"Surprise?" "Ano 'to?" Inabot ko kay Belle ang susi at saka marahan siyang itinulak papasok ng bahay. Binili ko ang bahay na gusto niya at ipinangalan sa kanya. Binili ko ito para makabawi sa pagpapaiyak ko sa kanya. Kahapon ay 'di kami nagkita para mabili ko lang ito at ipaayos sa agent ang lahat ng papeles. Katangahan man sabihin pero gusto ko lang makabili ng isang bahay para sa kanya. Medyo magulo at sa palagay ko ay delikado rin ang lugar kung saan siya nakatira. Wala rin akong hinihinging kapalit sa lahat ng mga ibinigay ko. Kung ayaw man ni Belle ng relasyon sa ngayon ay rerespetuhin ko ito. "N-Nathan? Para s-sa akin talaga ito?" hindi pa makapaniwalang tanong niya nang iabot ko ang susi ng bahay sa kanya. Inilinga ko ang mga mata sa paligid at tumango. "Yes. Sa iyo

