Chapter Twenty-Five “Alam ko ang lahat, Belle… alam ko ang lahat patungkol sa iyo at sa nangyari sa iyo….” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Kung alam nan i Kuya Marco ang lahat, ibig sabihin, makikiusap siya na layuan ko na si Jonathan? Ano kaya ang nalalaman niya sa akin? Tinitigan niya lang ako ngunit hindi naman nagsalita. Hindi ko rin naman alam kung ano ang nalalaman niya patungkol sa akin kaya mas lalo lang akong kinakabahan. “You obviously lied to my brother…” aniya sabay lapag ng envelope at papel sa lamesa. Huminga ako nang malalim dahil ano pa ba ang magagawa ko? Kung alam na niya ang lahat, wala na akong magagawa kundi lumayo, ganoon naman siguro ang gusto niya ngayon. “Kung hinuhusgahan mo ako sa nakaraan ko, Kuya Marco, wala na po akong magaga

