“Mahal mo na ba si Jonathan, Belle?” Makahulugang tumitig sa akin si Ate Ava kaya naman ay agad akong umiwas sa kaniyang mga mata. Masiyado pang magulo ang isip ko at ayaw ko munang hingan ng tulong si Ate Ava. Si Nathan lang ang natatanging ticket ko at sa oras na mabayaran ko si Bernard ay saka ako maghahanap ng paraan para makabawi naman kay Nathan. Siguro sa panahong iyon, mapapakita ko na ang totoong nararamdaman ko. Sa totoo lang, may nararamdaman talaga ako kay Jonathan, hindi man sigurong sobrang pagmamahal iyon ngunit dahil sa mga ginawa nito sa akin at sa pag-aalaga ay alam kong hinay-hinay na nabubuo iyon. Madaling lang itong mahalin, madali ring maturuan ang puso ko lalong-lalo na sa kaniyang mga pinapakita. Sadyang ang problema ko lang ngayon ang tanging humahadlang dahil

