S2: Chapter Eleven

1058 Words

Gising na ang diwa ko ngunit parang pagod na pagod pa rin ako. Sobrang natatandaan ko pa ang lahat ng nangyari. Natatandaan ko pa kung paano ako pinaligaya ni Belle kahit na hindi ako umabot sa inaasahan ko. Hindi ko alam na ganoon siya kapusok at... kagaling magpaligaya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakapikit ang aking mga mata. Kung panaginip man ang lahat ng nangyari kanina, sana lang ay hindi na ako magising. "Gising ka na ba?" Napakagat ko ang ibabang labi nang narinig ang boses niya. Hinay-hinay kong idinilat ang mga mata at ang maamong mukha ni Belle ang nabungaran ko. Kung ganito parati ang makikita ko araw-araw tueing gigising ako, gusto ko na tuloy siyang iuwi sa bahay. Humugot ako ng hininga habang inuunan ko ang isang braso para makatitigan siya lalo. Mas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD