"I think... we have a good plan now," masayang wika ni Jonathan sabay tayo sa upuan at pilit inaabot kay Bernard ang kaniyang kamay. Mukhang nagkasundo na ang tatlo ngunit wala akong maintindihan sa kanilang pinag-uusapan dahil mas iniisip ko ang mga posibilidad na mangyari kung sakaling magtatagal ang proyektong ito at malaman ni Jonathan ang lahat. Gusto kong i-focus ang sarili sa pinag-uusapan nila kaya naman ay tiningnan ko si Bernard na ang gaan ng hitsura. Mukhang maganda at maayos naman kasi ang usapan ng mga ito kaya hindi maikakaila na mukhang nakalimutan niya lahat ng nangyari kanina at kahit tuwing napapatingin ito sa akin ay genuine ang ngiti nito. "Well, I want to call it a celebration but we should do it next time," sabi pa ni Bernard sabay tayo at inabot din ang kamay

