BELLE Tahmik na ang gabi. Mahimbing na natutulog si Jonathan sa aking tabi habang ako ay dilat na dilat ang mga mata. Matapos ang pagniniig naming dalawa sandali lamang naglambing siya at pagkatapos ay napansin ko na lang na hindi na siya nagsasalita. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang payapang hitsura ni Nathan. Sana ganito rin ako kapayapa katulad niya. Gusto ko ring matulog nang mahimbig at walang iisipin kundi siya lang. Gusto ko lang magmahal ng normal. Hindi ko naman pinagsisisihan na ibinigay ko ang sarili kay Jonathan. Sa katunayan nga ay masayang-masaya ako dahil pakiramdam ko, nabawasan nang kaunti ang malaking kasalanan ko sa kaniya. Kahit papaano ay nakabawi na ako. Habang nararamdaman ko ang sarap sa kaniyang ginagawa, naisip ko na lang bigla na paano kaya kung mab

