"Inumaga ka na raw ng uwi kanina sabi ng ate mo?" tanong ni Papa habang kumakain kami ng umagahan.
Napatingin ako kay ate Clara at tinaasan niya lang ako ng kilay. Kahit kailan talaga sumbungera siya. She's tolerable as an older sister pero talagang kung minsan ay malakas ang tama niya.
"Busy lang sa trabaho pa," pagdadahilan ko. Tinago ko ang pagsisinungalin ko sa pamamagitan ng pagsunod-sunod na pagsubo. Ayaw ko na salubongin ang tingin ni Papa at baka makita niya na hindi ako nagsasabi ng totoo. He worked for the military intelligence kaya hindi malabo na baka mahuli niya na may tinatago ako.
"Ayaw mo ba talagang bumalik sa pagiging pulis?" pagbabakasakali niya. "Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni...."
"Pa, mas gusto ko ang trabaho ko ngayon. Hindi talaga para sa 'kin ang pagiging pulis," singit ko sa sasabihin niya bago pa niya ipaalala sa 'kin ang masakit na nakaraan.
"Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho tutal degree holder ka naman?" sali ni ate Clara sa usapan. "Hindi 'yang bartending na 'yan. Ang dami pa namang bastos sa bar."
Huminga ako ng malalim pero hindi nalang din nagsalita. Mahirap sumagot kay ate Clara, pakiramdam niya kasi ay palagi siyang nasa tama. Masyado siyang bilib sa talino niya palibhasa ay doctor siya.
"May punto ang ate mo, nak. Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho? Magturo ka o 'di kaya mag-apply ka sa mga malaking company. Matalino ka naman," sang-ayon ni Papa.
"Pag-iisipan ko po," walang ganang sagot ko para matapos na ang usapan.
Nakahinga ako ng maluwag nang pumunta na sa trabaho si ate Clara at si Papa naman ay umalis papunta sa handaan ng kaibigan niya. Mag-isa nalang ako sa bahay kaya malaya ako na magpakain na naman sa lungkot.
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari dalawang taon na ang nakakaraan.
"Ang daya mo talaga. Sinabi ko na kasi sa 'yo na unahin mo ang sarili mo. Niligtas mo nga ako sa kamatayan pero iniwan mo naman akong mag-isa," bulong ko sa hangin sa pagbabakasali na makarating kay James ang hinanakit ko.
Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. I am still eaten by guilt. Patuloy sa pagreplay sa utak ko sa kung paano ako binalikan ni James sa loob ng building nang maipit ako sa palitan ng bala ng mga kasamahan namin sa ahensya at nang mga hostage taker. Napakalinaw pa rin ng alaala sa utak ko kung paano niya sinalo ang mga bala na dapat ay para sa 'kin.
"Ang unfair mo," sambit ko nang magsimulang magsilaglagan ang luha ko.
Umiyak lang ulit ako ng umiyak hanggang sa mapagod na ang mga mata ko. Mas hihilingin ko pa na niloko niya ako at sinaktan basta ba ay buhay siya kesa itong panay magagandang bagay ang nagawa niya pero nanatili nalang sa aking alaala.
Nagising ako nang hapon kaya nagmadali akong magligo at magbihis. Nagpapasalamat nga ako kay Avery, she helped me to have a job sa bar ng kuya niya. Mas pinili ko talaga na sa gabi ang trabaho dahil iyon ang mga oras na hindi ako makatulog dahil takot ako na dalawin ng bangungot sa nangyari kay James.
"Ang aga natin ah," bati sa 'kin ni Lester nang pumasok ako sa staff room para ilagay ang gamit ko sa locker.
"Gabi na kaya," biro ko. Ngumiti siya ng abot hanggang tenga. Inaayos niya ang gitara niya, hindi ko alam kung ano rin ba ang pinagdadaanan niya sa kung bakit mas pinili rin niya ang maging singer dito sa bar pero wala naman akong problema sa kanya. He is kind and respectful.
Umupo ako sa bakanteng upuan habang tahimik lang na nakikinig sa pagpractice niya ng kakantahin niya mamaya. His eyes is shut while singing a very sad song. Napatingala ako nang maramdamdaman ko na naman ang bigat sa puso ko.
"Labas na ako," paalam ko sa kanya nang matapos niya ang kanta.
Tumingin siya derekta sa mga mata ko. Parang may kung ano siyang gustong sabihin pero ngumiti lang siya at tumango.
Naglinis ako ng bar counter maging mga baso na gagamitin ng mga iinom habang wala pa halos costumer na pumapasok. I arranged the liqour since hindi naman wednesday ngayon at libre ang mga costumer sa kung ano ang gusto nila.
"Anak ng!"
Muntik ng malaglag ang puso ko sa gulat nang pagharap ko sa bar counter ay nakaupo na si Desmond at seryosong nakatingin sa 'kin. Goodness. Akala ko talaga hindi na kami magkikita ulit since kahapon ko lang naman siyang nakitang naligaw rito.
"Rum," sambit niya na hindi manlang inaalis ang tingin sa 'kin.
