"Can you prescribe me with the most effective contraceptive?"
Naalis ang tingin ni Ate Clara sa binabasa niya nang sumulpot ako sa kwarto niya at walang paligoy-ligoy na nagtanong. Matagal niya akong tinignan bago napataas ang kilay niya.
"Para sa 'yo?"
"Oo." Hindi ko na sinubukang mag-deny pa. Matanda na ako, wala namang problema doon basta hindi lang nila malaman ni Papa kung anong sitwasyon ang pinapasok ko.
"Kailan ka pa naging sexually active? May boyfriend ka?"
"Bigyan mo nalang ako ng prescription."
Hindi kami ganoon ka-close ni Ate pero alam ko na may concern din naman siya sa akin kahit na minsan masyado siyang pakialamera. Maybe that's how older sisters are. Kahit na pwede naman akong pumunta sa ibang doctor mas pinili ko na sa kanya nalang magtanong, I know how she seriously take her profession.
Napabuga siya ng hangin sabay bangon mula sa higaan. May kinuha siya sa drawer at nagsulat ng kung ano. Inabot niya 'yon sa akin.
"Thank you."
Tumalikod na ako para lumabas nang tawagin niya ang pangalan ko. Muli akong lumingon sa kanya. Her face is serious than usual. "Tell him to wear condom. It's also a protection to sexually transmitted disease."
Tumango lang ako.
"And Clez.." alanganin siyang nagsalita ulit. "Open your heart again. You deserve it."
Bumalik siya sa higaan at muling nagbasa. Napakagat ako sa labi ko bago lumabas na. I know I am making Ate Clara and Papa worry about me, panahon na rin siguro talaga na subukan ko namang hindi magpakain sa lungkot.
"What the are all of these?" hindi makapaniwalang tanong ni Desmond nang ibigay ko sa kanya ang paper bag na may lamang 100 boxes ng condom.
"Protection para hindi dumating sa punto na ayaw natin na mangyari," paliwanag ko.
Ang pagtataka sa mukha niya ay napalitan ng pakamangha. "Akala ko pa naman binebentahan mo ako." Natawa pa siya ng bahagya. He put the condom aside before tapping his lap gesturing me to sit there.
Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. My heart flatters sa mga ganitong small sweet gesture niya, as much as possible I don't want to develop a feeling for him.
"Hindi 'yan libre. You have to pay me back. Ako ang bibili ng contraceptives ko and ikaw rin bibili ng condom mo."
"Oh okay. I'll pay you later." He tap his lap again. "Halika. Sit on my lap."
Inabot niya ang kamay ko tsaka hinila palapit sa kanya. I just move away my hand and took a step backward. "Ngayon na baka makalimutan mo pa."
Natawa siya ng bahagya. Kahit sa kinauupuan ko amoy na amoy ko ang alak na galing sa hininga niya. He's not drinking his soul away like before pero palagi pa rin siyang umiinom. I don't know what's his problem pero paniguradong mabigat din iyon.
"Okay, wait here."
Tumayo siya at pumasok sa kwarto. Pagbalik niya ay may hawak na siyang card. Nilahad niya iyon sa harap ko. "That's my platinum card, hindi ko makita ang centurion card ko baka naiwan ko sa Laguna. I'll give it to you kapag nakauwi ako doon. But you don't have to worry, wala rin namang spending limit 'yan."
"I don't need this. Cash nalang."
He tsked. "Take it. Buy whatever you want. I want to spoil you."
I bit the back of my cheeks to stop myself from smiling. I admit it, Desmond is one fine man. Sino ba ang hindi kikiligin sa mga pinagsasabi niya?
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka binuksan para ilagay ang card. Umupo na ulit siya sa sofa. He rest his arms on the back rest of the sofa, nakabuka rin ang legs niya. He's like a God ready to be worship. "So, nasaan na ba tayo?"
Nilapag ko ang card sa side table tsaka ako umupo sa isang binti niya. He supports my back with his hand. Inangkla ko ang mga braso sa leeg niya bago ko bigyan ng maliliit na halik ang baba niya.
"You smell different tonight," puna niya.
"Nagpalit ako ng perfume."
