“B-Bernard…” Isang nakalolokong ngiti ang agad na sumalubong sa akin. Saglit lang naman din iyon dahil sa kasama ko ang staff ni Nathan na naggiya sa akin papunta rito. “Kung may kailangan po kayo, Sir, ay sabihan ninyo ako,” magiliw na sabi ng kasamahan ko. Isang matamis na ngiti ang ginawad ni Bernard sa babae. “Thank you so much, Miss. I appreciate it.” Iniwan na rin kami nito habang ako ay gusto ng saksakin ng tingin si Bernard. Ano ba ang ginagawa niya rito? “Wow! Bilib ako sa accommodation nila rito, ah! Sinabi ko lang… matalik mo akong kaibigan ay agad akong pinapasok? Hindi mo pa nga asawa itong Montefalco na ‘to ay parang donya ka na rito. Noon ay hirap na hirap pa akong makapasok dito gayong… isang sambit ko lang sa pangalan mo ay okay na? Wow, Belle! Napapahanga mo naman

