ng bills dito nakakahiya naman po sa inyo Sir. Pasensya na din po Sir sa abala ha. Maliit na bagay lang yon wag kayong mag alala hindi ko po kayo sisingilin. Basta gumaling sya ayos na sakin. Sege po Sir Luke maraming salamat at mag ingat po kayo sa beyahe nyo. Puno ng magagandang ibat ibang ilaw. Nagsasaya na ang mga empleyado. Kasama ang kanya kanyang pamilya.. Good evening po Sir Luke. Bati sakin ni Miss Karen. Nakasuot ito santa claus out fit. Bagay na bagay sa kanyang maputing balat, at balingkinitang katawan. Ngumiti ako sa kanya. Nag uumpisa na ang kainan at kasiyahan. Ladys and Gentle mens! good evening every one. Nandito na Si Mr Cambell kaya mag uupisa na tayo sating Christmas party. Nagpapakpakan ang mga tao. Napuno ng ingay ang buong venue. Mag uumisa na tayo sa palaro. kasunod nito ang pagpalitan ng mga regalo At ang panghuli ay ang bigayan ng gift mula Kay Sir Luke. Lalong nag ingay ang mga tao. Halos hindi matapos tapos ang kasiyahan sa gabing iyon. Mag aalas dose na ng madaling araw matapos ang christmas party. Masayang nagsiuwian ang mga empleyado sa kanilang tahanan. Ilang araw na walang pasok dahil sa araw ng pasko. Yaya gusto mo bang mamasyal din tayo? Naku batang ito hindi na uso sakin ang pasyal pasyal. Yaya, minsan lang ito sa isang taon, baka sa sunod na taon hindi na tayo makagala gala. Ikakasal na ako baka pagseselosan ka ng asawa ko? Ikaw! talagang bata ka. ang dami mong alam. Bakit saan ba tayo pupunta. Gusto mo ba magputa tayo sa iba naman Ya? Sege na nga mapilit ka eh. Wala naman pasok sa factory, kaya hindi ka busy. Magdala ka ng ilang damit mo Ya pupunta tayo ng Isla, alam ko magugustohan mo doon. Isla? saan yon Luke? Basta makikita mo yon mamaya. Pagbaba ng eroplano, nakakaway na agad si Karl sa amin ni yaya. Kamust na Yaya? mukhang glooming tayo ah. May ikwekwento ako sayo mamaya Yaya hahahaha.. Sabay tawa nitong Karl. Ayos naman ako. Naku! baka puro kalokohan na naman yan Karl ha. Hindi mo ba kasama si Ken. Hindi po Yaya busy yon sa bagong chicks nya. Di pa nagparamdam sakin eh. Alam mo ba Yaya itong alaga mo... Agad pinutol ni Luke ang sasabihin nya.. Karl! manahimik ka kalokohan lang yang sasabihin mo kay Yaya baka maniwala yan. Babawiin ko ang painting ko pag hindi mo itikom ang bibig mo. Hahaha kita mo na Yaya hindi pa ako nagsisimula nag rereact na sya. Seguro totoo. Pero tol maganda sya, parang ngang model eh. Karl! ano ba! sabing manahimik ka eh. Naku Ya wag kang maniwala dyan. Ikakasal na ako kaya ang lokoloko Karl. baka makarating pa kay dad yan. Naku! walang magagawa si tito kung ayaw mo sa anak ng bestfriend nya. hindi kapa kasal tol kaya malaya ka pang makahanap ng iba. Binata ka at dalaga naman si Bea ano ang masama doon Yaya? di ba wala naman? hahahaha. Aba! Luke kaya mo seguro dinala ako dito para makilala ko ang babaeng iyon ano? Kita mo na Karl maniniwala sayo si Yaya, baka magsumbong yan mayayari pa ako. Sira ulo ka talaga eh. Naku! Ya tinulongan ko lang yon. , hanggang doon lang yon. Maniwala ako sayo Luke, E bakit bumalik ka kaagad huh? Wala lang gusto lang.makita din ni yaya ang lugar na