NEW SCHOOL Tumayo ako at pairap na humalukipkip nang sabihan ako ni Dodoy, ang kaedad ko lang na pinsan na umalis na sa laro dahil matatalo sila. "Hindi ka naman pala marunong, h'wag ka na lang sumali!" hiyaw niya sabay tapon ng tsinelas sa gitna. Naglalaro kami ng tinatawag nila na tumbang-bahay na laro gamit ang mga tsinelas. Para siyang tumbang preso na kailangan mong umilag at ayusun ang mga unassembled na tsinelas. So, odd! Kailan pa naging bahay ang tsinelas? Natamaan kasi ako kaya lahat kami ay out. "Intindihin mo, ngayon lang ako nakalaro ng ganito!" asar na sagot ko sa kanya. "H'wag ka na kasing sumali!" sigaw niya sa mukha ko. "Turuan mo kasi ako para manalo tayo! Bugok ka pala, eh!" Nanlalaki ang mga butas ng ilong niya at aakmang susuntukin ako. "Sige, sige!" hamon ko

