Clezl
I am getting ready for work nang marinig ko ang malakas na kalampag mula sa gate. Sa pag-aakalang si Papa 'yon na nakalimutan na naman ang susi niya ay nagmadali akong buksan siya.
Automatic akong nabwisit nang sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Desmond. He's really testing my patience lalo nang sabihin niyang may importante siyang concern.
"Ano na naman bang ginagawa mo rito? I told you, I don't want to see you ever again."
He didn't move a bit. Taas baba ang adam's apple niya na tila nag-aalangan siya kung sasabihin na ba niya ang sinadya o hindi na.
He's really hard to read. Lalong naghirap na hindi ko makita ang mga mata niya mula sa dark sunglasses niya.
"Umalis ka na, Desmond," pagtataboy ko sa kanya.
Walang kami, pagod na akong maging s*x toy. Bakit ayaw niya akong tigilan?
Humakbang siya papalapit sa 'kin. Inangat ang paper bag na ngayon ko lang napansin na hawak niya tsaka nilahad sa harap ko.
Napakunot ang noo ko. Is he giving me a bribe? A peace offering? Wala ba siyang mahanap na ibang f**k buddy?
"Aanhin ko 'yan?"
Tinanggal niya ang sunglasses na suot. Lumaki lalo eyebags niya, but I wouldn't deny that after few days na hindi kami nagkita his effect to me didn't even change a bit.
He still has his ways of sending shiver to my spine. Animals still went into riot everytime our gaze meet.
"If you want to end what we had atleast give me peace of mind," ani niya sa wakas. Humugot siya ng malalim na paghinga. "I need to know if I got you pregnant."
Shock is understatement. Tanga ba siya? Lasing? Baka nag-aadik na rin.
"What made you think I can be pregnant? We used protection," pagpapaalala ko at baka wala na naman siya sa sarili.
We never had s*x without condom on and I'm on pills. Kasi syempre, he can't even fix himself, bibigyan ko pa ba siya ng responsibilidad?
"Desmond," tawag ko sa pangalan niya nang hindi siya umimik.
Tinignan niya ako sa mata at mabilis na umiwas. It's his guilty look. I already master reading those emotions in him.
"Desmond, bakit mo naiisip na baka buntis ako?" iritable kong ulit ng tanong.
I am scared to death. I know there is something with all of this stunt. Gusto kong isipin na nahihibang na siya but his guilty look bothers me.
"I don't really wear the condom on, Clez. Pinapakita ko lang na binubuksan ko but I don't really wear them on."
What? Okay, sige. Kaya kong patawarin 'yon. Maybe he likes it without coat.
"Umalis ka na kung dahil lang naman diyan. I'm on pills kaya malabo."
"Umm speaking of that..." He scratched his nape. He exaggeratedly swallowed. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. "I changed your birth control pills into food supplement."
Nanlaki ang mata ko. Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko mula sa dibdib ko. We do it almost everyday, every time we had a chance. He put his seed inside me and I am unprotected.
"G..gago ka ba? Sira na ba ang utak mo?!" singhal ko sa kanya tsaka hinablot ang paper bag mula sa kamay niya at tumakbo papasok sa bahay.
Kamuntik pa akong madulas nang pumasok ako sa banyo sa may kusina. Mabilis kong hinubad ang pantalon ko at kahit wala akong mailabas na ihi ay pinilit ko.
I put the pregnancy test on a flat sink tsaka ako umupo sa toilet bowl. I'm counting inside my head waiting for the final verdict.
Ilang daang beses ko na ring pinagmumura si Desmond sa utak ko. Kasalanan niya 'to. Para saan pa na binili ko lahat ng 'yon kung hindi naman niya gagamitin at papalitan lang din.
Nang matapos ang ilang minuto ay tumayo ako para silipit ang mga pregnancy test. Nanuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko tumatayo ang lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa kaba.
"s**t," sambit ko nang luminaw ang mga guhit.
Napapikit ako at dinampot ang 'yon tsaka lumabas.
Nakaupo na si Desmond sa upuan sa may kusina, nakayuko siya at halatang nag-iintay sa resulta. I hand him the test result and also seated sa free chair sa tabi niya.
I heard him gasp. Walang may nagsalita sa amin. Ang kaninang tahimik na bahay ay tila mas naging tahimik pa.
"So," salita niya makalipas ang ilan pang minuto. Humigpit ang hawak niya sa pregnancy test. Napatingin ako sa kanya nang bumaling din siya. "What now?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasalanan mo 'to. Gago ka. Sinadya mo!" sisi ko sa kanya.
Ano ba kasi ang problema niya? He got me pregnant for god sake. He did all of those in purpose; not wearing the condom, changing my birth control pills. He knows we will end up with this situation.
"You can sue me," suhestiyon niya.
Napapikit ako. Calm down self, kaya mo 'yan. May solusyon 'to lahat. Makakapag-isip ka ng mabuti. I motivated myself pero gusto ko talagang sumabog.
"Ano ako baliw? Tatakasan mo lang ako eh. Panagutan mo 'tong bata Desmond kundi papatayin kita," pagbabanta ko. I will seriously do it. Gigilitan ko siya ng leeg since useless naman na siya.
"Are we getting married?"
Ha? Hindi ko alam dito kay Desmond kung inosente ba siya o hindi lang talaga gumagana ng maayos utak niya. Gusto ko na talagang magmura ng magmura pero pigil na pigil ako.
Hindi ko sigurado kung galit ba ako, o kung ano. I couldn't feel my heart. Ang hirap mag-isip ng matino kaya ayaw ko na magsabi ng kung ano-ano at baka hindi pa maganda ang kalalabasan.
"Sabi ko panagutan mo 'yong bata hindi ko sinabing panagutan mo ako."
"But I got you pregnant. I tricked you. The monster inside you might destroy your body, you'll be a fat woman in no time."
Gago talaga! Hinampas ko siya sa ulo. "Monster talaga? Sana hindi mo ginawa para wala 'to." Parang nasaktan naman ako. Tinawag na monster ang anak naming dalawa? Ganoon ako ka walang halaga sa kanya?
Then why the f**k he impregnate me?! It isn't an honest mistake. Sinadya niya!
"Yeah, monster. He'll be the villain of my life, he'll take you away from me."
Ano? "Sinasabi mo?" tanong ko. Masyado kasing mahina ang pagkakasabi niya, nakayuko pa. Paano ko naman maintindihan ang ganoon?
"Wala. So, ano na nga will you marry me?" kaswal niyang tanong.
"Gago ka talaga no? No in a million years. Umalis ka na Desmond baka masakal kita," pagtaboy ko sa kanya.
Kapag pinakasalan ko siya dahil lang nabuntis niya ako para lang akong kumuha ng bato at pinukpok sa ulo ko. He is unstable, always drunk and couldn't commit.
"Final answer?" pangungulit niya.
"Ayaw ko na sa 'yo Desmond. I will not marry you, final answer. But you have to support the child."
He rolled his eyes. Ang kapal ng pagmumukha. I liked him pero ngayon namumuo ang inis ko para sa kanya.
"I know my responsibility, Clez."
Alam niya pero ang tanong papanindigan ba? It's early to tell.
"Okay, sabi mo eh," wika ko at tinulak na siya patayo para paalisin.
"You sure you don't want to marry me?" Sigaw niya nang nasa gate na siya pero hindi ko pinansin sa halip ay sinara ko ang pinto ng bahay at pumanhik sa taas.
I need help. I need sensible advice.