Hinawakan niya ang leeg ko tsaka niya siniksik ang mukha doon. Inamoy niya ako na tila balak niyang ubosin ang amoy ko. He lick my neck before lightly biting it. "Smells different but taste the same."
Nawala na ako ng tuloyan sa sarili nang sakupin niya ang mga labi ko. I was again too drown that I forget when and how did we end up inside his room.
Sobrang pagod ako sa shift ko kanina dahil sa maraming costumer. Hindi ko namalayang nakatulog ako at inumaga. Nang mapatingin ako sa tabi ko ay kinabahan ako. This is the first time na naunang magising sa akin si Desmond. Napatingin ako sa orasan at nasapo ko ang noo ko.
10 am. Papatayin ako ni Papa. Siguradong nag-aalala na 'yon sa akin.
"You're awake," sabi niya nang makita niya akong lumabas mula sa kwarto.
He doesn't have a shirt on, tanging boxer shorts lang ang suot niya. Sa balikat niya nakasabit ang towel. His hair are wet. Kakatapos niya lang siguro na maligo.
"Uuwi na ako."
Handa na akong lumabas ng hawakan niya ang siko ko. Nang tignan ko siya ay nakamot siya sa ulo niya. "Wala akong pagkain dito. But atleast let me take you for lunch. Walang malisya. Nagugutom na rin kasi ako."
Para akong matatawa. Why is he so defensive? Tsaka kumakain pala siya? Akala ko pa naman alak lang pumapasok sa sikmura niya.
"Papagalitan ako ni Papa. Hindi ako nakauwi kanina."
"Papagalitan ka naman na sulitin mo na."
Ang usapan naming dalawa kain lang pero naloko na naman ako sa mga paawa at ngiti niya. Sinamahan ko siyang magrocery na panay alak lang naman ang binili niya at kung anong ready to heat na pagkain.
"Vulcano?" kunot noong sambit ko sa last name niya nang makita ko ang ID niya sabay sa pagkuha niya ng card niya.
"Yes, kaya nga malakas ako magpasabog," he playfully answers and wink at me bago niya ibigay ang card sa cashier.
"May-ari ka ng mall na 'to?" I mean it is safe to assume naman siguro since ang unique ng last name niya. Ilan lang ba sila sa buong Pilipinas o baka buong mundo pa nga.
Inakbayan niya ako. He lower his head to me. "I'm not the owner. My parents are. Palamunin lang ako."
Na-curious naman ako sa kanya. Hindi naman kasi kami nag-uusap ng mga ganito kaseryoso na usapin.
"What's your work?" I asked out of curiosity.
Kinuha na niya ang card niya tsaka siya sumenyas sa isang staff na kunin ang groceries niya. He instructed the bagger kung saan dadalhin ang pinamili niya. Hinila na niya ako palabas ng grocery store.
"Anong trabaho mo ngayon?" tanong ko ulit dahil hindi siya nakasagot.
Bahagya siyang tumingin sa akin. "Wala. Tambay."
Privilege. Mga mayaman nga talaga oh. "Pero graduate ka?" Tumango siya. "What course?"
"Technology Engineer. I graduated sa California, doon ko rin tinapos Phd ko. I worked before sa development department ng telecommunications network ng family ng mommy ko. Was promoted as COO 2 years ago pero nagresign na ako," kwento niya like it's all nothing.
"Bakit ka nagresign?"
Sa tingin ko naman hindi siya tamad. He achieved too much the past years, ang hirap naman bitawan ng mga 'yon ng ganoon lang kung tinamad lang siya. Anak naman siya ng may-ari, he can have a vacation leave kahit ilang buwan pa 'yan.
"Burn out." It sounded like a lie pero hindi na ako nagtanong. We're not that close para mamilit ako na magkwento siya.
"How about you, Clezl? You've been always working sa old fashioned pub na 'yon?"
Umiling ako. I am not comfortable talking about my private life pero hindi naman siguro masama? Nagkwento rin naman siya.
"I was a police woman. Naka-assign ako sa rescue squad. You know, those personnel who negotiate sa mga hostage taking."
"Wow. Sounded fun."
Ngumiti lang ako ng tipid. Mahal ko naman talaga ang trabaho ko, I feel like it was my purpose. Pero dahil sa mga nangyari, after I lost James naging bangungot na ang trabaho ko.