ito. Sus! makita! baka ikaw iba ang gustong makita. hahaha nakauwi na sila kanina. Tumawag si Jane sakin di na nga nag pahatid eh. Si Mang June nalang daw magsundo sa kanila. Hindi na din pinabayaran saki ang balance sa hospital. Hospital? bakit ano nangyri? Paano itong alaga nyo Yaya may katabing natulog sa kubo sa kasalukuyang nag babagyo. Ewan anong ginawa nya kaya nagkasakit ang babae at naospital pa. hahhaha malupit itong alaga nyo first-time lang nagkakagusto sa babae. naospital agad eh. hahaha Karl! tama na! lahat ng painting ko na naka display sa Resto mo babawiin ko. Ang daldal mo subra. Mukhang tumitibok na nga ang puso ng alaga ko hehehehe. Wag kang mag alala Luke hindi kita isusumbong sa dad mo. Taga dito ba yon Karl para makilatis ko na. Taga dito pero hindi ko alam kung saan ang bahay nila. Pero kung gusto mo Yaya makita tatawagan ko nalang si Jane para makapunta sila ng Mamboo. Segurado Yaya pagmakita mo yon bagay na bagay sila ni Luke. Pinalo ko ang likod ng driver seat. Ang daldal mo talaga Karl. Humanda ka lang mamaya ililigpit ko agad mga paintibg ko. Dahil sa madaldal ka mawawalan ng magagandang tanawin ang kabuohan ng Mamboo. HAHAHA hindi mo mababawi un bro.. Wala namang masama sa sinabi ko. Inalalayan ko si Yaya sa pagbaba ng van. Wow! ang ganda nga dito Luke. tanaw sa ibaba ang dagat at maliit na isla. sariwa ang hangin nakakrelax ang lugar na ito. Mas maganda po Yaya kapaga nakapasok ka dyan sa loob may nakatagong paraiso dya. Dyan din sila nagkakilala sa loob din nyan. hahaha dyan nagsimula ang lahat Yaya.hahaha Ikaw! kanina ka pa huh! agad naghabulan ang mag pinsan na parang mga batang paslit. Natatawa nalang si Yaya habang pinapanood kami. Subrang daldal talaga itong si Karl hindi nagpapaawat sa kakachismis kay Yaya. Naku! mga batang ito tama na yan. Nagugutom na ako halinat kumain mna tayo bago mamamasyal. At puntahan natin si Bea para matigil na yang si Luke sa pag tanggi. Nilingon ko si Yaya ang sinimangotan. dahil mukhang naniniwala na sya sa mga sinasabi ni Karl. Ta nginitian pa nya ako habang kumakaway pa ng papalapit sa kanya. Oh! ano bro gusto pala ni Yaya makita eh. teka! teka ka lang tatawagan ko na si Jane. Wala na akong magawa sa mga ito. Pumasoj na lamang ako sa loob ng Mamboo. Hay! naku! Luke hehehehe anong masama doon. natural lang na makakilala ka ng isang babae, binata ka naman ah. Walang masama doon. Yaya naman eh... hindi nga pwede ikakasal na ako. inaantay lang na gumaling si mom mamanhikan na kami. Kaya hindi pwede yon. Madaldal talaga itong sira ulo na to eh. Walang masama kung wala kang nararamdaman pero ang masama kapag umiibig ka sa kanya. Yong ang masama kasi masasaktan ka Luke. Yaya,, ilang araw palang kaming magkakilala kaya imposebleng may gusto na ako sa kanya. tinulongan ko lang ang tao. Okay! yon ang sinabi mo eh. Ayos kana ba? defensive ka masyado eh. Ngayon ka lang nagkaganyan. dati wala ka naman paki alam sa mga babae, kahit na alam mong may gusto pa syo.. Ay! sus, batang ito. Tara na nga kumain na at ipasyal mo ako doon sa paraisong nakatago sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD