Isang mahinang haplos sa pisngi ang nagpagising sa akin. Mabigat at kumikirot ang sa bandang kaliwa ng ulo ko at pakiramdam ko ang lamig na dumapo rito. Ayaw ko pa sanang dumilat ngunit naalala ko na lang ang nangyari kanina. Nasa malambot ako na kama at… “Ugh…” “Shh, huwag kang magalaw at baka mahilo ka!” Ang panic na boses ng isang babae ang nagpakalma sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ay medyo Malabo ngunit naaaninag ko si Ate Ava. Si Ate Ava nga! “A-Ate…” Gusto kong umiyak at magsumbong sa kaniya ngunit isang nakatagong hikbi lang ang aking nagawa. Hindi koi yon magagawa dahil kung kaya akong saktan ni Bernard nang ganito ay tiyak ako pati si Jonathan ay masasaktan din. “Belle… a-ano ba talaga ang nangyari, ah? Nakita na lang kitang nakahandusay sa sahig tapos… may basag