I know where did I put the drink pero natataranta ako. I don't know how should I act in front of him. Uso naman na ang one-night stand hindi ba? Nilapag ko sa harap niya ang baso at sinalinan iyon ng rum. Kailangan ko pang hawakan ng isa kong kamay ang palapulsuhan ko para hindi manginig ang kamay ko na nagsasalin ng alak sa baso.
Mabilis niyang ininom ang sinalin ko at muling sumenyas na lagyan ko ulit. It became a cycle, sasalinan ko ang baso niya lalagokin niya ng mabilis at magpapalagay na naman. He is too fast on drinking his drink na hindi na ako nakaalis sa harap niya para umasikaso ng iba pang costumer, naaawa na tuloy ako sa isa pa naming bartender dahil hindi siya magkandaugaga sa pag-mix ng inumin ng iba pang costumer.
"Bakit naman umalis ka kaagad kanina without even waking me up?" tanong niya. His voice is too deep and his stare is dark, masasabi kong lasing na lasing na talaga siya. Sinusuportahan nalang ng kamay niya ang baba para hindi bumagsak ang ulo niya sa bar counter.
"I don't see a reason para magpaalam it's a one time thing," mahinang sagot ko sa takot na baka may makarinig sa usapan naming dalawa. I don't want other people to think na pwede akong matake-out.
"Uhuh, one time thing?" Ngumisi siya na parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. ''What if I'm going to tell you na gusto ko ng isa pa?"
Inangat niya ang baso na may lamang alak pero sa halip na inumin iyon ay inamoy niya lang tsaka muling binalik sa ibabaw ng counter. "You taste better than all of this alcoholic s**t. So ano Miss Clezl? Payag ka ba? Let's do it again. Help me forget and I'll also help you forget whatever s**t is bothering you."
I am taken a back kahit wala naman akong naikwento sa kanya o kahit anong napag-usapan manlang tungkol sa sarili ko ay pakiramdam ko sa binitawan niyang mga salita ay kilalang kilala niya ako at may alam siya sa bigat na dinadala ko. "I..I'm sorry, maghanap ka nalang ng iba," sabi ko sabay lapag ng bote ng rum sa harap niya at tumalikod tsaka nagmadaling pumasok sa staff room.
Dama ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. I don't want people to know what I've been through, ayaw ko na makita nila na hirap na hirap akong bitbitin ang konsensya ko. I can't let anyone see through me. Napasandal ako sa pader, hawak ko pa din ang puso ko. Napatingala ako habang nakapikit. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko noong nakaraang gabi. I should have stayed in the dark, sana hindi na ako sumubok pa.
Sa mga sumunod pa na gabi na nasa bar ako ay hindi na nga pinatahimik ni Desmond ang buhay ko. Kahit na sabihing wala na siyang sinasabi at tahimik nalang na umiinom pero may takot pa rin sa loob ko lalo na at umaalis din siya sa tuwing matatapos ang shift ko.
Nagtatalo ang puso't isip ko nang matapos na naman ang trabaho ko ay nakita ko siyang naghihintay sa parking area sa tabi ng kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko na hindi manlang siya tinapunan ng tingin. Napatigil ako sa pagsara ng pinto nang iharang niya ang kamay niya.
"Please take off your hand," pakiusap ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig nang itulak niya ako papunta sa shotgun seat at tsaka siya umupo sa driver's seat.
Sinara niya ang pinto. Nakahawak ang isa niyang kamay sa manubela at ang isa ay sa backrest ng upuan ko. "Help me," simula niya. "Pakiramdam ko pwede tayong magtulungan to forget the problem that we have. I promise I will not ask kung ano ba ang nagtulak sa 'yo to have s*x with me that night knowing na it was your first time. Kung ano man 'yon you can keep it to yourself but again I am here asking you if we can be..."
"f**k buddies," I finished his sentence.
"f**k buddies," he repeated.
Matagal kaming nagkatitigan. Ilang beses kong piniga ang sarili na humindi sa kanya at itulak siya palabas pero malakas ang sigaw sa isip ko na may punto siya. That night when we are having s*x hindi sumagi sa isip ko na kasalanan ko sa kung bakit namatay ang dalawang pinakamahalaga sa buhay ko. I did forget kahit sandali lang. "Okay," I give in again.
Matapos ang masinsinan na usapan sa kung paano ang set-up naming dalawa ay nauwi na naman kami sa condo niya hanggang sa naging routine na ang lahat sa amin. He will go to the bar and drown himself in alcohol while waiting na matapos ang trabaho ko. I'll convoy him hanggang sa marating namin ang condo niya at pagsaluhan ang mainit na sandali.
"You're getting good at this," puri niya sa 'kin matapos na naman kaming magniig. Para na iyong natural sa kanya, everytime he finishes he will compliment me at ako naman ay aalis kapag nakatulog na siya.
But tonight is different, hindi ko magawang bumangon at magbihis para makauwi. I just stare at his pale face, pinasadahan ko ng darili ko ang ilalim ng kanyang mata. He has dark circles pero hindi iyon kabawasan sa angkin niyang kagandahang lalaki.
Pinilig ko ang ulo ko at iniwas ang tingin bago pa man makarating sa kung saan ang iniisip ko. He is just my escape from my nightmares, nothing more. I sigh and reach for my clothes para makapagbihis na at makaalis.