Mataman ko siyang tinitigan at saka yumuko't tumango. Nariinig ko na lang ang ang paghugot niya ng hininga kaya naman ay napatingin ako kung ano ang reaksiyon niya ay 'di ko inaasahan iyon. Bigla na lamang niyang pinaharurot ang sasakyan at nagtataka akong tinitingnan ang daan. "Jonathan..." "Sorry, masaya lang talaga ako!" Napalunok ako dahil kakaiba naman kung maging masaya itong lalaking 'to! "Dahan-dahan!" "Sorry!" Saka niya pinakalma ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung magagalit ako dahil sa nakakakabang ginawa niya kanina. Marami pa naman ang sasakyang nakikisabay sa amin kaya masiyadong delikado pero nakatutuwa lang na masiyado siyang na-overwhelm sa simple kong pagsagot sa kaniya ngayong gabi. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Napapangiti na lang ako at hin

