Pagod na pagod na ang mga mata ko sa kaiiyak nang dumating ang mga labi ni Nanay. Isang simpleng ataul lang ang napili nila Ninang dahil wala kaming pera para gumastos ng malaki. Titig na titig ako sa mukha ni Nanay nang buksan ang puting kabaong na para sa akin, walang kabuhay-buhay. Mapakla akong natawa sa naisip. Ano pa ba ang inaasahan ko? Patay na nga, 'di ba? Pilit ko na lamang inaaliw ang sarili kahit alam kong nagsisinungaling ako. "Hindi si Eloida ang nakikita ko," usal ni Nang Tess sabay haplos sa kabaong ni Nanay. Oo, hindi si Nanay ang nasa loob dahil alam kong panaginip lang ito. Alam ko paggising ko ay maririnig ko na naman ang malakas na talak niya tuwing umaga dahil ang tagal kung magising. Hindi ito totoo... "Saan na ang kapatid ko?" Sabay kaming napalingon ni Nang

