Gust kong buksan ang topiko patungkol sa totoong address ni Belle at kung bakit hindi siya kilala ng taga roon. Ang mas malala pa ay nakikita pa siya ng isa sa mga ito na sumakay sa ibang sasakyan nang nakababa sa aking kotse. Saan siya pupunta? "Dito na lang tayo maghapunan, Jonathan. Sakto nagluto ako." Sandali ko siyang tinitigan at marahang tumango. Naging maayos ang pakikitungo ni Belle kaysa ngayon. Hindi na rin masiyadong malamig. I know she also felt the awkwardness and so she cleared her throat and sat next to me. "A-alam kong nagdududa ka patungkol sa akin." Napatingin ako sa kanya at hindi nakaimik. Maisyado bang halata sa akin? Hinilot ko ulo at saka nagkibit-balikat. "Belle, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ka ng taga roon. You lived there, right?" "Hind

