Gusto ko siya. Masaya akong nakikita siya ngunit... bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay ibang Belle ang nasa harapan ko at hindi siya... ang totoo kong mahal? God, Nathan! Nandito na nga, itataboy mo pa? "Hoy!" Kita kong iwinasiwas ni Belle ang isang kamay sa aking harapan kaya nagulat ako at naalalang magkasama pala kami. Ganito na lang ang nararamdaman ko parati. Napapaisip nang malalim kung tama ba ang lahat ng ito, lalong-lalo na kung may hinihingi si Belle sa akin. Hindi naman ako madamot. Medyo pakiramdam ko lang talaga at namimihasa ang isang 'to lalong-lalo na't alam niya na gustong-gusto ko siya. "Uhm... s-sorry..." "Natutulala ka na lang diyan, ah!" natatawa pa niyang sabi habang nagbubuklat ng brochure sa mga modelo ng bahay sa isang caravan dito