Napapikit ako ng mariin nang maalala ko ang mga nangyari sa gabing iyon. Pinagpapawisan ako ng malala. I was firmly holding my pistol gun in my hand. I was face to face with one of the suspects.
Isang hostage taking ang nangyayari, a kidnap for ransom. Anak ng mayamang negosyante ang kinidnap. He's a big man pero dahil sa maraming kumidnap sa kanya hindi ito nakapanlaban.
"Isang hakbang mo pa. Pasasabogin ko ang bungo nito," banta ng hostage taker sa akin.
"Sumuko ka na," I calmly told him.
Napaatras ako ng bahagya nang mas lalo niyang itutok sa sintido ng walang malay na kinidnap niya ang baril. Madilim kung saan kami pero naaninag ko na nakapiring at nakatali sa silya ang biktima.
"Ano ba ang kailangan mo?"
Natawa ng bahagya ang kidnaper. Bakit ba hindi sila marunong mamuhay ng patas?
Dinukot niya sa bag niya ang grenada. Nanlaki ang mga mata ko nang hugotin niya ang pin mula roon. Gamit ang isang kamay ay kinuha niya mula sa lapag ang bag na may lamang ransom money.
Napamura ako. Nasaan na ba kasi ang mga kasamahan ko?
Napapaatras papunta sa pinto ang suspect. Nang makalabas siya ay hinayaan ko nalang at inuna ang biktima. Bahala na ang ibang kasamahan ko sa kanya.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng biktima. Nang kalasin ko ang piring niya ay pinigilan niya ang kamay ko.
"Police ako," pagpapakilala ko sa kanya. "Tutulongan kita."
"Bomb..."
May binulong siya pero hindi ko narinig. Akmang kakalasin ko ulit ang piring niya nang itulak niya ako palayo. "Run.." bulong niya ulit.
"Ano..."
"Clez?"
Napailingon ako nang marinig ko ang boses ni James; my fiance. At ikakasal na kami sa susunod na linggo. Last mission naming dalawa ito na hindi pa kami kasal.
"Nandito ako!" sigaw ko mula sa kwarto.
Wala pang isang segundo ay pumasok siya sa madilim na silid. Medyo napapikit ako sa pagkakasilaw mula sa flashlight niya. Lumapit siya sa akin. Tinulongan niya akong itayo ang biktima pero nagmatigas ito.
"Kailangan na nating lumabas rito, Sir," pagpapaintindi ni James sa kanya.
"N.. no," nanghihina na sambit ng biktima.
"Sir..."
"There's a bomb on my seat."
Matapos niyang sabihin iyon ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa labas. Napamura si James. Gusto kong mataranta pero hindi ito ang tamang oras.
"Kailangan mong mauna."
"Ayoko, hindi kita iiwan dito."
Hinawakan ni James ang mukha ko sa gitna ng dilim. "Kailangan mong tumawag ng bomb squad. Naglagay sila ng jamming device, hindi gumagana communication natin dito."
Kahit ayaw ko ay kinailangan kong maunang lumabas. Nagkakapalitan na ng putok pero nagawa kong makalabas. Pagkatapos kong matawag ang bomb squad ay bumalik ako.
I couldn't get through pabalik sa silid kung nasaan sina James. Naipit ako sa palitan ng bala. The whole place is at war.
Nabuhayan ako nang makahanap ng signal ang receiver at narinig ko na nakalabas ng ligtas si James at ang hostage. Sandali lang ang saya sa loob ko nang bigla akong matamaan ng bala sa braso.
Natumba ako sa lapag, hinugot ko ang buong lakas ko para makabangon. Wala pa man ding isang segundo ay kitang kita ko kung paano ako paputokan ng baril ng isa sa mga suspect. Akala ko katapusan ko na, akala ko ay tatamaan ako derekta sa ulo pero mas nanlumo lang ako nang mula sa gilid ko ay sinalo ni James ang bala.
"James!" sigaw ko sa hinagpis.
Sa bigat niya at tama ko sa braso ay natumba kami sa lapag. Napuno ng dugo ang kamay ko mula sa pagtakip sa dibdib niya na tinamaan ng bala. I was crying and calling for help.
"I l...love y..you."
That was the last thing he told me before he past out and never again gain consciousness.