BELLE Hinilamusan ko ang mukha at saka hinarap ito sa salamin. Tumutulo pa ang iilang butil ng tubig sa aking pisngi at noo. Hindi ko mapigilang pagkatitigan ito at saka marahang umiling. "Why am I doing this?" tanong ko sa sarili dahil sa totoo lang, hindi ko na rin alam bakit ko ginagawa ito. I was so lost. Lahat ng mga pinakita at sinabi ko kay Jonathan ay walang katotohanan. Hindi totoong may asawa akong namatay, hindi totoo ang pinaramdam ko sa kanya kanina at tanging pambura lang iyon sa lahat ng mga pagduda niya laban sa akin. Ayaw kong gamitin si Nathan sa lahat ng gusto ni Joseph ngunit wala akong magagawa. Kailangan kong gawin ito para mabayaran ko ang malaking utang kay Joseph. Kumuha ako ng tissure para tuyuin ang aking mukha at saka lumabas ng banyo. Nakahiga pa sa co

