JONATHAN "W-wait..." Marahan kong itinulak si Belle na nakaupo sa aking harapan. Nakagugulat naman ang kinikilos nitong si Belle ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng gusto niyang mangyari sa aming dalawa. Gusto niya bang may mangyari sa amin tapos... parang wala lang pagkatapos? Ganoon ba iyon? Kung marahil noong hindi ko pa nakilala ang Belle sa panaginip ko, papayag ako sa ganitong set up, ngunit nagbago na ang lahat. Nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig at sa mga babae. Hindi man marahil totoo ang babaeng nasa panaginip ko, ngunit maliwanag naman na totoo ang nararamdaman ko. Totoo ang nararamdaman kong pagmamahal at respeto kay Belle at kahit sino pa mang kababaihan sa mundo. "Uhm..." Nagtataka akong tiningnan ni Belle. Nakatayo na siya sa habang ako ay 'di mapakali. "Kasi... hindi

