Napansin siguro ni Belle na nakatingin ako sa dibdib niya kaya niyakap niya ang sarili. Bigla tuloy akong nahiya sa aking ginawa. Baka isipin niyang manyak ako. "D-doon tayo," turo ko sa couch. Pinaupo ko siyaroon at kinuha ang ginawa kong hot chocolate kanina habang nasa bantyo siya. Magkakape rin ako dahil baka mahimasmasan itong utak ko. Kung ano-ano na lang ang iniisip. Habang nasa kusina at nagsasalin ng tsokolate sa tasa ay 'di ko maiwasang mangilabutan sa pumasok sa utak ko. Hindi ko dapat minamanyak nang ganoon si Belle kahit sa isip lang. Remember that you broke up with her... Malalim akong huminga at sak bumalik sa sala kung saan nandoon si Belle. "Here, para mainitan ang tiyan mo." Inabot ko sa kanya ang tasa. Kinuha ko rin ang ice pack para malagyan ng unang lunas

