"B-Belle..." Inulit ko pang tawagin ang pangalan niya ngunit hindi na siya nakagalaw at tila ba isa akong multo sa kanyang paningin. Namilog ang kanyang maliliit na mga mata at saka hinay-hinay na umatras. May dala pa siyang tali ng aso kaya tantya ko ay nakatakas itong aso at hinahabol niya. "Belle! Please... stay." She did stay. Klaro sa hitsura ni Belle ang takot at kakaibang tensyon kaya hindi ko agad siya nilapitan. "Belle, alam kong... ayaw mo ng gulo o ano. Gusto ko lang makipag-usap." She bit her bottom lip and after a while, she calmy nodded. Lumapit sa kanya ang aso at hinimas ang ulo nito. "Is he... your dog?" Tumingin siya sa akin at marahang tumango. Inilinga ko ang ulo sa paligid at nakikita kong wala naman siyang ibang kasama. Baka... nasa paligid ang asawa

