Buong lakas kong itinulak si Bernard kaya natumba ito sa sahig. Hindi ba talaga nag-iisip ang lalaking ‘to? Gusto niya ba talagang mapahamak ako? Gusto niya ba talagang pareho kaming mapapatay ng mga Montefalco sa oras na malaman ng mga ito na magkarelasyon kami rati at ginagamit lang naming ang mga ito para magkapera? Galit na galit ako sa kaniya at hindi iyon maikakaila sa aking mukha. “Belle?” Sakto pang dumating si Ate Ava at nadatnan nito ang ganoong sitwasyon ng lalaki na nakaupo at umiimpit sa sahig kunwari sa sakit. Alam kong umaarte lang siya ngayon. “Oh, God! Are you okay, Mr. Aleman?” Masiyadong magaling magpanggap ang lalaking ‘to at mukhang nakukumbinsi niya si Ate na maniwala sa kaniya. Sobra ang pag-aalala ng mukha ng aking pinsan. Hindi rin ako makapag-react sa

