Magkahalong gulat at saya ang nakikita ko ngayon sa mukha ni Jonathan. Hindi ko alam kung talagang naririnig niya ang sinasabi ko dahil ilang sandali rin siyang natahimik. "Narinig mo ba ako?" paniniguro ko. He nodded and looked at me intently. "I guess, I heard you." Mahina akong natawa sa sinabi niya. It was risky to have relationship with him. Ngunit naisip ko rin, bakit naman hindi? Bayaran ko lang si Bernard ay ayos na, titigilan na niya siguro ako. Pera lang naman ang iniisip ng lalaking iyon kaya sa tuwing natatalo siya at nauubos ang pera niya, gigipitin na niya ako. Tama... Mas mapapadali ang lahat kung makikipagrelasyon ako kay Nathan. He will trust me everything. Baka... maibigay na niya ang titulo ng bahay at lupa. Tinapik ko ang kaniyang dalawang pisngi at saka maraha

