ConSol 13

1120 Words
I lean my head on the wooden table. Umikot na ang paningin ko. I went home to my rest house sa Laguna dahil sa confrontation namin ni Clezl kanina. She put my mind in turmoil. I thought it's clear for the both of us what should be the limit of our relationship. "Señorito Desmond, handa na po ang hapunan. Dadalhan ba kita rito?" Napalingon ako kay Pepita. She's my helper, sila ng asawa niya ang namamahala sa rest house ko. "Pepita, halika. Upo ka nga saglit." Tinapik ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi siya nag-alangan sa pag-upo. She's comfortable of me, siya na ang nagpalaki sa akin. She's like my second mother. Kaya nga panay sunod na siya sa akin para alagaan ako. "Señorito may problema ka ba?" Nginitian ko siya. "Pepita, may babae kasing nagsabi na gusto niya ako. Anong gagawin ko?" "Gusto mo rin ba?" Napaisip ako sa sinabi niya. Do I also like Clezl? She pulled me away from my dark, boring life after Jewel. But that's because she gave me the need of my body. We are two consenting adult. We should be mature about everything. "Importante pa ba 'yon?" tanong ko kesa sagutin siya. Iinom pa sana ako pero sinimulan na niyang ligpitin ang alak at baso ko. "Oo naman, napaka-importante. Kasi kahit gusto ka ng babae kung wala ka namang gusto anong problema doon? Wala. Pero kung gusto ka niya tapos gusto mo rin siya, ang tanong diyan ngayon eh kung may gusto ka bang gawin?" litanya niya na wala sa akin ang tingin. "Pepita, how did you know Makoy is the one?" I mean her first boyfriend abandoned her for someone else, I just want to know kung ano ba ang nakita niya kay Makoy para masabing she can love again. "Ewan ko. Basta nalang nagising ako na ayaw ko na palang wala siya sa buhay ko. Kahit mahirap ang buhay, kahit kami lang dalawa at walang anak, masaya naman kami," nakangiti pa siya sa pagsasalita. I assess myself. Do I feel that way with Clezl? Really don't. I'm confuse. All my life I only know how to love one woman, and that's Jewel. I was so happy with her. I feel complete. I couldn't live a day without her. But she's somewhere far from me now. She was my highschool sweetheart, there is no woman before and after her. "Am I a bad person kapag hiningi ko sa isang tao na manatili siya sa buhay ko kahit hindi ko kayang ibalik ang feelings niya? I mean I'm happy with her, but I just long for company. Malinaw naman 'yon mula umpisa. But she complicate things." Huminga siya ng malalim. "Tao lang naman siya Señorito, may pakiramdam din naman. Pwede mong hingin sa kanya na manatili siya sa tabi mo pero syempre desisyon na niya kung susundin ka niya. Kasi nga sa hula ko wala namang kayo 'di ba?" Natauhan ako. Clezl called me selfish. She was so right. I was always thinking about myself, how I feel and everything. But she made herself available to me. It was her choice and now she choose to be away from me. I can't do anything aside from respecting her decision. Tama nga siguro siya, we should stop what we're doing. Seb went to my office the day after tomorrow. He was so intense na para siyang natataranta. "What's going on, dude? Umupo ka nga muna. Ulo ko sumasakit sa ginagawa mo eh." Inabutan ko siya ng tubig pero naghalungkat siya sa desk ko ng alak. He drink directly from the bottle. "I'm getting worried. Should I call Sam?" Tinaas niya ang kamay para pigilan ako. He still sucking the bottle like it's just water he is drinking. "Don't disturb Sam," sa wakas ay bigkas niya matapos kalahatiin ang alak sa bote. He harshly sit down on the chair across my desk. Napatingala siya. "Whatever troubling you seems serious." I am not the type of friend he should call if he wants to talk about serious things. I couldn't even fix myself. "I can call Reynald kung ayaw mo kay Sam." "No need. They're busy tsaka ikaw pinakamalapit kaya napapunta lang ako bigla." "So, may problema ka nga?" He take a shot again. Binagsak niya ang bote sa mesa ko. "Nababaliw na yata ako." I sneered. "Ngayon mo lang na-realize?" His woman left him. He's been hoping she'll be back and everything will turn out fine. That's f*****g insane right there. "Tungkol na naman sa babae mo." "Nanaginip ako kagabi..." He started talking. Gusto kong matawa. "May anak daw kami. f**k, dude. Imagination ko ngayon nagiging wild." Umatras ang tawa ko sa sinabi niya. Something came up inside my mind. "Dude seriously. Bago lahat ng nangyari I was so sure na nabuntis ko siya. She's showing some signs pero tangina she did 5 pregnancy test, no positive came out..." He keeps on blabbering pero lumipad na ang utak ko sa ibang lugar. "May tama na yata ako sa utak. Mababaliw na ako. I tried shrugging it off pero hindi ko magawang hindi isipin. f**k, I really miss her. Tangina! Kung alam ko lang tatakbuhan niya ako sana binuntis ko na kaagad." Napunta ang tingin niya sa akin. "Okay ka lang?" Napakurap ako ng ilang beses. Am I okay? Para akong nakalutang sa alapaap. "Dude!" Sebastian called for me pero nagulo na ang utak ko. Mabilis kong dinampot ang susi ko at naglakad palabas ng opisina. He run after me pero wala na talaga sa tamang hulog ang isip ko. I did something terrible. Unforgivable act. I curse myself as I drive to Clezl's house. Nanalangin ako na sana nandoon siya. I need to talk to her about something very important. I don't want to end up crazy like Sebastian. Tawag ng tawag si Seb sa akin habang sa byahe pero magulo pa ang isip ko. I need to clear things out bago ako matahimik. Dumaan ako sa pharmacy at bumili ng mga kailangan ko. I'm going crazy. My head hurts like it's bleeding. "f**k. She'll gonna kill me," sambit ko sa sarili ko nang makita ko na ang gate ng bahay nina Clezl. Nag-alangan pa ako kung tutuloy ako pero nanaig na sa akin na alamin ang katotohanan. I knock... More like banging their steel gate. Hindi ko na inisip na baka daddy niya o ate ang magbubukas ng pinto. I keep on banging the steel gate hanggang sa may bumukas niyon. From her looking bored her expression turned into fury. She's about to speak nang unahan ko na siya. "I know you told me already na ayaw mo akong makita na but I need to talk to you about something very important."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD