Iniling ko ang ulo dahil imposible! Sobrang napaka-imposible naman! Hindi naman magagawa sa akin iyon ni Belle ang bagay na iyon. Alam kong medyo malihim siya ngunit sa ganoong bagay… “She will never do that,” mahina kong sabi sa sarili at pilit na pinapakalma ang sarili. Hinayaan ko na lang ang sarili na mag-isip nang ganoon, medyo distracted lang talaga ako at hindi makapag-isip nang maayos dahil sa napapansin kong kilos ni Belle. Tila ba, takot na takot siyang makita si Bernard habang ang huli ay parang may ipinagmamayabang. Matapos ang pagniniig namin ni Belle ay agad din nakatulog ito. Ayaw ko mang isipin pa ang nakita ko kanina at sobrang pagkakahalintulad ng kubre kama at ni Belle sa nakita kong larawan. Hindi naman siguro sila ganoon kababoy para iputan ako sa ulo sa sarili kon

