Nadadalas na ang pagpunta ko sa club gabi-gabi kasama si Belle. Lingid ito sa kaalaman ng mga kapatid ko lalong-lalo na kay Marco dahil mukhang kill joy pa naman iyon. Nagsisimula pa lang kasi kaming magkakilala ni Belle kaya mamaya ko na lang sa kanila ipapaalam kung magiging okay na ang lahat. Patutunayan ko kay Marco na totoo ang lahat ng panaginip ko. Patutunayan ko sa kanya na totoo ang true love. Ngunit kahit papaano, napapaisip ako, talagang pang-club lang ba ang relasyon namin kung sakali? Hindi ba kami puwedeng mag-date kung umaga? "Date? Date ba ang sinabi mo?" ulit ni Belle sa sinabi ko nang yayain ko siya. Napakurap ako dahil baka may mali akong sinabi o masiyado lang akong mabilis sa pag-anyaya sa kanya? Paaabutin ko siguro ng linggo itong pagkikita namin bago kami mag

